CHAPTER 34: I'm sorry and thank you

13.5K 615 73
                                    

Naiinis ako dahil lagi nalang silang nagaaway tuwing niyaya nila ako lumabas. Kaya napagdesisyunan namin na alternate sila.

Isang linggo na naming ginagawa yun. Tulad ngayon kasama ko si Kupal. May pupuntahan daw kami. Hindi ko lang alam kung saan.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Secret"

Ilang beses niya nang sinasabi yan. Hindi ko na mabilang sa daliri ko. Hmp!

Natigilan ako ng marealize ang daan kung saan kami pupunta.

"Ba't tayo pupunta sa Bagiuo?" natatarantang tanong ko mamaya anong gawin niya sakin.

"Secret"

Tinakpan ko buong katawan ko at sumiksik sa gilid.

"A-nong ga-gawin mo? Re-rape-in mo a-ako no! Sabihin mo lang tatawag ako ng----" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya ihinto ang kotse "Ano ba?! Muntik na ako masub---"

"Woah! What kind of brain you have? Hindi ko gagawin sayo yun. Umayos ka nga." sabi niya "But i think.... kapag tayo na?" dagdag niya at hinagod ng tingin ang buong katawan ko.

"MANYAK!" hinampas hampas ko siya.

"Woah, stop! Haha! I'm just kidding. Stop. Haha!" Hinahampas ko siya pero ako lang din ang nasasaktan sa sobrang tigas ng katawan niya.

"MANYAK KA! IUWI MO NA AKO SA AMIN!"

"Nope"

"IUWI MO NA---"

"Shut up!"

Natuptop ang bibig ko ng sigawan niya ako. Bakit siya naninigaw?! Bastedin ko kaya siya.

Nanahimik lang ako pero mayamaya nagsalita ako para biruin siya.

"Basted ka na!" nasubsub ako ng bigla niyang hininto ulit ang kotse "Ano ba--"

"What did you say?"

"Basted ka na!" Sabi ko na ikinadilim nang mukha niya. Nakakatakot!

"Why? You do realize na mas gusto mo si Jacob?" May halong pait ang pagkakasabi niya nun.

Huh? Bat napunta dun? Bibiruin ko lang naman siya e.

"Hindi no. Basted ka na! Kasi nahuli kita na kahalikan mo si Georgia! Sabi mo gusto mo ako pero may kahalikan kang iba. Ano yun?" Nagulat ako ng tumawa siya bigla.

Huh? Anong nakakatawa?

"You sounded like a jealous girlfriend. Wag kang ganyan. Baka umasa ako." Ano daw?

"Hoy! Anong jealous girlfriend? Tusukin ko kaya yang ngalangala mo. Bahala ka diyan! Basta basted ka na!"

"Seriously?" sabi niya habang pinapaandar ulit ang sasakyan. "I didn't kissed her, she kissed me. Sinabi ko sakanya na wala akong gusto sa kanya pero sinigawan niya ako at bigla nalang hinalikan kaya. Yun ang nakita mo. Hindi ko talaga siya hinalikan. Promise!" Kung kanina siya ang natawa ngayon naman ako. "What are you laughing at?"

"You look like an innocent boyfriend who's explaining himself to his girlfriend." Nawala bigla ang tawa ko ng marinig ko ang sagot niya.

"Gusto mo totohanin?"

"LETSE!"

Nanahimik nalang ako. Pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko kaya tumingin nalang ako sa bintana hanggang sa makarating kami sa Bagiuo.

Bumababa na kami at tinanong niya kung nagugutom ba raw ako sabi ko oo kaya eto kami ngayon kumain.

Nang matapos kami kumain ay niyaya niya akong sumakay ng kabayo.

Mr. SSG President (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt