Kabanata 17
I should stop thinking about it, right?
I'm sure naman may dahilan si Timo at kailangan ko lang talaga siya maka - usap para maliwanagan ako.
"You should sleep, ayos lang ako." basag ni Nathan sa iniisip ko.
Mula sa tanawin sa labas ng sasakyan ay ibinaling ko sa kanya ang tingin ko. Nagkatinginan kami saglit bago niya ibinalik ang mata sa unahan.
Madaling araw na at halos limang oras na siyang nagmamaneho pauwing Manila pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok dahil sa mga naiisip ko.
Honestly, hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.
"Stop thinking about it!" saway niya.
Bumuntong hininga ako.
"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya nilihim 'yung tungkol kay Kulas eh." kumunot ang noo ko.
"I mean, magkababata kaming tatlo kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya man lang pinangalan na siya pala 'yung witness na hinahanap namin..."
Napailing ako.
"Hindi ko na alam, nalilito na 'ko!" reklamo ko.
Ipinikit ko nalang muna ang mata ko at iniba ang posisyon para mas maging kumportable.
Nga lang ay ilang saglit lang ang nakalipas ay bigla naman akong napadilat dahil narinig ko ang pamilyar na intro ng paborito kong kanta.
I'm gonna pick up the pieces
And build a Lego house
If things go wrong, we can knock it down"Seryoso ka?" natatawa kong tanong dahil sinasabayan niya ang kanya.
My three words have two meanings
But there's one thing on my mind
It's all for youNaningkit ang mata ko pero nanatili ang ngisi dahil sa kalokohan niya. Hindi ko alam kung anong trip niya at bigla bigla siyang kumakanta.
And it's dark in a cold December
But I've got you to keep me warm
If you're broken, I will mend you
And keep you sheltered from the storm that's raging on nowPumungay ang mata ni Nathan nang saglit niya akong tinignan.
I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done
I think I love you better nowHe shakes his head while smiling softly.
I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done
I think I love you better nowUnti - unting napawi ang ngiti ko. Bigla kasing bumuhos sa alaala ko 'yung mga kwentuhan namin noon tungkol sa kung anong paborito naming dalawa.
And I told him that night that this is my favorite song.
Nagbara ang lalamunan ko at agad nangilid ang aking luha. I felt a slight pang in my chest. It's been years, hindi ko inaakala na matatandaan niya pa rin kahit ang maliliit na bagay tungkol sa akin.
I've never felt so heard like this, I've never felt so important, and so loved.
Agad kong iniwas ang mukha ko bago niya pa man makita na umiiyak ako.
Siguro ito 'yung isang dahilan kung bakit minahal ko si Nathan. He's always been like a ray of sunshine in my darkest hour.
And I'll always be glad to know that there's someone like him in this world, kahit na hindi siya mapunta sa akin.

YOU ARE READING
Exception [ Quintero Series #2 ]
General FictionQuintero Series Book 2 of 3 (COMPLETED) Nathan Adriel Quintero is the perfect son of the President. He is the most obedient and the less problematic among his siblings. Growing up, nakatatak na sa isipan niya ang pagsunod sa yapak ng ama sa puliti...