CHAPTER 21:New Classmate

16.5K 732 37
                                    

"EDI ENEMY TAYO!" sigaw niya pabalik sakin.

"Talaga! ENEMY TAYO!"

Pagkasabi ko nun ay naglakad na ako palayo sakanya--sakanila. Narinig ko pang tinatawag ako ni Jacob pero hindi ko siya nilingon. At least nakasuntok na ako. Nailabas ko din ang galit ko.

Pero hindi pa ako tapos. Kailangan ko pang gumanti dun sa pictures. Picturan ko rin kaya siya? Tama! Ang talino mo Chloe.

Pumunta na ako sa row ng section namin para sa flag ceremony. Nakita ko pa si Kupal na dumaan sa may row namin pero inirapan ko lang siya. Enemy tayo!

Nang makabalik na kami sa classroom ay umupo agad ako. Si Jacob lumipat sa katabi kong upuan, sa likod siya dati nakaupo pero lumipat siya sa tabi ko. Pinabayaan ko nalang.

"Bati na kayo?" Si Yumi

"AY BONGGA! ANYARI? PAANO?" si Alex.

"Tsk. Tsismosa!" Sabi ko at inirapan silang dalawa.

"HOY! ANSABE MO? PARANG HINDI MO KAMI KAIBIGAN AH!" Si Alex at hinila pa yung ibang hibla nang buhok ko kunwari sinabunutan niya ako.

"Tsk. Wala akong sinasabi" ewan pero parang wala ako sa mood makipagusap. Nanggigigil ako. Bad mood na siguro ako hanggang uwian nito.

"Napano to? Bat bad trip ka ata?" Si Yumi.

"Pano ba namam kasi may ENEMY na siya." Natatawang sabi ni Jacob, sinamaan ko siya ng tingin kaya tinakpan niya ang bibig niya.

"AY! NAKITA KO YUNG PICTURE MO DUN SA GROUP PAGE NATIN? GAGO YUNG GUMAWA NO'N! TAENA! PANGIT MO DUN NO! HAHAHA" Taena mo Alex

"Kilala mo ba sino gumawa nun sayo?" Si Yumi kaya napakuyom ulit ang kamay ko.

"Gagantihan ko talaga siya. Akala niya!" Sinuntok ko ang table ko. Nanggigigil talaga ako!

Nang dumating na ang teacher namin hindi na kami nakapagusap. Nakikinig sila habang ako nagiisip kung paano ko gagantihan ang Kupal na yun! Bwisit siya! Hanggang maglunch wala pa din ako sa sarili ko.

Naglalakad na kami papunta sa canteen nang biglang may bumangga sa balikat ko. Nang makita ko kung sino yun uminit bigla ang ulo ko lalo na nung hindi siya nagsorry at iba ang sinabi...

"Enemy tayo" sabi ni Kupal at umalis kasama ang ibang SSG Officers.

Grr... Ginigigil niya talaga ako lalo!

Hinila na ako nila Alex papuntang Canteen at nang makaupo kami nagtanong sila agad.

"Si Pres yung ka-enemy ni Chloe, Jacob?" Tanong ni Yumi kay Jacob.

"Oo, HAHAHA!" sagot naman ni Jacob kaya sinamaan ko siya nang tingin pero nagiwas siya at tumayo saka kinuha ang gusto namin para makaiwas sa masamang tingin ko sakanya.

"HALA GAGO CHLOE! ANG TAPANG MO PARA BANGGAIN SI PRES. GAGO KA! IKAW NA TALAGA BASAGULERA!" sigaw ni Alex kaya napatingin halos yung ibang tao sa Canteen.

"Ikaw Palingkera!" Sigaw ko pabalik badtrip talaga ako ngayong araw na to!

Nang dumating na ang pagkain namin ay kumain na kami. Hindi ko nakakalahati yung kinakain ko nang naramdaman ko ang malamig na bagay na bumuhas sa mukha ko.

"Woah! Shit! Ang lamig!" Napatayo pa ako.

"Oppss.. natapilok ako. Enemy kasi tayo." Sabi niya pa bago tumalikod at umalis.

"Ah! Bwisit!"

Umalis ako aa Canteen at pumunta sa CR. Sumu-sobra na siya! Mapapatay ko na talaga siya e!

