Chapter 2

77 20 0
                                    

Arogante

Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin mula sa pagkakatulog. Gustuhin ko mang tumulog uli, sigurado naman akong anumang oras ay papasok si Mama dito para gisingin ako.

"Bumangon ka na, Arian.", bulong ko sa sarili habang maya't mayang sinampal ang aking mukha upang tuluyang mawala ang antok.

Ganito madalas ang eksena bago ako bumangon o di kaya naman ay kapag dinalaw ako ng antok sa klase. Rinig ko na ang yabag ng paa ni Mama paakyat sa aking silid.

"Arian... handa na ang agahan. Bumangon ka na dyan."

"Pababa na po ako Ma..", inis kong sambit habang ramdam ko pa rin ang antok sa katawan.

Tinanggal ko ang nakabalot na kumot sa aking katawan at bumagon na sa pagkakahiga. Lambot akong lumabas sa kwarto at parang lasing na naglakad. Pansin ko si Mama na natatawa habang pinagmamasdan ako.

"Anubayan anak, nakailang bote ka ba kagabi", pabirong sabi ni Mama habang humahakhak.

Inirapan ko na lang siya at nagdiretso na sa kusina para makapaghilamos.
Tanaw ko sa mesa ang bagong lutong sinangag at pritong itlog at longganisa. Mayroon na ring bagong timplang kape at nakahanda na ang pinggan sa hapag.

I sat down beside my mother and shee gave me enough rice to eat.
"Oh anak, wag kang masyadong magpapakadamj ng kain at bago sa school pa sumakit ang tiyan mo.", paalala ni Mama bago magsimulang kumain.

Tumango naman ako sa kanya at wala rin naman akong choicee kung hindi sundin siya. Ayaw ko namang abutin pa ako ng tawag ng kalikasan sa aming school dahil pahirapan ang supply ng tubig dun.

Ayaw ko na rinv maulit yung nangyari sa akin nung kinder pa ako ng minsan akonh pagtawanan ng aking mga kaklase dahil napadumi ako sa aking palda. Hiyang-hiya na ako nung mga panahong iyon at tuwing naaalala ko iyon ay naduduwal ako.

Such a gross Arian. Remember nasa harapan ka ng pagkain and remove that thoughts on your head.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang magsalita si Mama.

"Anak, yung laging bilin ko sayo ha. Wag ka munang magboboyfriend."

"Opo Mama. Everytime na may lalapit sa aking lalaki yan na agad ang papaulit-ulitin ko sa utak ko."

"And in fact Ma, wala talagang lalaki ang naglalakas loob lumapit sa akin. Kaya napakaimposibleng magkakaroon ako ng boyfriend. Alam na alam mo yan, Ma.", dugtong ko.

Nakita ko ang pagpinta ng ngiti sa mukha ni Mama pagkasabi ko ng mga bagay na iyon. Siguro nga ay ayaw pa ni Mama na magkaroon siya ng kahati sa aking puso.

Pagkatapos kumain, I went to my room and prepare a pair of underwear. Kinuha ko rin ang bagong laba kong tuwalya at dali-daling nagtungo sa banyo upang maligo.

Di na ako nagtagal sa paliligo dahil anlamig ng tubig. Nakalimutan ko kaseng magsalang ng tubig sa heater kaya napilitan na akong magpaligo ng malamig na tubig. Lumabas ako sa banyo na tanging tuwalya lang ang nakatapis sa aking katawan.

Nakaupo si Mama sa sofa habang nanonood ng balita kaya di na niya napansin ang paglabas ko sa banyo. Paglipat ng tingin ko sa wall clock sa tapat ng aming T.V ay nanlaki anh aking mata. 20 minutes na lang pala at tuluyan na akong mahuhuli sa first subject.

Dali-dali akong nagpanhik sa kwarto at madaliang nagsuot ng uniporme. IHindi ko ma inisip na maaaring magusot ang uniform ko dahil sa pagmamadali dahil ramdam ko na ang pagkkahuli sa klase.

Agad kong kinuha ang bag ko at tuluyang nilisan ang aaking silid kahit hindi pa nakakapagsuklay. Sa tricycle ko na lang iyon gagawin at ng hindi ako mahuli. Unang araw pa naman at panuguradong naroon na lahat ng aking mga kaklase.

You'll Never Be AloneOnde histórias criam vida. Descubra agora