Kabanata 6

6.8K 242 24
                                        

Kabanata 6

Nathan didn't say anything after that at hindi na rin ako nagpaliwanag pa dahil mukhang sarado na naman ang isipan niya.

Nabasag lang ang katahimikan nang ipinarada niya ang sasakyan sa isang exclusive restaurant.

Kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa namin dito?

“Utos 'to ni Dad,” he said flatly as if reading my mind.

Nauna siyang lumabas ng sasakyan. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago sumunod sa kanya.

“Table for two,” narinig kong sabi ni Nathan sa sumalubong sa amin.

Inalalayan kami ng babaeng naka uniporme papasok sa restaurant. Napansin ko ang malalaking hakbang ni Nathan na para bang wala siyang kasama.

Napairap tuloy ako sa kawalan.

Alam ko na dapat ko intindihin kung bakit ganito siya makitungo sa akin pero hindi ko na rin mapigilan na mairita sa mga kilos at salita niya.

Isa lang ang alam ko, his judgement of me is so unreasonable, just like her mother.

Pero masisisi ko nga ba siya when it's half true?

Totoo naman talaga na kumakapit ako para sa pera, hindi ba?

As soon as we settled in a table that is good for two people. Agad siyang umorder para sa aming dalawa.

Kinagat ko ang pang - ibabang labi ko at hindi napigilang umirap muli sa kawalan.  Ni hindi manlang kasi ako tinanong kung anong gusto ko!

Sayang ang elelgante at romantic ambiance ng restaurant dahil wala naman respeto itong kasama ko!

Muli kaming nagkatinginan pag - alis ng waiter.

His eyes are still full of hatred and his jaw won't relax. I can tell that he's still irritated but what I don't understand is how beautiful he looks in my eyes even when he's this mad.

I swallowed hard.

Unti - unti ko naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ngayon kasi na nawawala na ang iritasyon ko ay mas nagiging aware na ako sa itsura namin at sa paligid.

I know I shouldn't think of this like that, but this, really looks like a date.

“What's your full name?” he suddenly asked.

Napapikit ako ng ilang beses sa gulat.

Seryoso ba 'to? Are we really getting to know each other? Hindi ko napigilan mapangisi.

“Ano 'to, getting to know each other?” natatawa kong tanong.

Nga lang ay mas dumilim ang mata niya sa akin at mas nairita pa ata.  Napawi ang ngiti ko when I saw his jaw clenched once again.

Sige na nga!

“Damairish Lane Alcantara,” sagot ko.

“How old are you?” he asked again.

“Twenty."

Napapikit siya nang mariin. Nakita ko rin ang paghugot niya nang malalim na hininga. I even saw him say something under his breath but I didn't hear it.

“Saan ka ba napulot ni Dad?” iritado niyang tanong.

I gritted my teeth.

Simula nung dumating ako rito ay hindi ko na nabilang kung ilang beses ko na narinig 'yang salitang 'yan.

Exception [ Quintero Series #2 ]Where stories live. Discover now