CHAPTER 48: Drunk Chloe

12K 512 17
                                    

"Pwede ka ng umuwi bukas. Maayos na ang lagay mo. Huwag ka lang magpapagod baka mabinat ka. Ayaw na kitang makita dito." Sabi ko at tinalikuran na siya.

"This is hospital for fuck's sake. Natural lang na mapunta ako dito kapag May nangyaring masama sa akin. Close your eyes if you don't want to see me." Reklamo niya.

"Whatever. Kung madidisgrasya ka ulit, sa ibang hospital ka magpa-admit. Tsk." Sabi ko at tuluyan ng lumabas.

Isang linggo na siya dito at ibig sabihin nun ay isang linggo ko na siyang kinakausap kahit ayaw ko naman.

Tapos na din ang shift ko kaya uuwi na ako.

"Hey Chloe!" napatingin ako sa tumawag sakin.

"Matt." sabi ko at hinarap siya.

"Uhm. I just wanted to invite you for a dinner."

"Matt, I'm sorry. I gladly want to accept that but, I have something important to do. Maybe some other time?" pagtanggi ko.

"It's okay. I understand, just don't drain youself to work. Eat on time. Hm?"

"Yeah, yeah. So, I'll take my leave now."

"Okay. Bye" nginitian ko nalang siya at umuwi na.
---------------

Late na ako nagising kasi puyat ako kagabi. Ang dami ko kasing ginawa kaya nga nakatanggi ako kay Matt. Hindi ko pa rin tapos iyon hanggang ngayon pero kailangan kong pumasok.

Pagpasok ko ng building ay nakasalubong ko ang pamilya ni Theodore habang tulak-tulak ang wheelchair na kinalalagyan ng lalaki. Nang magtama ang nata namin ng ina niya ay nginitian ko lang ito. Napansin siguro nito na medyo nagmanadali kaya hindi na ako nito nilapitan.

Pagpasok ko ng opisina ko ay nandun na si Matt.

"I'm sorry Matt. Nalate ako ng gising e pero natapos ko naman. Eto oh." Inabot ko sakanya ang folder habang umuupo ako sa swivel chair ko. Iyon talaga ang una kong tinapos kagabi dahil ngayon na ang deadline nun.

"It's okay. I understand, first time mong magtrabaho kaya hindi mo pa handle ang time mo. So, it's okay." Nagpapasalamat talaga ako at mabait amg boss ko.

"Maybe i should treat you some other time. Not now, because as I've said I'm really busy right now."

"Yeah, i know. I understand." He said. "I need to go, I'll check this out." Tukoy niya sa folder na hawak. Tumango nalang ako bilang sagot.

Bakit ba ang hirap magtrabaho?

Mas gusto ko nalang sa bahay e. Stress na stress na ako.

Siguro haggard na ako. Mas maganda na ang Georgia na yun keysa sakin.

Kailangan ko gumawa ng paraan para hindi ako magkaganito.

Tama!

Dahil pag hindi ko gagawin yun.. tatanda ako ng maaga!

----------------

Nagpapasalamat ako at natapos ko din sa wakas ang mga trabaho ko. Mahigit isang linggo ko din ginawa yun no, at ngayon ay ang aking rest day! Sabi ko kay Matt magt-take ako ng day-off  kahit one day lang.

Bawal talaga yun sakin dahil bago lang ako at doctor ako, kailangan ng leaving letter bago ako payagan. Pero dahil malakas ako kay Matt pinayagan niya ako. One day lang naman.

Buong araw akong natulog at nang magising ako ay five na ng hapon, e natulog ako kahapon ng nine ng umaga. Gano'n siguro ako kapagod pero at least ngayon nabawi ko na. Hindi na mas maganda si Georgia sakin.

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now