Kabanata 10

6.5K 251 64
                                    

Kabanata 10

Surprisingly, mas naging maayos nga ang relasyon namin ni Nathan.

Yes, we have had a bad start but here we are now, starting over. And honestly, he deserves the credit dahil talaga naman na bumawi siya.

Sa ilang araw kasi na nakalipas, nakita ko ‘yung Nathan na madalas ay marinig ko lang sa mga kwento ng mga kasambahay.

He’s really kind and thoughtful and it must be the reason why siya ang naiisip nilang susunod sa yakap ni Tito sa pulitika.

It actually made me wonder what would be my reaction if we ever met in a different situation, siguro ay hindi malabong magustuhan ko siya.

He’s just too perfect for his own good.

Nakakalungkot lang na pati sa pagpili ng mapapang – asawa ay kailangan niya pa rin na sumunod. I’m sure would it be up to him, he’ll choose his girlfriend instead.

This situation is just so unfair to the both of them. Kaya nga kahit sabihin niya na he wants to give our marriage a chance, I still doubt it.

I’m sure ginagawa niya lang ito dahil ‘yon ang utos ni Tito.

While as for me, I’ll just play along for the meantime while waiting for my way out.

Like I’ve said, we don’t really need to be enemies.

“Ah, galit ka nga sa Mama mo."

Napalunok ako at hindi nakasagot.

I inhaled sharply as I narrowed my eyes at him. Nang makita ang reaksyon ko, the corners of his mouth turned up before he took a sipped of his beer.

“Ang selfish mo pala talaga!" aniyang muli, natatawa.

Sumimangot ako. Natawa naman siya nang tuluyan habang umiiling.

“No offense, ah?” bawi niya.

Inirapan ko nga.

“Pero seryoso, ang selfish mo kung hanggang ngayon galit ka pa rin sa Mama mo dahil naiwan ka mag - isa. Hindi mo man lang ba naisip kung gaano kaya kahirap o kasakit ‘yung pinagdadaanan niya para isipin na magpakamatay, knowing na may maiiwan siya?”

Muli siyang uminom.

“But sure, no one has the right to tell you how to cope, right?” He shrugged.

Kinagat ko ang labi ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig. It really sucks hearing the truth.

Wala tuloy sa sarili kong kinuha ang isang bukas na beer at agad tinungga ‘yon.

“Oh, akala ko ba hindi ka umiinom?” he chuckled.

I shrugged kasabay ng pag tinangala ko sa dagat ng mga bituin sa langit.

Nakikita mo ba ‘ko, Ma? Sorry, sorry kung napaka makasarili ng anak mo.

Umihip ang malamig na hangin dahilan para gumalaw ang mga halaman sa aming harapan. Sarap talaga tumambay dito sa garden kapag gabi.

Bumuntong-hininga ako.

“Buti nalang nakatulong,” ani ko pagkatapos ng isang saglit.

I glanced at Nathan and I saw his puzzled look.

“Remember the five stages of grief?” I smiled. “My anger helped me to cope. Kung hindi siguro ako nagalit kay Mama, I don’t think I can survive the pain."

Muli akong tumingala sa langit.

"Sorry din kung hindi ko natanggihan si Tito nung inalok niya ako na magpakasal sa'yo, hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. I know it's unfair, kaya nga nagpapahintay ako sa'yo eh."

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon