Chapter 15

30 17 0
                                    

Programa

Walang gustong aksayahin na oras si Shawn. Kinabukasan ay maaga na naman siya sa amin. Gustuhin ko mang matulog pa pero kailangan niya na ako. I will sacrifice my sleep just for Shawn's sake. Pambawi ko na rin iyon sa lahat ng naitulong ko sa kanya.

Maging si Mama ay nagugulat na lang din kapag may bumubusina sa may gate. Mabuti na lamang at may trabaho siya kung kaya nakakagising siya ng maaga para pagbuksan si Shawn. Naiintindihan naman ni Mama kung bakit ganoon si Shawn kaya hindi na siya kumokontra. She is always giving us support everytime we badly needed it.

Habang naliligo ako ay pinaghanda ni Mama ng pagkain si Shawn. Dumulog naman siya sa hapag at sinabayan si Mama. Hindi ko madinih ang kanilang usapan pero kung ano man iyon ay sana wag akong ibuko ni Mama.

Natapos akong maligo at nagbihis na rin sa banyo. As always, I wear a yellow t-shirt and a pair of jeans. Inabutan ko pa silang nakain kaya sumabay na rin ako. Masaya naming ikinuwento kay Mama yung nangyari kahapon.

Natapos kami at nagtungo sa sofa upang magpahinga. Sinabi sa akin ni Shawn na pumayag si Sir Richard naa magsalita mamaya dahil maging siya ay minsan na ring nakaranas ng nararanasan ng mga bata sa kalye. Sina Roxanne naman ay payag na tumulong sa amin basta tawagan lang daw namin sila.

Kinuha ko ang phone ko upang sabihin kina Roxanne na maghanda na dahil magsisimula na kaming mamili. Mabuti na lang at mukhang maaga rin silang nagising dahil nakareply sila agad. Bumuo kaming apat ng g.c para di kami mahirapan sa pagchachat sa bawat isa. Active silang lahat kaya maayos ang naging usapan namin.

Arian:
Magsiligo na kayo at maya-maya ay aalis na tayo.

Aicel:
Saan tayo magtatagpuan?

Arian:
Doon na lang sa bilihan ng school supplies sa bayan. Maghanda na rin kayo ng lakas dahil baka mapagod tayo mamaya.

Roxanne: I'm always ready Arian. Si Celine ang sabihan mo at mukhang tulog pa yata.

Aicel: Hahaha

Celine: Hoy, ako ba ang pinag-uusapan niyo.

Aicel: Uy gising na siya hahaha

Celine: Kayo ang magmadali dahil ako, nakaligo na. I'm good to go.

Arian:

O siya tama na yang asaran. Si Shawn na daw ang bahala sa mga kakainin naten mamaya. Magmadali na kayo at kita tayo sa store ng 8:30.

Aicel: Okay.

Nilapag ko ang phone ko sa lamesa at nagsimula na naming planuhin ni Shawn ang flow ng programa. Tinulungan kami ni Mama nang natapos siyang maligo. Kailangang mapagkasya namin sa halos apat na oras ang mga gagawin namin.

Nag-isip rin kami ng paraan upang aliwin ang mga bata at hindi mabagot sa programa.

"Arian, ano sa tingin mo ang magandang pampaalis ng antok sa mga bata", tanong sa akin ni Shawn.

"Pakantahin mo si Celine and I'm sure magigising bigla ang diwa ng mga bata.", I sarcastically said.

"Wag naman yun. Baka magsialisan sila bigla.", biro ni Shawn

"Ikaw na lang kaya ang kumanta, Arian. Tutal turo ka ng turo diyan.", sabat ni Mama sa usapan.

"Ma, ayoko nga. Baka may makadiscover sa akin na recording company at kunin akong singer. Mahirap na, busy ang sched ko.", pagyayabang ko.

Natawa si Shawn sa sinabi ko. Si Mama naman ay naartehan at kita iyon sa ekpresyon sa kanyang mukha.

"O ayan, Shawn. Isulat mo na si Arian sa intermission number.", utos ni Mama.

You'll Never Be AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon