PROLOGUE

66.5K 1.5K 68
                                    

"55!"

Naku! Naku! Nagbibilang na 'yong dragon. Haist!

"56...57..!"

Takbo lang ako ng takbo. Bwisit! Maaga naman ako nagising ah! Maaga lang talaga magbilang itong bwisit na dragon na 'to!

"58...59..!"

Eto na! Eto na! Malapit na!

"60! Sarado na 'yan!"

"Argh! Bwisit!" Tinadyakan ko pa 'yong gate! Ayun na yun e! "Sir! Nandito na ako oh! Nakaabot naman ako, Sir. Papasukin mo na ako Sir." Nagmamakaawa na'ko dito habang pinipilit ko'ng ipasok ang ulo ko sa butas ng gate.

"Kung nakaabot ka wala ka sana riyan sa labas!" Tinusok tusok niya pa ang noo ko ng dala dala niya'ng stick kaya napilitan ako na ilabas ang ulo ko. 'Di ko rin naman masiksik. Bwisit talaga!

"Sir parang wala naman tayong pinagsamahan." Sabi ko habang siya naman ay naglalakad palabas sa maliit na gate para puntahan kaming lahat ng late dito sa labas.

"Huwag mo'ko ganyanin Ms. Santos. May pinagsamahan nga tayo pero lahat ng 'yon perwisyo lang inabot ko!"

Aray!Nakakabasag naman ng eardrums 'to! Hmp!

"Ay! Kilala mo na'ko Sir ah! Ikaw ah!" Sabi ko habang umuusog ng kaunti palapit sa maliit na gate.

"Paanong hindi?! Halos puro Ms. Santos ang nakalagay sa Gaurd's list-- HOY BUMALIK KA DITO!"

Bhelat! Diyan ka na Sir dami mo'ng dama! May quiz pa ako bawal ako malate! Kaloka 'to! HAHA!

Takbo lang ako ng takbo para mabilis ako makapunta ng room. Tinignan ko ang relo ko. Huhu. Late na'ko ng 5 minutes.

*BOOGSH*

"Aray!" Napaupo pa'ko sa sahig bwisit itong tao na'to! "Sorry! Sorry!" Ako pa ang nagsorry ah!

Tumayo na'ko at hindi siya pinansin kahit sobrang sakit ng p'wet ko. Kung hindi lang ako late, kanina ko pa siya sinigawan.

Naglakad na'ko at tatakbo na sana ako ulit ng biglang...

"You're late"

Pucha naman!

-----------------GimmieFries----------------

My Social Media Accounts;

Facebook: GimmieFries

(My profile picture in Facebook is the girl who's eating a fries)

Twitter: @GimmieFries_

Instagram: GimmieFries

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now