CHAPTER 4: I'll take you home

23.7K 895 54
                                    

Ang lambot shet!

'Hoy malandi' sigaw ng isang bahagi ng isip ko.

Doon ko lang na-realize kung ano 'yung malambot. Napa-urong ako bigla. Shit! Nagi-init 'yung pisngi ko. Siguradong pulang-pula na ako ngayon kaya yumuko nalang ako. Nakaka-hiya talaga!

"H-indi k-ko sina-sinasadya. I-ikaw kasi a-ayaw mo'ko b-bigyan ng pagkain. Ang damot-damot mo kasi!" Sabi ko pero naka-yuko pa din ako kasi feeling ko sobrang pula ng mukha ko ngayon.

Di ba dapat nagwa-wala ako ngayon? First kiss ko yun! FIRST KISS KO! Pero bakit parang gusto ko yung nangyari. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng pagsi-sisi. Sa totoo lang. Gusto ko pa ulitin.

'Malandi!'

Haist! Ano batong iniisip ko? Ba't ang landi ko? Pero totoo naman kasi! Mesherep! Bwisit talaga!

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Eat" tapos nilagay niya 'yung buong plastik ng Jollibee sa gilid ng lamesa na para bang binibigay niya na sa'kin lahat ng nasa loob.

Kung susundin ko lang 'yung gusto ko, kanina ko pa hinablot yung plastik. Pero syempre may hiya ako. Bwisit!

"H-hindi na. Ma-malapit na r-rin naman matapos 'yung d-etention ko." Bwisit! Bat ako nauutal?

"Eat" ma-awtoridad na sabi niya. Kaya napasunod ako baka bigla nalang siyang magbuga ng apoy.

Kumain na lang ako. Ako na ang nakaubos ng lahat ng pagkain. Siya? 'Yung burger lang 'yung kinain niya.

Letseng burger 'yan!

Siya may kasalanan kung ba't nawala 'yung first kiss ko. Pero at the same time nagpapasalamat din ako sa kaniya.

'Malandi!'

Malandi na kung malandi. Ang lambot e. Kasalanan niya 'yun!

Nang matapos ako kumain naglakad-lakad ako sa loob ng Detention room para bumababa 'yung kinain ko. Ang dami kaya!

"Can you please stop walking around? Nahihilo ako." Tinignan ko siya.

Napakunot ako ng noo ng makitang hindi naman siya naka-tingin sakin. Pero sabi niya nahihilo daw siya? Tsk. Labo mo Pres!

Umupo nalang ako sa sofa. Nang tignan ko 'yung orasan 10 minutes nalang tapos na detention ko kaya inayos ko na 'yung sarili ko. Mahirap na baka may makasalubong tayong pogi sa daan. Joke!

'Malandi!'

Joke nga lang e! Hmp.

"55...56...57...58...59..." tumayo na ako. "60! Yuhoo! Uuwi na ako!" Lumingon ako kay Pres at nakita ko siyang nakakunot ang nuo habang nakatingin sakin.

Pinakita ko sakanya ang phone ko.

"It's seven o'clock Pres. Tapos na ang detention ko. So, bye!" Sabi ko habang winagayway 'yung kamay ko ng hindi lumilingon sakanya at lumabas na ako.

Nang makalabas ako, hindi ko alam pero feel ko lumuwag yung pakiramdam ko. Hindi ko alam saan ako kumukuha ng kapal ng mukha habang kinakausap siya na parang wala lang sakin yung nangyari.

Pero ang totoo, hindi! Kasi gusto ko pa! Hindi ako na-satisfied.

'Malandi!'

Nasa Gate na ako. Medyo madilim na din. Nakakatakot ng umuwi lalo na at magco-commute lang ako. Pasundo nalang kaya ako kay Kuya? Tama, talino mo Chloe!

Kukunin ko na sana 'yung cellphone ko ng biglang may humintong Mercedes Benz sa harap ko.

Lumayo ako ng kaunti, baka mamaya bigla nalang akong hablutin.

Bumaba 'yung bintana kaya nakita ko kung sino 'yung tao sa loob.

"Pres?"

"I'll take you home" Sabi niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

"Ay naku Pres! Wag na. Nakakahiya. Papasundo nalang nalang ako kay Kuya. Pero salamant nalang din" Ayoko pa talaga siya makasama e. Nahihiya parin ako sa nangyari kanina.

"You're so stubborn, you know? Why don't you get in and i will fucking drive you home." Uh~oh. He looked so pissed.

Napakagat-labi nalang ako at napilitang sumakay sa Mercedes Benz niya. Sana all!

Goodluck sakin! Laking pasalamat ko dahil hindi nakamamatay yung hiya. Kung hindi, kanina pa'ko patay.

Anong kamalasan ba 'to!

Ang arte mo self! Ikaw na nga ihahatid e.

Heh! Bwisit!

-----------------GimmieFries----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Where stories live. Discover now