Kabanata 3

7.1K 249 11
                                        

Kabanata 3

I'm very much aware of my shortcomings but hearing it from other people's mouth hits different.

Mas masakit nga kapag ibang tao na ang nakakita kung paano mo tignan ang sarili mo.

It's like a confirmation that what you think of yourself were all true, given that one of the hardest thing to do is to accept our own deficiencies.

Isang katok ang bumasag sa pag - iisip ko.

Mabuti nalang nakaligo na ako at presentable na kaya naglakad na ako para buksan ang pintuan ng kwarto.

Maaga akong nagising pero mas minabuti ko na manatili nalang muna sa kwarto para mag munimuni. Nakapag desisyon na rin kasi ako na kausapin agad si Tito Alfonso ngayong araw para tuluyang umatras sa usapan namin.

Pagkatapos kasi ng mga narinig ko kagabi, mas napatunayan ko lang na maling - mali itong pinasok ko.

Even though I'm desperate to survive, hindi ko naman kakayanin na makisama sa mga taong ayaw naman sa akin.

"Magandang umaga po, pinapatawag na po kayo para sa almusal," bungad ng isang kasambahay sa akin pagbukas ko ng pinto.

She's wearing a white scrub suit, nakangiti at mukhang matanda lang ng isa o tatlong taon sa akin.

Tumango ako at agad sinuklian ang ngiti niya. Lumabas na ako ng kwarto bago ko siya muling binalingan.

"Good morning, ako nga pala si Irish," pakilala ko.

Inabot ko rin sa kanya ang kamay ko na agad niya rin namang tinanggap. Nga lang ay mukhang namangha siya sa pagpapakilala ko.

I chuckled.

"Okay ka lang?" tanong ko.

Bahagyang nanlaki ang mata niya. Nahihiya siyang tumango at natawa.

"Sorry Ma'am Irish, ang ganda niyo po kasi at ang bait niyo pa, para kayong si Ma'am Adi," aniya.

Natawa akong muli.

"Wala 'yun, pero sino si Adi?" tanong ko.

Tinahak na namin ang pasilyo ng pangalawang palapag kung saan napapalibutan ng ilang paintings at pintuan ng iba pang mga kwarto ang magkabilang gilid.

"Ah, bunsong anak po nila Sir, matagal siyang nawala dahil na kidnap daw po nung bata pa pero nakita na nila pitong taon na po ang nakakaraan," kwento niya.

Tumango nalang ako kahit na medyo nalilito. Ang alam ko kasi ay dalawang lalaki lang ang anak ni Tito Alfonso, hindi ko alam na may anak siyang babae. Siguro ay nakalimutan ko lang?

"Mukha pong mataray si Ma'am Adi, pero mabait naman po. Parehas po kayong sobrang ganda, mas mabait lang po kayo tignan kaysa sa kanya," dagdag niya pa.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" pag - iiba ko sa usapan dahil hindi maayos sa pakiramdam na ibang tao ang aming pinag - uusapan.

"Ah, Talin po!" tumango ako.

"Nice to meet you, Talin."

For some reason, gumaan ang pakiramdam ko sa maikling oras na nakausap ko si Talin. Pagdating namin sa hapag ay agad din naman kami nag hiwalay.

Una ko napansin si Tito Alfonso sa kabisera, habang sa kanang bahagi niya naman ay ang asawa na mukhang agad nairita pagkakita sa akin.

"Good morning, Irish! Halika! Upo ka!" bati ni Tito.

Ngumiti ako at tumango. Tumayo pa siya para hilahin ang bangko sa kaliwang bahagi niya.

Nang makaupo na ako ay muling lumagapak ang mata ko aking harapan at nakita ko ang masamang tingin sa akin ng kanyang asawa, kaya naman minabuti ko na iwasan nalang mapatingin sa gawi niya.

Exception [ Quintero Series #2 ]Where stories live. Discover now