CHAPTER 39: Highest Law

12.3K 538 11
                                    

Three months

Three months na kami pero wala pa ring pinagbago. Sweet padin siya sakin at korni. Haha..

Iniwan ko muna siya sa field. Actually tinakasan ko siya! Nakakabwisit! Lagi nalang siyang nakabuntot sakin. Kulang nalang samahan ako pati sa CR.

Pupunta ako ngayon sa locker dahil kukuha ako ng extra shirt dahil may activity kaming ginawa kaya pawis na pawis ako. Hinahanap ko ang tshirt ko ng biglang may nahawakan ako. Kinuha ko.

"Towel?"

Hindi sakin ang towel na to. Pilit kong inaalala kung saan ko nakuha ang towel na to ay bakit nasa akin.

Natawa nalang ako ng maalala kung saan ko ito nakuha. Eto ang binigay sakin ni Kupal ng tumakbo ako ng pinatakbo ako ng twenty rounds ni Sir dragon.

Nandito pa pala to? Ilang buwan na to dito. Mabubulok na to.

Kinuha ko iyon para iuwi. Galing sakanya yun kaya dapat ingatan ko. Hihi

Nakangiti kong sinarado ang locker ko at naglakad na papunta sa CR para magpalit ng damit.

"Oh, someone is happy." Napatigil ako sa paglalakad at tignan kung sino ang nagsalita na hinaharangan ang dadaanan ko.

"Georgia?"

"Hi." nginitian niya pa ako pero alam kong peke iyon.

Dito siya mangugulo? Seryoso? Ang daming tao oh!

Nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ang braso ko at tinulak pabalik sa kinatatayuan ko kanina.

"I'm talking to you di ba? Bastos ba you?" ang arti niya talaga magsalita.

"Bago mo ako kausapin, siguraduhin mong diretso na yang tagalog mo." sabi ko at inirapan siya.

"Ikaw pa choosy. Im talking sayo kaya! You should be thankful."

"Why would i?"

"Grr.. so slow. I thought your basagulera lang, not pala. Tanga and slow ka din pala." nainis ako sa sinabi niya kaya ginantihan ko siya.

"Ow? Kung tanga ako, assuming ka."

"Hey, I'm hindi assuming no!"

"Really? Sino ba ang nagsabi na boyfriend niya daw noon ang boyfriend ko ngayon. E siya lang naman nakakaalam." nginitian ko siya ng nakakaasar. Nakita kong sasampalin niya ako pero nagsalita ako ulit. "SSG Officer ka pa naman din, ikaw pa nagsisimula ng gulo. Sa harap pa ng madaming tao." tumingin muna ako sa mga taong nakatingin na pala samin ngayon. Bago tumingin sakanya at nagsalita. "Nakakahiya ka."

Namula siya sa galit at binaba ang kamay niyang nanginginig sa galit.

"Remember this bitch. I'm not done with you! Theodore is mine Not yours. Mine. Mine! I'll do everything to make him mine! He doesn't deserve you. You look like a bitch." Gigil na sigaw niya sakin.

"Bitch? Are you referring to yourself? Baliw ka na. Tinatawag mo ang sarili mo. Tsk." Nginisihan bago umalis at iniwan siyang nanginginig sa galit.

Siya ang nagsimula pero siya ang talo. What a bitch!

Kahit pakiramdam ko ay ako ang panalo sa sagutan namin na iyon, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya.

I'm not deserving? She will do everything? Aagawin niya ba sakin si kupal?

Iyan ang tanong ko sa sarili ko nagpa-lutang sakin at hindi maintindihan ang tinuturo ng teachers ko. Napansin ata ni Kupal kaya tinanong niya ako.

"May problema ba?"Kasalukuyan naming hinihintay ang next teacher namin ng magtanong siya.

"Ha? W-wala naman." Sabi ko at ngintian siya ng alanganin.

Parang hindi siya naniwala kaya nagulat nalang ako ng hilahin niya ako patayo at kinuha ang bag namin at lumabas kami.

"Huy! Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makalabas kami sa building ng school at hinihila ako papunta sa kotse niya.

Hindi niya ako sinagot sa halip pilit niya akong pinapasok sa kotse niya ng makalapit kami doon. Nang makasakay siya sa driver's seat ay tinanong ko siya.

"Saan tayo pupunta?" pero hindi niya parin ako sinagot kaya nagsalita ulit ako. "Magcucutting ba tayo? Naku! SSG President ka tapos magcucutting tayo? Bawal yun sa rules. Ikaw ah! Bakit mo sinusuway ang batas?" pinaandar niya muna ang kotse bago ako sinagot.

"Whatever the law is. I wouldn't obey it. Because, I only have one law. You. You are my only law. Of all the laws, you are my highest law."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Ako ang batas niya? Pwede kiligin? Wah!

Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya kaya nanahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan tanaw na tanaw mo ang buong syudad. Bumaba na ako.

Maaga pa kaya hindi pa ganun nakikita ang ganda ng lugar. Pero sure ako paggabi na maganda dito. Magtatalo ang iba't-ibang ilaw na galing sa mga bahay na nasa ibaba.

Kahit hindi ganun kakita ang ganda ng lugar, nakakarelax pa din kasi sariwa ang hangin. Nakita kong sumandal si Kupal sa hood ng kotse kaya sumunod ako sakanya.

"What's the problem?" maya maya ay tanong niya na ikinagulat ko.

"Wala naman." pagsisinungaling ko.

"Hindi ako naniniwala sayo."

"Wal--"

"One lie again and I'll punish you. I know there's a problem. What is it? Spit it out." Nanahimik ako, ayoko sabihin na nagtalo kami ni Georgia.

"Burger..." hinila niya ako palapit sakanya hinawakan ang mukha ko para iharap sa kanga. "Spit it out, Burger... I'll listen." malambing niyang sabi sakin.

"Deserve mo ba ako?" halatang nagulat siya sa tanong ko pero agad siyang sumagot.

"Yes. Of course, you are! What kind of question is that?"

"Just asking..."

Nanahimik kami saglit, bumitaw ako sakaya at sumanandal ulit sa hood ng kotse. Sumunod naman siya at pinilapot ang braso sa beywang ko. Tahimik lang kami hanggang sa nagtanong ako.

"Anong gusto mong maging?" tumingin siya sakin bagi sunagot.

"I want to be a lawyer." tumango lang ako at hindi na nagsalita pero tinanong niya ako. "How about you?"

"Huh? Gusto ko maging doctor, kung hindi papalarin. Edi... maging future mo nalang" biro ko.

Natawa siya bago nagsalita ulit..

"Wag ka na magaral. Sakin ka nalang, ngayon palang nakamit mo na pangarap mo. I'm your future after all."

"Heh! Joke ko lang yun. Gusto ko talaga maging doctor."

"Then so it be. I'll support you."

Nanahimik kami ulit pero nagsalita ako.

"Gusto ko din na makamit ko yun kasama ka."

"Makakamit natin ang pangarap natin... ng magkasama."

Napangiti nalang ako.

Sana nga

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now