CHAPTER 1: Mr. SSG President

35.8K 1.1K 27
                                    

"You're late"

Pucha naman!! Ba't ngayon pa!

Tumalikod ako para siguraduhin kung siya ba talaga 'yon. Saktong may dinikit siya sa noo ko pagka-harap na pagka-harap ko sa kan'ya. Kaya napapikit nalang ako. Hindi ko na kailangan kunin at basahin pa ang idinikit niya dahil alam ko na 'yun.

Tangina nalang talaga!

"One hour for being late. Another one hour for ditching a teacher earlier." Napadilat ako agad! TWO HOURS?! Two hours ako sa Detention room?! Pagdilat ko saktong pag-talikod at pag-lakad niya kaya hinabol ko siya.

"Huh?! Ano 'yun Pres? Sinong tinakasan ko? Wala akong tinakasan. Mali ka! One hour lang dapat 'yung detention ko." Sige magsinungaling ka pa self.

"You know what I'm saying Ms. Santos" Sabi niya habang naglalakad palayo sa'kin.

Ako? Eto at sinusundan siya! Wala na! Late na talaga ako! Bwisit talaga!

"Pres. Maawa ka naman sakin oh." Nag-puppy eyes pa'ko kahit hindi naman siya nakatingin sakin.

"Two hours in Detention Room. See you there." Sabi niya at mas nilakihan pa ang hakbang niya.

Ako? Eto nakatulala. Iniisip ano ang pwede kong gawin sa loob ng Detention Room ng DALAWANG ORAS!

Bwisit talaga 'tong buhay na'to. Ang aga-aga bwisit agad ang bubungad sa'kin. Tsk.

Naglakad nalang ako ulit papuntang room. Pero hindi na ako tumakbo late na rin naman ako e.

Pag-dating ko ay nagsi-simula na sila pero nakahabol pa rin naman ako. Napa-ulanan nga lang ng ka-unti ni Ma'am.

"Hoy babaita! Kaloka 'to! Late na naman."

"H'wag mo muna akong pagla-lapitan ngayon Alex. Baka i-hampas ko sa pagmu-mukha mo itong slip na hawak ko." Sabi ko ng hindi siya tina-tapunan ng tingin, nasa detention slip lang ang tingin ko.

"Hala! Ano yan?! Detention slip?! Pucha patingin!" Sabay hablot nung slip."Two hours?!" Ingay buset.

"Mababaliw ka--hmm..hmm jshshs!"

"Ang ingay ng bunganga mo Alex. Hindi mo ba pwede hinaan 'yang boses mo? Palingkera ka talagang babaita ka!" Sabi ni Yumi sabay bitaw kay Alex at inayos ang salamin niya'ng nagulo dahil hinablot hablot ni Alex yung mukha niya nung tinakpan niya yung bibig nito.

"HAH! Papatayin mo ba ako Mayumi?"

"Gan'on na nga, at papatayin na talaga kita 'pag 'di ka pa nanahimik diyan." At tumingin siya sa'kin."Ikaw, anong slip 'yan? Kalokohan mo, ayus-ayusin mo ah!" Pangaral niya pa. Pinipigilan ko nalang 'wag mapa-irap.

"Opo."

"Everybody settle down"

Napa-tigil kami sa mga ginagawa namin ng dumating na si Sir. Canlas. Filipino teacher. Hmp.

*Discuss*
*Discuss*

*Kriiinggg!*

Hindi pa breaktime. May third subject pa. Habang hinihintay 'yung teacher namin sa A.P nag-review muna ako. May oral recitation pala kami sa A.P ngayon.

Shuta lang.

Kahit naman loko-loko ako at laman ng pangalan ko ang Guard's List. Masipag pa din ako mag-aral.

Dumating na 'yung A.P Teacher namin at mali ako. Hindi naman kami mag o-oral recitation ngayon.

Bida-bida ka kasi self.

*Discuss*
*Discuss*
*Discuss*

*Kriiinggg!*

Recess na!

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant