CHAPTER 46: Palavern

11.5K 518 18
                                    

"Oh? What a coincidence?" sabi niya sa maarte na boses.

Mga ahas nga naman pakalat-kalat.

Hindi ko siya pinansin at tuluyang kinuha ang damit at tumalikod na pero bago pa ako makalayo ay agad niya pinaharap sa kanya at inagaw ang damit.

"Na-ah. I like this too. Go pick another one nalang."

Para iwas gulo ay tinawag ko nalang ang sales lady at nagtanong kung meron pa pero sa kasamaang palad ay iisa nalang iyon dahil limited edition iyon. Kaya ko nga nagustuhan e.

Humarap ako sakanya at nakita siyang nakangiti ng malapad.

"Akin na iyan, ako ang nauna kaya sakin mapupunta." At inilahad ko ang kamay ko.

"Hindi lahat ng first ay sa kaniya hanggang dulo. Kagaya mo." Personalan ba gusto niya?

"Oo nga. Tama ka naman. Ikaw ang best example nun." Ngumiti ako sakanya. "Yung pangalawa tapos naging hanggang dulo. Expert ka na siguro no?" I smirked at her.

"Hindi kasalanan ng second kung siya ang pinili. It means, hindi ko kasalanan kung mas choice ako. Mas magaling kasi akong gumiling keysa sayo. Laban sayo na talunan."

Edi lumabas din ang totoo. Personalan nga ito.

"Alam mo kasi, talo kasi ng malalanding tulad mo ang magagandang tulad ko. Anong laban ko sa mga haliparot na tulad mo kung utak at ganda lang ang meron ako." Thanks sa librong nabasa ko, nagamit rin. "Alam mo, gusto ko nga kumuha ng teacher e. Turuan sana ako paano lumandi, gusto mo mag-apply?" Nginishan ko siya.

"No need. Hindi ko kailangan ng trabaho kasi my fiancé is a Lawyer. So anong magagawa ko? Mayaman ang fiancé ko."

"Ay sayang naman. Balita ko kasi ikaw daw ang pinakamagaling na teacher pag dating sa landian at pangaagaw."

"Well, ang mangaagaw na tinutukoy mo ay fiancé na nang naagaw. What you gonna do about it?"

"Mga kabit nga naman, sila pa may lakas ng loob para sabihin yan."

"Na-ah. I'm the legal woman now, ex ka nalang."

"Hindi naman ako magiging ex kung walang nakisawsaw na haliparot na tulad mo."

Magsasalita sana siya kaso kinuha ko ang damit na kaya napatigil siya. Ako ang nagsalita.

"Ayaw kita kausap. Walang ka-trill-trill" sabi ko at tumalikod doon ko nakita sila Alex na nasa likod ko pala at pasimpleng nakikinig habang tumitingin sa mga damit.

"Let's go. Ang toxic kasi ng kausap ko e."

"Hey! That's mine!" Hinablot niya bigla ang damit kaya napunit. "Look what you've done!" Gigil na sambit niya. "Pay this!"

May naisip akong kamalditahan.

"Oh, ayan na. Mahilig ka naman sa mga basura. Kaya ayan ibibigay ko na, nakakaawa ka kasi. Parang noon kinuha mo ang akin na binasura ko na, at parehas ko lang silang binigay ng kusa sayo, kasi sabi ni Jollibee mag-bigay sa mga taong nangangailangan. Oh di ba? Ang bait ko. Bida ang saya! At ikaw.." bitin ko ang sasabihin ko bago lumapit sa kaniya. "...bida-bida" I winked at her before leaving the store. Nakita ko pa siyang namumula sa galit.

NASA AKIN ANG HULING HALAKHAK! BWAHAHA!

Wala rin namang napili sila Alex kaya umalis nalang kami.

"HOY BABAITA! ANG GALING MO DOON AH! PALAVERN! REYNA NG MGA PALAVERN!"hindi nahihiyang sigaw ni Alex kaya napalingon sa amin ang mga tao.

"Palavern?" Inosenteng tanong ni Yumi.

"Gaga! Palavern means Palaban. Wala ka talaga sa uso no Yumi? Napaka-old mo!" inis na sabi ni Alex.

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now