Buong araw ganun ang nangyari tuwing makakasalubong ko siya bubungguin niya ako at sasabihing 'ENEMY TAYO' Kaya laking pasasalamat ko at may meeting ang lahat ng teacher kaya three palang pinauwi na kami five kasi talaga ang uwian namin.

Tinext ko si Kuya sabi ko siya na bahala kay Chase uuwi na ako. Ayoko sumabay sakanya kasi mamaya pa iyon. Siguradong lalabas yun kapag marami na ang nakalabas ng school. Section nga ata namin ang unang pinalabas. Naglalakad na ako para makasakay ng Jeep nang biglang....

"AH!" Tangina!

May dumaang kotse at sa dinaanan niya may putik kaya natalsikan ako. Eto na yung panagalawang pagkakataon na nadumihan ako ng putik kaya nakakatangina talaga!

Tinignan ko yung Kotse kasi tumigil siya. Lumapit ako. Pagkalapit ko ay agad kong kinalampag yung pinto niya. Bumababa naman ang bintana niya. Handa na sana akong singhalan siya kaso naudlot nang makita ko kung sino ang nasa loob.

"IKAW NANAMAN?!" Si..

KUPAL!

"ENEMY TAYO." pagkasabi niya nun ay nilagpasan niya na ako.

"AHH! MAGAGANTIHAN DIN KITA!"

Para akong tanga sa loob ng jeep sa sobrang dumi ko. Panay ang tingin nila sakin kasi puro putik yung dami ko, mukha akong taong grasa. LETSE!

Nang makarating ako sa bahay agad akong naligo at nahiga sa kama. Magiisip ako ng magandang pangganti. Tanginang yan!

LINTIK LANG WALANG GANTI!

--------------
Kinabukasan maaga akong pumasok. Ayokong madentention no! Siguradong sira ang araw ko!

Sumakay lang ulit ako ng jeep at naglakad papuntang school.

Nasa kalagitnaan ako nang paglalakad nang may bumusina.

*Beep*

"Ay! Jusmio ng ina!" Napatalon pa ako sa gulat.

Bumababa yung bintana at dumungaw dun ang taong sisira ng araw ko.

"Good Morning Burger!"

"Walang good sa umaga kung ikaw ang makikita ko! Anong burger? Huwag mo nga akong matawag tawag ng ganyan baka mapatay kitang Kupal ka!" Sabi ko at umalis agad.

Wala na! Sira na ang araw ko!

Dali-dali akong maglakad pero naalala ko naka kotse pala siya kaya nasundan niya pa din ako! LETSE TALAGA!

"Burger wag ka na magalit. Sige ka lalo kang papangit."

"Bwisit ka! Ang Kupal mo talaga no! Huwag mo nga akong sundan!"

"Hindi kita sinusundan. Sa school din ang punta ko, assuming!" Namula ako sa hiya. Oo nga pala.

"Edi wag mo akong kausapin!"

"Ikaw ang kumakausap sakin."

At talagang binabaliktad niya ako!

Hindi ko na siya sinagot at mas binilisan pa ang lakad. Dumating na ako sa room at umupo. Hinihingal ako! Bwisit!

Maya-maya ay dumating na sila Yumi sumunod naman si Alex na gulat na gulat nang makitang naunahan ko sila.

"AGA NATIN NGAYON AH!" si Alex as usual.

"Tsk." Sabi ko at hindi siya pinansin

"Sungit!"

Maya-maya dumating na si Jacob at tumabi sakin.

"Hinintay kita Madam nandito ka na pala." Reklamo niya.

"Wala ka namang sinabi na magsasabay tayo." Sabi ko.

"Tsk. Buka--"

Naputol ang sinabi ni Jacob ng pumasok ang teacher namin at nagsalita.

"Everybody settle down."

Umupo naman kami lahat ng maayos at nanahimik.

"You have your new classmate." Tumingin si sir sa labas at pinapasok ang kung sino man ag naroon. "Please come in"

Ganun nalang ang panlalalaglag ng panga ko ng makita kung sino ang pumasok.

"Hi My name is Theodore Madrigal. SSG President but now, I'm your new Classmate."

Isang malutong na tangina!

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now