CHAPTER 41: Anniversary

11.9K 529 12
                                    

Eto na!

Excited ako ngayong araw dahil aalis kami. Second Anniversary namin eto ako ngayon, maaga nagising.

Hindi ako excited.

Nung First Anniversary namin ay lumabas lang kami, pero nag-enjoy talaga ako. Pero ngayon? Hindi ko alam ang gagawin namin. Hindi niya sinasabi sakin. Nakakabwisit siya!

Naligo na ako kahit six palang ng umaga. Sabi niya susunduin niya daw ako ng eight kaya dapat ready na ako.

Nang matapos akong naligo ay inayos ko ang sarili ko. Minsan lang ako magayos kasi hindi ko naman alam paano magayos.

"Ano kaya susuotin ko?" Pinagpipilian ko ang dress, skirt at jeans na nakalatag sa kama ko. "Hindi ako makapili."

Naiinis akong umalis sa kwarto para tawagin si Mama. Nakita ko siyang pababa ng hagdan kaya tinawag ko siya, pumunta na ulit kami ng kwarto ko.

"Baby, simbahan ba ang pupuntahan mo? Para ganitong dress ang isusuot mo?" Sabi niya at tinapon ang dress na hinanda ko kung saan. "Party ba ang pupuntahan mo para magskirt ka ng ganito?" Tinapon niya ulit ang skirt. "Seriously? Baby? Jeans? Boyfriend mo ang kasama mo hindi barkada." Sabi niya at tinapon ang jeans na hinanda ko.

Hindi nga ako marunong e!

Dumiretso si Mama sa cabinet ko para maghalungkat. Nanlaki ang mata dahil tuwing may kinukuha siya at hindi niya nagugutuhan ay ibabato niya nalang kung saan.

"Ma! Kakaayos ko lang niyan e. Ayusin mo yan!"

"Aba! Inuutusan mo ba ako?" sabi niya habang nakatalikod.

Napabuntong hininga nalang ako.

Sana pala hindi nalang ako nagpatulong

Pinasuot niya ako ng denim shorts at floral biege blouse damit ko, na tinali na pa-ribbon sa dulo para medyo maging crop top.

Para rin naman akong lalabas kasama ang barkada ko. Hmp.

Hindi na ako nagreklamo at hinila pa ako ni Mama sa kwarto nila ni Papa para daw ayusan ako. May magagawa ba ako pagsinabi kong ayoko? Wala.

Sabi ko kay Mama light lang. Nang matapos ay tignan ko ang sarili ko sa salamin. She put some blush-on on my cheeks and also a light brown eyeshadow then a lipgloss. Sabi ko ayoko ng lipstick kaya lipgloss nalang. Inayos niya rin ang buhok ng messy bun.

Pagtapos niya akong ayusan ay kinuha ko na ang gamit ko at bumababa. Gano'n nalang ang gulat ko at wala sa sariling napatingin sa orasan. Ang aga niya ata?

"Seven palang. Bakit nandito ka na?" takang tanong ko kay Kupal.

Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sakin at nakanganga pa.

"Huy!" wala pa din.

"Kupal!"

.....

"Hey!"

.....

Ayaw niya talaga kaya hinalikan ko siya.

"Napano ka?"takang tanong ko ng maghiwalay ang labi namin.

"You're so beautiful." Manghang sabi niya.

"Heh! Nambola pa. Tara na!" Sabi ko at nagpaalam na kila Mama para makalabas na kami ng bahay.

Sumakay na ako ng kotse niya nang pagbuksan niya ako, umikot siya sa kabilang side para sumakay.

"Bakit nga ang aga mo?" tanong ko ulit sakanya.

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon