A/N
Hello! Just to avoid confusion, this chapter will be in Timo's point of view.
Expect that this chapter has a darker theme and it contains some gruesome details so if you can't take it, you can skip the parts you find disturbing.
TW : Abuse, trauma, suicide
Regardless, read at your own risk.
Maraming salamat sa pagbabasa ng #EXCPTN.
Kabanata 18
Timo
Tinignan ko ang walang buhay niyang katawan sa aking paanan.
Ngumisi ako.
Nararapat lang ito sa kanya. Hindi nararapat mabuhay ang mga taong kagaya niya dahil kagaya lang siya ni Mama.
Hindi rin siya mabuting ina.
Sasaktan niya lang si Irish sa mga desisyon niya.
Tama lang na pinatay ko siya. Sa ganitong paraan ay na-proteksyunan ko na ang babaeng mahal ko sa mga masasamang plano ng Mama niya sa kanya.Anong karapatan niyang mag desisyon para sa anak?
Bakit siya pumapayag na ipakasal si Irish sa anak ng Presidente?!
Hinding - hindi ako papayag!
Sa akin lang si Irish.
Walang kahit na sino ang makakapaglayo sa kanya sa akin.
Gagawin ko ang lahat kahit pa buhay ko ang kapalit.
Sisiguruhin ko na sa akin lang ang bagsak ni Irish.
Masasaktan siya sa pagkamatay ng ina pero ayos lang 'yon dahil nandito naman ako para samahan siya habangbuhay.
Hindi ko siya iiwan, hindi kagaya ng mga magulang ko.
Sisiguraduhin ko na magiging masaya kami, pati na rin ang bubuuin namin na pamilya pagdating ng araw. Sisiguraduhin ko na magiging masaya ang mga anak namin. Sisiguraduhin ko na hindi namin sila pababayaan.
Si Irish, iba siya sa lahat, hindi siya kagaya ni Mama na manlalalaki.
Hindi rin ako kagaya ni Papa na adik sa droga at sugal kaya walang pakialam sa pamilya. Hindi ko iiwan ang pamilya ko kagaya ng ginawa niya sa amin.
Lalong hindi ako magiging kagaya ng mga lalaking inuuwi ni Mama sa bahay na palagi akong binubugbog. Hindi ko sasaktan si Irish at ang mga magiging anak namin.
Kumalam ang sikmura ko sa gutom dahil hindi ako nakapananghalian sa araw na ito. Naghanap kasi ako ng lason kanina. Ayos lang dahil nagtagumpay naman ako na mapainom iyon sa kanya.
Naglakad ako papunta sa kusina. Ngumiti ako habang kinukuha ang kutsilyo sa lalagyan. Ito ang kutsilyo na madalas gamitin ni Irish kapag tinutulungan niya ang ina sa pagluluto.
Naglakad na ako pabalik sa mainit - init pang katawan. Umupo ako sa kanyang harapan at mas lumaki ang ngisi ko habang idinadampi ang kutsilyo sa kanyang pisngi bago tuluyang nilaslas ang kanyang pulso.
Umagos ang dugo at kinailangan ko agad lumayo para hindi ako madaplisan nito. Inilagay ko ang kutsilyo sa isang kamay niya at muli ko siyang pinagmasdan.
Hindi ko mapigilang tumawa.
Ngayon na wala na siya ay mas dadami na ang oras ni Irish para sa akin.

YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...