CHAPTER 38: Parents

12.2K 579 11
                                    

"What is the meaning of this?!"

Huli kami pero di kulong.

Agad akong lumayo sa kanya at halata mo sa mukha niya ang pagkabitin at pagkainis. Sabi ko na nga ba mahuhuli kami e!

"Ahm. We're kissing..." parang wala lang na sabi ni Kupal.

Hello? Nahuli po kami.

"You two, get out of my this room! Hindi ko kaya ang ginagawa ninyo! Are you two aware that you are in a public plac---"

"No. We're not in a public place. This is a room. Definitely not public place." Pakikipagtalo ni Kupal na ikinanganga ko.

Seryoso? Teacher yan e!

"You're an Officer, but your attitude.. What kind of attitude you have?"

"I'm just defending myself. I have my rights." Nagkibit balikat pa tong Kupal na to.

Seryoso? Ganyan ba siya kapag nabitin ng kiss?

"You two caught in the act!"

"Do you have an evidence?"

"Yeah." Nginitian niya kami ng nakakaloko at tinuro ang CCTV!

"Whatever" bwisit tong Kupal na to.

Hinila ko na si Kupal. Pinapaalis niya na naman kami e. Ang kinakaba ko lang baka ipatawag ang parents namin. Huhu

First palang naman kami na huli e. Bukas yung susunod. Bwahaha!

Nang makalabas kami ng school, sumakay na kami ng kotse niya.

Ba't nandito to? E nagcommute lang kami kanina ah.

Pinasakay niya na ako at umikot siya para makasakay sa driver's seat. Pagkapasok niya ay tinanong ko siya agad.

"Bakit nandito tong kotse mo? Nagcommute tayo di ba?"

"Pinahatid ko dito." simpleng sagot niya.

Mayaman siya e. Ano pa bang aasahan ko?

Tumahimik lang ako at mayamaya nagsalita din.

"Sigurado ka bang gusto mo nang ipakilala kita?"

"Ayaw mo ba?" Balik-tanong niya sakin.

"Uhm. Hindi naman, kasi..kasi.. baka kasi.."

"What? Lalo mong pinaparamdam sakin na hindi ka proud sakin"

"Oy! Hindi ah. Ano kasi e.. baka kasi tamaan ka kila Papa. Sabi kasi nila eighteen ako magboboyfriend, e seventeen palang ako pero sinagot na kita!"

"Because you love me." Napakalapad na ngiti ang nakapaskil sa mukha niya ng sabihin ko yun.

"Sino may sabi na mahal kita? Hindi pa nga kita ina-i love you e."

Kung kanina ay napakalapad ng ngitu niya ay biglang nawala. Hindi ko pa siya ina-i love you kasi gusto ko pag alam na nila Papa..

Hindi na siya nagsalita pero alam kong tinamaan siya sa sinabi ko. Totoo naman yun e! Pero pag napakilala ko na siya kila Papa sasabihin ko na mahal ko siya.

Hanggang sa nakarating kami sa bahay ay hindi na siya nagsalita. Bumababa na kami ng kotse at pumasok sa bahay. Pagpasok namin, nagulat ako ng bigla akong sigawan ni Kuya.

"CHLOE MAE SANTOS! KAILAN MO BALAK SABIHIN SAMIN ANG TOTOO HA?! KAILAN MO--" napatigil siya sa pagsasalita ng makitang nasa likod ko si Kupal. "Theo? Buti naman pumunta ka dito. Kailan niyo sasabihin samin ang relasyon niyo ah!" masama niyang tinignan si Kupal. Nang tignan ko si Kupal namumutla siya.

Anyari? Natatakot ba siya?

"Pano mo nal--" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Alex na nasa likod ni Kuya ma nakapeace sign pa sakin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Shuta ka!

Nakita ko din sila Mama at Papa na nakatingin sakin ng seryoso. Napayuko nalang ako at nagsalita. Si Chase naman ay busy lang sa ipad niya na walang paki sa mga nangyayari.

"Ma, Pa, Sorry po. Alam ko pong dapat ako magboyfriend kapag eighteen na ako. Sorry po ta--"

"Iho, ayos ka lang ba? Hindi ka naman ginayuma ng anak ko. Hindi ba?" narinig kong tanong ni Mama kay Kupal at nilapitan pa para tignan ang buong katawan.

Anong sabi niya? Gayuma?!

"Kusa mo ba talagang minahal ang anak ko iho? Pinikot ka ba niya? Sabihin mo lang." Napanganga ako sa sinabi ni Papa.

Anong ulit yun? Pinikot?!

"Pa, Ma. A-anong sinasabi ni--"

"Manahimik ka Chloe Mae Santos! Anong ginawa mo? Ginayuma mo ba ang binatang ito, ha?" Nagulat ako ng sigawan ako ni Papa.

Bakit sila ganyan? Magulang ko ba sila? Ampon lang ba ako?

Bakit ako? Baka siya! Siya ang nanggayuma sakin!

Tinignan ko si Kupal at nakangisi siya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Siya ang naggayuma sakin! Hindi ako. Bakit ba kayo ganyan?" nagtatampo kong saad.

"Nagbibiro lang kami baby.. I'm so happy for you. Finally! My babies had their own happiness na. Si Chase nalang kulang." Masyang saad ni Mama na pumapalakpak pa.

"Hon, bata pa si Chase." Lumingon sa akin si Papa. "Baby, hindi kami galit. Tampo lang kasi hindi mo agad sinabi. Kailan ba naging kayo" tanong ni Papa.

"Kahapon lang po" magalang na sagot ni Kupal.

"KAHAPON PA PAL---"

"Caleb! Don't shout!" nginisihan ko si Kuya na halatang inis na inis. Bhelat!

Inaya na kami ni Mama na kumain. Tinanong nila ng kung ano-ano si Kupal habang ako tahimik lang. Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko na nasa ilalim ng lamesa kaya napatingin ako kay Kupal. Nginitian niya lang ako ng pagkatamis tamis then he intertwined our hands.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Hanggang sa matapos kami kumain hindi niya binitawan ang kamay ko. Kaya hirap na hirap ako sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain ay niyaya ko siya sa may likod ng bahay namin. Kung saan sila naglaro ng basketball dati at nakita ko ang hubo't hubad niyang katawan na mala-adonis. Gusto ko kaso makita ulit kaya pumunta kami dito. Joke!

Malandi!

"Naalala ko, dito mo tinitigan ang katawan ko na parang gusto mo nang kainin." nakangising sabi niya sakin.

"Hoy! Ang kapal mo. Titig agad? Hindi ba pwedeng napatingin lang? Kapal nito!"

"If you say so. Haha"

Nanahimik muna kami saglit pero mayamaya ay tinwag ko siya.

"Kupal."

"Hmm.."

"I love you"

Nakita kong natigilan siya at dahan dahan lumingon sakin at doon ko nakita ang gulat na gulat niyang mukha.

"W-what did y-you just s-said?" utal niyang tanong kaya natawa ako.

"Ayoko na ulitin. Tinatamad ako."

"Say it again! Please. Please. Please" natawa nalang ako at inulit ang sinabi ko.

He stared at me intently, so am i. I stare at him back before repeating the words I've said earlier.

"I love you"

Hindi siya nagsalita sa halip sinakop niya ang akin bibig na puno ng pagmamahal.

Kulang pa ang salitang mahal kita, sa halik na pinagsaluhan namin.

We kissed each other passionately, and the moon is our witness.

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora