Kabanata 14

7.7K 251 20
                                        

Kabanata 14

I walked out on him, again.

Hindi ko na alam kung pang ilang beses ko na ito ginawa simula nung nagkita kami ulit. Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko.

He looks so sincere and I don't have the heart to tell him that I can't fully trust him yet.

Hindi ako galit sa kanya pero ang hirap niyang pagkatiwalaan dahil nakita ko kung paano niya sundin ang kagustuhan ng mga magulang niya noon.

He was so damn willing to sacrifice his own happiness and his whole life para lang masunod sila! Anong hindi niya kayang gawin kung iyon nga ay nagawa niya?

What if Aina's right? Paano kung gamitin nga nila si Nathan laban sa akin?

Dahil kung meron man na bala ang mga Quintero na tuluyang papatay sa akin, si Nathan 'yon!

"Girl, you look like shit!" bungad ni Aina sa akin pag sakay ko sa sasakyan.

Hindi ko siya pinansin kaya nag simula na siyang mag drive.

Bumuntong hininga nalang ako habang tinatanaw ang mga establisyementong nadadaanan namin.

I feel so exhausted and down. Bigla nalang ako nakaramdaman ng panghihina na madalas ko rin naman maramdaman sa ibang bansa.

Sa totoo lang, kapag ganito ang pakiramdam ko ay mas namimiss ko lang si Mama.

I therefore conclude that sometimes even grown women needs their Mama's comfort just so we can take a break from acting strong all the time.

"Mahal mo pa rin," biglang sabi ni Aina.

Kinagat ko ang labi ko bago ko siya binalingan.

"Mahal mo pero hindi na pwede," dagdag niya pa.

She smiled sweetly at me.

"Hindi mo naman kailangan mag deny sa'kin, Rish. Hello? Ako kaya 'to!" she smirked.

Ilang saglit ko pa siyang tinignan nang masama bago tuluyang bumagsak ang balikat ko dahilan para matawa siya.

"Okay lang naman maging marupok, sis! Ang gwapo naman kasi talaga ni Mayor eh! Saka alam ko naman na bago pa tayo umalis, mahal mo na siya kaya expected ko nang magkakaganito ka pag nagkita kayo ulit."

Napailing ako at hindi na napigilang mapangiti.

As much as I don't want to admit it, tama talaga siya.

"Ewan ko, nalilito na 'ko! I'm sorry I didn't tell you right away but as you can see, he's now pursuing me," pag amin ko.

Isang nakakabinging tili ang ginawa ni Aina dahilan para takpan ko ang tainga ko.

"Shit! Stop it!" saway ko.

"Gaga! Kinikilig ako paki mo ba!" singhal niya.

Iniliko niya ang sasakyan sa daan patungo sa condo bago muling nagsalita.

"Kainis ka! Hindi ka agad nagku-kwento! Alam ko naman na hashtag team Timo ako pero gusto ko pa rin malaman 'yung mga galawan ni Mayor 'no!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"Saka FYI, ayon kasi sa mga sources ko, mukhang may chance naman na nagsasabi siya ng totoo."

Nagsalubong ang kilay ko.

"What do you mean?"

Ngumisi si Aina.

"Well, I ran into Aliah's close friend the other day and apparently, matagal na palang hiwalay si Nathan at Aliah. Ang hindi ko lang sure ay kung before or after their engagement news," chika niya.

Exception [ Quintero Series #2 ]Where stories live. Discover now