CHAPTER 44: Celebration

11.4K 498 13
                                    

"WAH! OH MY GOD! GIRLS! LOOK AT THIS! FASTER!" nagulat ako sa biglaang sigaw ni Alex.

"Ano ba yan? Makatili naman to!" inis na sabi ni Yumi.

"Babasahin ko nalang!" Tumikhim pa siya kunwari. "Our Famous Lawyer Theodore Madrigal is now officially announced, engaged with Georgia David the Famous Model of all time!"

Natigilan ako ng marinig ko ang pangalan nilang dalawa.

"So sila na pala ng higad na yun." Wala sa sariling sabi ko.

"Oh? Bakit Chloe? Affected much?" Agad kong sinamaan ng tingin si Alex.

"Tsk. May papunta-punta pa siya sa bahay noon. E sila rin naman ang magkakatuluyan. Pavictim lang talaga siya noon. Abogado siya tapos ganun ang ugali niya."

"Kalma, puso mo! Ikalma mo yan. Mag-jowa ka na kasing babaita ka. Napakabitter mo! Tignan mo kami ni Yumi, blooming!"

"Ang landi mo Alex." Saway ni Yumi.

"Bahala nga kayo diyan!" Sabi at tumingin na ulit sa laptop ko.

Nandito kami ngayon sa condo ni Alex. Nag-aya kasi siyang mag-celebrate dahil daw sa wakas isa na akong Doctor. Kung ako ang tatanungin, ayoko, pero dahil mapilit sila edi go nalang ako.

Ilang taon na din ang lumipas simula ng maghiwalay kami. Nung malaman ni Kuya at ni Papa, galit na galit sila syempre. Sa una mahirap, pero nakabangon naman ako, hindi ko dapat iniiyakan ang mga taong hindi deserve ang luha ko.

"Pero Chloe, sayang din ang pinagsamahan niyo. Two years din yun. Hindi ka ba nanghihinyanag?" biglang sabi ni Alex.

"Bakit ako manghihinayang? Nanghinayang ba siya?" Nanghihinayang talaga ako pero walang lugar ang panghihinyang sa puso ko.

"Proud ka ba sa kaniya?"

"Ha? Anong nakakaproud sa pagloloko?" i looked Alex with disbelief.

"Gaga! Proud kaba sa narating niya? Taena nito! Proud ka ba? Kasi tignan mo sa siya, isa na siya sa pinakasikat na abogado dito sa Pilipinas."

"Sige. Proud nalang ako." parang wala lang na sabi ko.

"Bakit napipilitan ka?" Hindi ko siya sinagot.

Pero sa totoo lang, proud ako sakanya. Ayoko lang ipakita dahil ayokong may masabi sila.

"Akala ko ba magce-celebrate tayo? Anyare? Dito lang tayo? Sana pala nag-aral nalang ako sa bahay. Meron pa akong paga-aralan e."reklamo ko.

"Gaga ka! Pupunta ka ng bar tanghaling-tapat? Gagang to. Hindi nagiisip."

"Edi sana sinabi mo kanina na sa bar pala tayo para gabi nalang ako pupunta dito!"

"Bakit? Ayaw mo ba kami kasama?! Minsan na nga lang ito. Dahil lahat tayo busy na. Nakakasakit ka ah!"

"Hays.. ayan nanaman tayo sa drama niya." Narinig ko lang siyang tumawa, hindi ko na siya pinansin.

---------------

"Hoy! Magenjoy kayo ah! Ikaw newly graduate natin! Hahanapan kita ng jowa ngayon!" Sabi sakin ni Alex.

Napa-iling nalang ako at uminom nalang.

"Baby? Saan ka ba pupunta? Hayaan mo na si pandak! Malaki na yan! Hindi niya--"

"Shh.. shut up! Kailangan na ng jowabells ng aking sister-in-law!" Lasing na siya.

Oo, kasama namin sila Kuya. Sama mo pa si Jacob. Hindi kasi sila nagtitiwala sa mga jowa nila pag-lasing.

"Babe... Tama na yan. Uwi na tayo." Narinig kong sabi ni Jacob kay Yumi.

Naiinis ko silang sinigawan.

"OH EDI SANA ALL SAINYO! KAYO NA MAY JOWA! GALING NIYO E." Sabi ko at iniwan sila.

Gusto ko na magkajowa! OP ako sakanila e.

Pupunta sana ako ng CR kaso may humarang sa dinadaanan ko.

"Hello miss. Can i ask something?" Sabi niya sakin.

"What?"

"I lost my number, can i have yours?" hindi pa naman ako lasing kaya alam ko pa ang pinagsasabi niya. Pinipigilan ko lang wag matawa sa lumang style niya.

"Sorry i lost mine too." sabi ko at nilagpasan siya para pumunta ng CR.

Akala niya madadala niya ako sa style niya?

Neknek niya!

Pagkalabas ko ng CR ay dumiretso ako sa inuupuan namin kanina. Nagulat ako ng may lalaking nakaupo roon na hindi ko kilala.

"Ay, Chloe! Ayan na siya!" Hinila ako ni Alex papunta dun sa lalaki. "Chloe this is Matt, he's a Doctor. Magkakasundo kayo!"

"Hi, Matt." Sabi niya at inilahad ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon.

"Chloe."

"Nice to meet you." Nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko. Kaya wala sa sariling nahablot ko iyon.

"Nice to meet you too." sabi ko at umupo na, tinabihan niya ako at nagkwento siya.

Noong una ay medyo naiinis ako sakanya pero nung medyo matagal na kaming nagusap nageenjoy na ako dahil hindi siya nakaka-bored kausap.

"Let's have dance?" tumango lang ako ng ayain niya ako.

Sumasayaw lang kami. Hanggang sa may binigay sa amin ng alak na hindi namin alam kung sino. Agad kong ininom iyon. Nahilo lang ako pero habang patagal ng patagal ay nagiinit ang katawan ko lalo na ng hawakan ako ni Matt.

Nakita kong palapit ang mukha niya sakin. Hahalikan niya ba ako? Wala akong lakas para itulak siya. Pero may gumawa nun lara sa akin. Hindi ko lang nakita dahil nandilim ang paningin ko at tuluyan ng nilamon ng dilim.

----------------

Nagising ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko kaya napadilat ako.

Nakita ko ang hindi pamilyar na kwarto. Kaya napabalikwas ako ng bangon na pinagsisihan ko dahil biglang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak.

"Ah. Ang sakit!" Impit na sigaw ko at napahawak pa sa ulo.

"That's what you've got, for drinking too much liquor."

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses na iyon.

P-paano? Nagkakamali lang ako? Nagha- hallucinate lang ako. Hindi ko pwede narinig ang boses na iyon!

Dahan dahan kong inangat ang tingin ko at nakita ko ang lalaking kinasusuklaman ko.

Bakit siya nandito?

PAANO?

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now