CHAPTER 23: War

15.1K 649 6
                                    

Thirty minutes palang kami dito. Simula nang sinabi niyang hindi dapat ako magsorry sakanya kasi magkaaway daw kami hindi ko na siya pinansin.

Nakakainip dito kasi hindi kami naguusap. Dati kapag nandito ako at siya ang bantay lagi ko siyang inaasar kasi seryoso siya pag nasa loob ng office. Ngayon? Kahit saan ata nandiyan na ang kakapalan ng mukha niya!

Ganyan ba ang SSG President? Siya ang nagsisimula ng away! Bwisit!

Nakita ko pang pasulyap-sulyap samin si Sir Dragon pero hindi nagsasalita. Pag nagkasalubong yung mata namin ni Sir ngingiti siya nang nakaka-asar. Grr...

Maya-maya magsalita si Kupal.

"Ano kayang igaganti ko sa gumawa sakin nito?" tanong niya sa sarili niya pero alam kong pinatatamaan niya ako.

"Para sakin, wag mo na siyang gantihan. Patawarin mo na lang." sabi ko pero hindi ako tumingin sa kanya.

"Tingin mo?" Tanong niya pero hindi parin tumitingin sakin.

Gusto ko matawa sa inaakto namin ngayon. Para kasi naming pinaguusapan ang taong may gawa nito, e ako ang may gawa. Ibig sabihin pinaguusapan namin ang sarili ko.

Nababaliw na ata ako.

"Hindi naman niya siguro sinasadya yun." Pagpapatuloy ko.

"Hindi din. Gagantihan ko siya! Hahaha!" kinabahan ako sa tawa niya. Tawang demonyo kasi ang ginawa niya.

Hindi na ako nagsalita hanggang sa matapos ang detention hours namin ay hindi na kami nagusap.

Nandito na ako sa bahay at nakahiga. Tapos na din ako kumain. Matutulog na sana ako kaso naisipan kong buksan ang Facebook ko.

Nagi-scroll ako ng may makita akong post ni Kupal.

Theodore Madrigal
    15 minutes ago

Wait for my revenge tomorrow

212 Likes 98 Comments 34 Shares

Tinignan ko ang comments.

'The who?'

'Hala! Sino yan?'

'Handa ka na ghorl!'

Tsk. Bwisit!

Pinatay ko nalang ang phone ko at matutulog na sana nang may maalala ako.

Pipili na ako ng pictures niya para may meme din ako haha! *evil laugh*

Tinignan ko ang pictures niya, ang dami nun. Nakaramdam ako ng kaunting guilt kaso biglang ding nawala nung naalala ko ang post niya.

Gaganti siya.

Tsaka na ako magpopost pag may ginawa nanaman siyang kalokohan bukas.

Nilapag ko na ang phone ko at nagumpisang matulog.

---------------

Maaga ako nagising ngayon. Ayoko madetention no.

Ganun pa din ang ginawa ko. Naglakad, sumakay ng jeep at naglakad ulit para makapunta ng school. Hindi naman sinabi ni Jacob na sabay kami kaya hindi ko na siya hinintay.

Nang makapasok ako ng school dumiretso agad ako ng room. Kaso hindi pa ako nakakadiretso ng room may biglang bumuhos sakin galing sa taas! Pagkatingin ko sa sarili ko.....

PINTURA!

Tumingin ako sa itaas at nakita ko si Kupal! Naka-peace sign pa siya sakin.

"Nabitawan ko e." Sabi niya at umalis agad kung saan siya nakatayo kanina.

Hindi man lang siya magsorry!

Alam kong sinasadya niya yun! Grrr...

Dumiretso ako ng locker at kumuha ng extra uniform. Naligo na din ako ULIT.

Pumunta na ako ng room. Pagpasok ko ng room ay umupo agad ako, hindi ko na alam ang nagyayari sa paligid kasi pinupunasan ko ang bag kong may kaunti pang pintura.

"ANYARI DIYAN?" Si Alex yun siyempre.

"Baka pintura?" Pilosopo kong sagot sakanya.

Sasagot sana siya nang umupo si Kupal sa tabi ko na malawak ang ngiti.

"Hindi ko talaga sinasadya yan. Nahulog kasi yung hawak ko." Sabi niya at ngumisi pa.

Bwisit! Kahit anong sabihin niya halata naman sa ngisi niya na sinadya niya talaga yun!

Hindi ko siya pinansin hanggang sa dumating ang teacher namin. Tinigil ko na din ang paglilinis ng bag ko. Nakikinig lang ako ng biglang nagsalita ang Kupal sa tabi ko.

"Ang lansa naman ng amoy." Bulong niya pero alam kong pinaparinig niya sakin yun.

Wala sa sariling inamoy ko ang sarili ko.

Hindi naman ako malansa ah.

Tatanungin ko sana siya kaso bigla akong tinwag ni Sir.

"Right, Ms. Santos?" Napatingin ako sakanya

"Sir?" Wala sa sarili kong tanong.

"Are you listening?"

"Of course Sir."

"Answer this problem then"

Agad akong tumayo, alam ko naman yun. Nakikinig naman ako kanina, naudlot lang nung nagsalita si Kupal.

Pagkatayo ko ay agad akong pumunta sa harap. Kaso napakunot ang noo ko ng magtawanan ang mga kaklase ko habang sinasagutan ko ang math problem sa board.

Pagtapos kong sagutan ay umikot na ako at ibinaba ang chalk. Nang tignan ko si Sir nakaiwas siya ng tingin sakin na parang may gustong sabihin.

"Uhm.." tumikhim muna siya. " Ms. Santos, i think you have to go to the comfort room."

"Huh? Why Sir?"

"Uhm.. you have your... Uhmm.. you have stain."

"Huh? Kakatapos ko lang po. Paan--"

Tumingin ako kay Kupal. Sobrang lapad ng ngiti niya.

Bwisit!

Agad kong kinuha ang bag ko at tumingin kay Alex.

"Pahiram nga ng susi ng locker mo." Binigay niya naman agad.

Lumabas na ako dumiretso ng locker ni Alex. Mamghihiram ako ng extra niyang palda kasi wala na akong palda nasuot ko na kanina!

Pagpasok ko ng CR nagpalit agad ako. Inamoy ko pa yung palda ko. It's ketsup.

Grr..

Gingalit niya talaga ako ah!

HUMANDA KA SAKING KUPAL KA!

"THIS IS WAR!"

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora