CHAPTER 31: Pag-asa

13.4K 602 94
                                    

Dalawang linggo na kaming hindi naguusap. Simula no'n, lahat nagbago. Madalas siyang hindi pumapasok sa room. Excused daw siya kasi nga SSG President siya pero nagtataka kami, wala naman event pero busy siya. Sumagi sa isip ko na baka iniiwasan niya talaga ako at ayaw na makita kahit ang kapalit ay ang pabagsak niyang grade.

Ako? Hindi ko na alam ang nangyayari sakin. Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya ako. Gusto ko siyang lapitan pero nahihiya ako. Gusto ko ibalik sa dati pero nahihiya ako. Hindi ko alam saan sisimulan kasi nahihiya ako.

"Chloe? Hindi ka ba kakain?" narinig kong tanong ni Yumi. Lunch ngayon pero hindi ko magawang galawin ang pagkain ko. Umiling ako sakanya at nilapag ang kutsara at naglakad palabas ng canteen.

Ilang araw na akong walang maayos na kain, wala lang talaga akong gana.

Nakayuko akong habang lunalabas ng canteen kaya hindi ko namalayang may nabangga ako.

"Naku so--"

"Nagpapansin ka ba talaga?" napaangat ako ng tingin at nakita si Georgia na nasa gilid ni Kups. Si Kups ang nabunggo ko pero siya ang nagreact. Tsk.

"Sorry hindi ko--"

"Talaga ba?" sa inis ko hindi ko napigilang pagtaasan siya ng kilay. Nagsorry na nga ako e.

"Nagsorry na nga ako di ba? Saka bakit ikaw ang nagrereact? Ikaw ba ang natamaan ko?"

Nakita kong iniangat niya ang kamay niya at handa na akong saktan ng may kamay na pumigil roon.

"Let's go. Nsasayang lang ang oras natin dito" yun lang ang sinabi niya at umalis umalis na. Sumunod naman yung haliparot pero nakita ko pa ang pagirap niya sakin. Dukutin ko mata mo niya e!

Pero sa sinabi ni Kups... Nasasayang lang ang oras niya sakin?

Ayoko na! Bakit ba ako masasaktan? Ginusto ko naman to. Pinalayo ko siya sakin kasi may girlfriend na siya. Sinusunod niya lang naman. Pero bakit ako nasasaktan?

Kasi gusto mo siya!

Natigilan ako sa sinabi ng isip ko. Anong sabi ko?

"Gusto ko siya?"

----------------

Napagdesisyunan kong kausapin siya ngayong araw. Kaso hinagilap ko na ang buong school hindi ko pa din siya makita!

Napaupo nalang ako sa hallway na hinintuan ko ngayon. Pagod ako kasi nilibot ko ang buong school pero hindi ko siya makita. Bwisit siya! Pinahihirapan niya talaga ako.

"No!"

Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumigaw. Sinundan ko ang sigaw na yun at natagpuan ko yun sa isang kwarto. Ang Office ng SSG Officers.

Sumilip ako doon pero pinagsisihan ko din dahil may nakita akong hindi ko dapat makita dahil alam kong masasaktan ako.

They're kissing each other.

Agad akong tumalikod at isasara sana ang pinto kaso lumikha iyon ng ingay dahilan para mapatigil sila sa ginagawa nila. Napayuko ako nang tumingin sila sa akin.

"So-sorry. Ba-babalik nalang a-ako" agad kong isinara ang pinto at naglakad ng mabilis.

Pakiramdam ko naiiyak nanaman ako. Ayoko na, ayoko na umiyak!

Patuloy lang ako sa paglakad ng may humigit sa braso ko paharap sa kanya.

"What are you doing there? You need something?"

Gusto kong maiyak dahil ako ang kinakausap niya. Ako. Pero kahit kinausap niya ako, nandoon pa din ang seryoso niyang mukha na nakatingin sa akin.

"G-gusto lang sana k-kita kausapin. K-kaso mukhang busy ka, k-kaya mamaya n-na lang."Sabi ko at tumalikod na pero pinaharap niya ako ulit sa kanya.

"Talk."

"Hindi na, mama--"

"Talk." ma-awtoridad na sabi niya.

Gusto niya magsalita na ako? Kanina ko pa gusto magsalita pero pinipigilan ko lang. Pero pinipilit niya ako edi sige! Magsasalita na sana ako pero naunahan ako nang luhang kanina pa nagpipigil na wag tumulo.

"Gusto mo ako magsalita? Edi eto na!" Naibuntong ko sakanya lahat ng kinikimkim ko ng dalawang linggo. "Sabi mo gusto mo ako! Sabi mo mahal ko ako! Bakit hindi mo ako ipaglaban?! Torpe ka na nga! Duwag ka pa! Hindi ko alam anong gingawa mo sakin! Binabaliw mo ako! Nababaliw na ako!" Sabi ko habang lumuluha.

Nagulat ako ng may lumabas na iba't-ibang emosyon sa mata niya.

"Don't cry burger. Please don't cry."

Burger?

Mas napahagulhol ako dahil sa wakas narinig ko na ulit ang lagi niyang tintawag sa akin. Namiss yun! Namiss ko lahat! Namiss ko siya...

Hindi ko napigilan at niyakap ko siya.

"Shh.. Don't cry, you're hurting me. Stop crying Burger. Please" naramdaman ko nalang na basa na ang balikat ko. Umiiyak siya?

Lumayo ako at nakita ko ang basa niyang mga mata.

"Ba't ka umiiyak? Moment ko to e! Ako lang dapat umiiyak! Bakit nakikisali ka?!" pagbibiro ko.

"Huwag kang umiyak para hindi ako umiyak!" Sagot niya pabalik sa akin.

"Namiss mo ba ako?" napangiti siya nang tanungin ko iyon.

"Bakit naman kita mamimiss? Baka ikaw. Miss mo ako no?" Naalala ko yan ang sagot ko ng tanungin niya ako kung miss ko siya bago siya umamin sa akin.

"Oo. Namisa kita. Sobra." Pangagaya ko sa sagot niya noon.

Ngumiti siya ng malungkot kaya nagtaka ako.

"Bakit ka malungkot?"

"Huwag mo na akong paasahin. Masasaktan lang ako." sabi niya at tumalikod para umalis.

"Duwag ka talaga! Bakla ka ba? Bakit hindi mo ipakita sakin na gusto mo talaga ako? Bakit sumusuko ka agad? Bakla ka! Bakla! Bakla!"

Humarap siya sakin at nagsalita.

"Hindi ako bakla. Alam ko lang kasi na wala akong pagasa. Bakit ko pa susubukan kung alam ko na ang sagot." nakayuko niyang sabi.

"Paano kung sabihin kong meron?" napaangat ang tingin niya sa akin ng sabihin ko yun.

"A-anong sabi m-mo?"

"Sabi ko may pagasa ka sana kaso naalala ko girlfriend mo pala si Georgia kaya wag nalang. Ayoko makasira ng re--"

"We're not even together!"

"Pero naghahalikan kayo!"

"You sounded like an angry girlfriend" he said then smirked at me.

"Letse!" Sabi ko at tumalikod sa hiya. Natutuwa ako sa kaalamang hindi naman pala sila. Ang bad ko.

Bago ako umalis may sinabi ako...

"Basta sinabi ko na sayo na may pagasa ka. Nasayo nalang yun kung liligawan mo ako."

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now