CHAPTER 10: Cheater?

20.3K 866 69
                                    

Pagtapos kong ikutin yung field ng twenty times. Tumakbo ako papunta kay Sir Dragon. Hinihingal pako nung pag-karating ko sakanya. Nang tumingin ako sakanya, nakangisi pa. Tsk. Talagang gumaganti siya. Hmp.

"T-tapos na po ako Sir Dra -este Sir Villa." Muntik na yun ah!

"Good. Two hours detention. See you there" At ibinigay niya sakin yung Detention Slip. Tumango nalang ako at kinuha yun sunod ko namang kinuha ang bag ko na nasa sahig ng field.

Napatingin naman ako kay Jacob. Twenty rounds din ang sakanya. Hindi ko alam kung bakit gano'n.

Kilala narin kasi siya dito kasi buddy-buddy kami sa lahat ng kalokohan. Kapag nasa detention ako hindi ako nabobored kasi kasama ko siya.

Kaya nung hindi siya pumasok ng dalawang buwan. Sa dalawang buwan na yun bilang lang sa kamay kung ilang beses akong hindi na detention.

No'ng una boring talaga lalo na ako lang mag-isa, pero minsan si Pres ang nagbabantay kaya hindi ako nabobored. Ewan ko kung bakit.

Tuwing kasi na nade-detention ako at siya ang bantay, doon lang ako nakakaganti ng pang-aasar kasi laging seryoso pag nasa office siya pero kapag kami nalang dalawa sa labas ng office niya. Daig niya pa pinasukan ng kiti-kiti sa sobrang kulit. Sa sobrang kulit niya nakaka-asar na siya.

Sana si Pres ang bantay mamaya, para makaganti ako sakanya. Dahil sa bwisit na pictures na hawak niya. Hmp.

"Why are you still there Ms. Santos? Do you want another rounds? It's my pleasure to give it to you." Natauhan ako sa sinabi niya. Nandito pa rin pala ako sa field. At ang kaninang tumatakbo na si Jacob ay tapos na pala sa rounds niya.

"Ah! N-no Sir. Nagpapahinga---"

"Hay naku Sir! Hinihintay lang ako niyan ni madam." Napatingin ako kay Jacob ng masama. Ang kapal niya. Hmp.

"Bwisit!" Singhal ko sa kaniya sabay talikod at naglakad na.

Nakakainis ang lalaking yun! Ang kapal niya! Kala ko ba susuyuin niya ako? Gano'n ba ang magsuyo?

Dumiretso ako sa locker ko para kumuha ng extra shirt. Basang basa na ang likod ko kaya kailangan kong magpalit.

Nang makuha ko na ang t-shirt ko ay isinara ko na ang locker ko at tumalikod para pumunta sa CR at magpalit. Saktong pagtalikod ko ay may nagbato sa mukha ko ng isang malambot na bagay at nahulog sa sahig.

Napatingin ako sa sahig. Towel? Napatingin naman ako sa nagbato.

"Next time bring your own towel. You shouldn't let your back dried with sweat, that's bad. Saka magpalit kana! Nakikita na ang panloob mo. Ang sagwa!" Sabi sakin ni Pres nang hindi man lang makatingin sa mata ko.

Magpapasalamat sana ako kaso naalala ko yung panlalait niya at yung pictures ko sakanya kaya wag nalang. Manigas ka!

"No thanks, i have my own."

"And where?"

Tumalikod ako para buksan ang locker ko at isaksak sa baga niya ang towel ko.

"Her-- Huh? Asan na yun? Andito lang yun e!"

"See? You don't have one. Get that towel, you stubborn. Wag ka ng umarte" pagkasabi niya nun ay naglakad na siya paalis. Hindi pa siya masyado nakaka-layo ay humarap siya ulit sakin at sinabing...

"By the way, take a shower. You stinks" Ano daw?

Parang napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Ako? Ako mabaho?! Inamoy ko ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho ah!

'Amoy araw lang naman ih!'

Tsk. Umalis na ako kaso may natapakan ako. Yung towel ni Pres Kinuha ko yun at nagpunta na sa CR.

Gaya ng sabi ni Pres nagshower ako. At nagbihis. Napatingin naman ako sa towel ni Pres.

'Hays hindi ko naman nagamit'

Inilagay ko nalang yun sa bag at umalis na. Magse-second subject na kaya binilisan ko na ang paglalakad papunta sa room.

Pagpasok ko sa Room kakalabas lang ng Math subject teacher namin. Kaya napatago ako. Hindi niya ako pwede makita. Dagdag detention yun. Nang mawala na siya sa paningin ko ay pumasok na ko sa room at umupo sa upuan ko.

"HOY BABAITA! BA'T NGAYON KA LANG?!" Sasagutin ko sana si Alex kaso dumating na yung Filipino teacher namin at may kasamang lalaki. Nang makita ko yung lalaki, napasinghap nalang ako.

'Jacob'

"Please introduce yourself."

"Hello guys! Jacob Suarez. Dati na ako dito but this school year medyo nalate lang ako ng enroll."

"Take your seat Mr. Suarez. Hmm? Sit at the back of Ms. Santos" nabawasan yung kaba ko kasi kahit papaano hindi ko siya katabi. Sa likod ko nga lang. Pero ayos na yun at least hindi ko makikita yung mukha niya.

"Hi madam!" Inirapan ko lang siya. Umupo na siya sa likod ko habang ako, eto tulala nanaman.

*Discuss*
*Discuss*
*Discuss*

*Kring*Kring

RECESS NA!

Pumunta na kami nila Alex at Yumi sa canteen at napag-isipang dito nalang kumain. Si Jacob? Eto nakabuntot sakin at kina-career ang pagsuyo niya sakin.

"Madam anong gusto mo?"

"Kahit ano nalang."

"Sige, kayo girls?" At sinabi nila Alex ang gusto nila. Libre ni Jacob, pasorry niya daw sa pag-iwan samin.

"Eto na!"

"Sabi ko sayo hindi na ako kumakain ng burger e."

"Sorry madam. Yan lang kasi yung tingin ko na kakainin mo."

Napabuntong hininga nalang ako. Wala rin naman akong choice no! Libre kaya to! Kumain nalang ako. Umupo naman si Jacob sa harap ng upuan ko. Maya-maya nagulat ako ng biglang nilapit ni Jacob ang kamay niya sa bibig ko.

"So clumsy. May ketsup kapa."

Nagulat ako—I mean lahat ng nasa canteen. Nang biglang may naghampas ng lamesa namin. Napatingin naman ako kung sino ang may gawa nun! Nanlaki ang ang nata ko nang makita ang galit niyang mga mata na nakatingin sakin. Nanggagalait sa galit ang panga niya. At nanginginig din ang mga kamao niya na parang nagpipigil.

"CHEATER!" Sigaw niya sakin.

ANO DAW? AKO? CHEATER?!

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now