CHAPTER 25: Gusto Kita

15.7K 680 38
                                    


"Iha, iho hindi maganda ang nagaaway sa labas lalo na sa harap ng anak niyo."sabi nung manang.

Anong sabi niya?

ANAK?!

Sabay kami napatingin ni Kups sa matanda. Pareho kaming gulat pero ako ang unang nakabawi.

"A-ano.. Ano p-pong sabi n-niyo?" Utal kong tanong.

"Ang sabi ko ay huwag kayo magaway sa harap ng anak niyo lalo na't nasa labas kayo. Masama iyan."paguulit niya sa sinabi niya.

Ha? Mukha na ba akong nanay? Ha?! Tangina! Sinong tatay?! Itong kupal na to!? Nirape niya akooo!

"Anak? Sino po?"

"Iha! Hindi niyo ba anak ang batang ito?"tanong niya sakin.

"Naku! Hindi po! Kapatid ko ho ito." sabi ko at hinila si Chase palapit sakin at inakbayan.

"Naku pasensya na! Ang akala ko ay anak ninyo. Kung ganun, magnobyo't nobya ba kayo?" sabi niya na mas ikinalaglag ng panga ko.

Aangal sana ako kaso biglang nagsalita si Kupal na kakagising lang mula sa pagkagulat.

"Oho! Nobya ko ho. Pinapasyal lang ho namin ang kapatid niya." Sabi niya at inakbayan pa ako.

Ako? Eto tulala sa kawalan. Anong sabi niya? Pakiulit nga! No-nobya niya daw ako!?

Aangal sana ako kaso biglang may tumawag sa manang at nagpaalam na siya na aalis siya. At magbilin pa na...

"Mahalin niyo ang isa't-isa ha? Bagay kayo!" sabi niya at may pakilig kilig pa. Hindi kami bagay! Tao kami!

Di ba sabi nila ihi nalang nakakapagpakilig sa mga matatanda? At anong sabi niya?

MAHALIN DAW NAMIN ANG ISA'T ISA!

"Should I take a picture of you now? Look at your face. So priceless!" sabi niya at tumawa pa ng malakas.

Agad kong inayos ang mukha ko baka bigla niya nalang akong kuhanan ng picture! Hinarap ko siya at hinampas

"Ba't mo sinabi yun? Ang kapal mo! Hindi naman kita boyfriend ah!"sabi ko habang hinahampas siya.

Siya? Tawa lang siya ng tawa habang iniiwasan ang ibang hampas ko!

"Hey, stop!" tumigil ako pero masama pa rin ang tingin ko sakanya. "I know we're not couple but take this as my revenge to the photo you posted. The meme one." sabi niya at umalis na.

Anong nagyari dun? Kanina lang nangaasar tapos ngayon biglang sumeryoso nung sinabi niyang hindi kami couple.

Pinabayaan ko nalang siya at pinapili ko na si Chase ng laruan para makauwi na kami.

Pagkauwi namin ay medyo madilim na. Hindi na ako kumain kasi kumain na kami sa labas ni Chase kaya busog pa ako. Dahil rin siguro sa pagod sa pagpasyal ko kay Chase nakatulog ako kaagad.

-------------------

Maaga ako nagising kasi ang aga ko din natulog kagabi. Dahil maaga ako nagising magco-commute ako. Habang naglalakad ako may nagchat sakin.

Jacob Suarez

Madam, maglalakad kaba? Nandito ako sa labas ng subdivision niyo. Hintayin kita ah!

Hindi ko siya nireplyan sa halip mas binilisan ko nalang ang paglalakad ko para makarating kaagad ako sa labas.

Nang makalabas ako inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Jacob sa tawid at kumakaway-kaway pa. Tumawid naman ako at pinuntahan siya.

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now