Kabanata 12

6.4K 257 39
                                    

Kabanata 12

Mas tumalim ang tingin ko sa kanya.

That's it.

I'm so done with this brute!

"I'll just pretend that I didn't hear that," mariin kong sabi bago ako tuluyang nag walk out.

I groaned loudly as soon as I got out of the coffee shop. Kung hindi lang talaga maraming tao ay baka nasapak ko na ang gagong 'yon!

How dare him say that!

At ang kapal naman talaga ng mukha niya para isumbat sa akin ang hindi ko pagpunta sa engagement party na hindi naman talaga ginawa para sa akin!

Nakakagalit dahil kung umasta siya ay parang ako pa ang may kasalanan at pagkukulang na hindi natuloy ang kasal namin!

Ginulo ko ang buhok ko as soon na makapasok ako sa kotse. Ibang klaseng iritasyon ang pinaparamdam sa akin ni Nathan.

Marry me, marry me pa siyang nalalaman!

Kagaguhan!

Ano naman ngayon kung gusto niya akong tulungan?! Hindi ko siya kailangan! Wala akong tiwala sa kanya at hinding - hindi ako magpapauto sa mga papogi niya!

"Oh, bakit mukhang mananapak ka na naman?" bungad sa akin ni Aina pagdating ko sa condo.

Wala na si Timo, siguro bumalik na sa trabaho niya. Mabuti na rin 'yon dahil wala ako sa mood makinig sa mga sermon niya tungkol sa mga ginawa ko nitong nakaraan.

Sumalampak ako sa malaking couch bago ko nilingon si Aina. Nasa kitchen siya at kasalukuyang nagluluto ng dinner.

Nagbuga ako nang malalim na hininga.

"Nagkita kami ni Nathan," ani ko.

Napahinto siya sa paghahalo sa niluluto at agad nanlaki ang mata.

"Oh shit! Are you serious?!"

Tumango ako.

"Anong nangyari?!" she exclaimed.

Iniwan niya pa ang niluluto para lang lapitan ako.

I gritted my teeth.

Gusto ko talaga manapak kapag naaalala ko kung gaano siya kayabang kanina at kung gaano nakakairita ang mga lumalabas sa bibig niya!

"Expected ko nang mas hot siya ngayon ha! You don't need to tell me that na!" she giggled, dahilan kung bakit siya nakatanggap agad ng irap sa akin.

"Ok, enough na! Mag kwento ka na dali!" pangungulit niya.

I sighed heavily again.

"Sinumbatan ako sa hindi ko pagpunta sa engagement."

Umawang ang labi ni Aina.

"What? Ang labo ha!" kumunot ang noo niya. "Hindi ba sila ni Aliah? Nabalita pa nga?"

Tumango ako.

Natahimik siya at saglit na napaisip.

"But come to think of it, that was also the last time that I heard about them..." Napagtanto niya.

Kinagat ko ang labi ko bago nagsalita.

"That was the last time because we're already abroad, malamang wala tayong mababalitaan."

Umiling siya, nanatili ang kunot ng noo.

"Hindi eh! Hindi na rin kasi nag post si Aliah tungkol sa kanilang dalawa after that." kinamot niya ang ulo niya.

Exception [ Quintero Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon