Chapter 6

45 20 0
                                    

Friends

It's been weeks since Asley's departure. Hindi pa rin ako sanay ng wala siya at dahil hindi ko gaanong kaclose lahat ng kaklase ko, nahirapan talaga ako mag-adjust. Daig ko pa ang isang transferee student sa nararamdaman ko ngayon.

I used to have Asley at my side pero ngayong wala na siya, it seems that I'm half-empty. Ganito pala ang pakiramdam nang mawalan ka ng taong masasandalan mo lagi at makakaramay sa mga problema. Nakakalungkot at nakakapanlambot.

Tuwing may klase nga ay para lagi akong mapapanisan ng laway dahil sa wala akong nakakausap. Nakakaimik lang ako kapag may kaklase akong magtatanong saken tapos pagtapos 'nun, tahimik na ako ulit. Pero kailangan ko na ring sanayin ang aking sarili habang maaga. Hindi naman pupwedeng magtagal ako ng ganito. I really need to adopt.

Lunch break ngayon at habang ang lahat ay may kani-kaniyang mga kasama sa pagkain, heto ako at mag-isa lang sa aking upuan. Pagkakasubo ko ay titingin ako sa bintana at kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Iniiisip ko pa rin na nasa tabihan ko si Asley para naman ganahan ako kahit paaano.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may biglang nagsalita mula sa aking likuran.

"Would you mind if I join you here?", tinig ng isang lalaki iyon.

Paglingon ko ay nakita ko si Shawn na nakatayo sa may bandang likuran ko. Dala niya ang binili niyang tray ng pagkain sa canteen. Hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako ng ganun kasi pagktapos niya akong iligtas nunh nakaraang linggo, ay hindi na kami ulit nagpansinan.

"Uhmm...Sure.", halos manginig-nginig kong nasabi.

Tinanggal ko ang mga nakapatong kong bag sa upuan at hinayaang makaupo si Shawn. Mabilis ang kabog ng aking puso at hindi ako makasubo ng ayos. Inilapag niya ang dala niyang pagkain at inalok ako.

"Pansin ko kasing lagi kang mag-isa kumakain so, napagdesisyunan kong iaakyat ko na lang dito yung lunch ko at sasabayan na kita. Mukhang nalate yata ako," he said while looking directly at my lunchbox.

Hindi ko na siya nilingon at tumango na lamang ako. I don't know what to think sa gesture niyang iyon but, I'm really touch that he is concern. I'm starting to like his attitude already. I really, really appreciate it the way he ask me everytime.

He started eating his lunch while I'm almost finish eating mine. Hindi ko na masyadong malasahan ang mga huling subo ko dahil hindi ako mapalagay. Nung natapos ako, nilinis ko ang aking pinagkainan at ibinalik ang aking baunan sa bag.

Napatingin ako sa kanya at mukhang seryoso siya sa pagkain. The way he put every inch of food in his mouth is really classy. It seemed that he was raised well by his parents.

Natapos siyang kumain at napansin niya ang pagtitig ko sa kanya. Napapangiti na lang siya and fuck, those smiles are damn attractive. Lalo siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya.

Wala kaming imikan ilang minuto ang lumipas. Tumayo siya at dinala na ang kanyang pinagkainan pabalik sa canteen.

"Gusto mong sumama?", aya ni Shawn.

Umiling ako sa kanya at napakibit-balikat na lamang siya. Wala akong ganang bumaba ng canteen lalo't wala si Asley. Wala akong makakapitan sa braso at makakausap 'pag naglalakad. Alangan namang sa braso ni Shawn ako kumapit no, nakakahiya naman yun dahil hindi naman niya ako kasintahan.

Ramdam ang pagkadismaya ni Shawn dahil tinaggihan ko siya. Kita sa mukha niya ang panghihinayang.

Marahang lumabas ng pinto si Shawn. Pagkaalis niya ay kita ko ang pagbaling ng matatalim na tingin mula sa mga kababaihan sa loob. Mukhang inggit na inggit yata sila sa akin dahil sinabayan pa akong kumain ni Shawn.

You'll Never Be AloneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin