Chapter 17

27 17 0
                                    

Comeback

Gabi na kaya napagdesisyunan namin ni Mama na dito na matulog kina Shawn. Alok rin kasi iyon ni Ate Portia at baka daw wala na kaming masakyan pauwi. Aabsent na rin si Mama sa trabaho niya bukas upang antabayanan ako.

Doon kami pinahiga ni Ate Portia sa isang bakanteng kwarto sa baba. Maaliwalas naman dito dahil may aircon at malaki ang kama. Iniwan niya na kami at nagpanhik sa kwarto niya.

"Nak, matulog na tayo. Bukas na lang natin puntahan si Shawn", malambing na tinig ni Mama.

"Sige po, Ma. Matulog ka na po. Salamat.", paos kong sabi.

Ngayon lang ako namaos ng ganito sa buong buhay ko. Halos garalgal na ang tunog ng boses ko dahil sa kakasigaw at kakaiyak kanina. I need to recover my voice para kung sakaling magising siya, maayos kaming makakapag-usap.

I can't sleep. My mind is still in blur sa mga nangyari kanina. Kani-kanina lang ay ang saya-saya pa namin. Nagawa pa niya akong iprank at masaya pa kaming nanood ng movie.

I don't know what happened after. Ang malinaw lang ay yung mukha niyang binabalot ng galit nung mga panahong nasa sasakyan kami. The same face as Joshua Garcia in the scene where he is in the bridge.

I can still see his helpless body lying on the floor surrounded by crowd. Ang bumigay niyang katawan habang isinasakay sa stretcher ng ambulansiya. And the last words he said to me before he lost his conscious. He still manage to smile at me and sweetly said the words "thank you."

How I badly want to visit him now but it's late at night. Kahit pa lumaylay na ang katawan ko dahil sa sobrang pagod, hindi pa rin ako magawang dalawin ng antok. I think I'm crying now but tears was not evident. Mukhang ayaw na nilanh tumulo at maging ang mata ko ay napagod na.

It is hard to think that maybe tomorrow, you can't see the face to whom you want to spend your whole day with. The same face that gives you a genuine smile and melting gaze. The exact same face who always pushed you fighting in life. The face of the one you love. His presence, his laugh and his comforting mannerism. Maybe tomorrow, all those things are gone and the only thing that will probably remain is his cold body covered with cloth.

Binalot ng lamig ang aking katawan dahil sa sobrang lungkot dagdag pa ang aircon na laong nagpapaginaw sa paligid. Mahimbing na natutulog si Mama habang ako ay balot ng kumot at nahihirapang makapikit. Kinuha ko ang cellphone ko upang magsulat ng isang tula ng sa ganun, kumalma na ang akinh pakiramdam.

Cold night bothers me to sleep
Sadness envelopes my surrounding
I have love you since the start of our friendship
Hoping that tomorrow is not yet the ending

Isang haplos ni Mama sa aking mukha ang nakapagpagising sa akin mula sa paglakatulog. Hindi ko namalayan na inantol na pala ako habang nagsusulat. It's around 8 a.m when I look at the time in my phone.

"Nak, bangon ka na diyan. Papunta na kami ni Ate Portia sa ospital.", mahinang boses ni Mama sapat para marinig ko.

Pagkalingon ko sa kanya ay bihis na siya at naghandog sa akin ng ngiti. Sa labas ng pinto ay nakatayo si Ate Portia na nakabihin na rin.

"Mama, mauna na po kayo. Susunod na lang po ako.", nakayuko kong sabi.

"May luto na dun sa lamesa. Kumain ka na lang dun pagkabangon mo.", bilin ni Mama.

"Mauna na kami dun, Arian.", usal ni Ate Portia mula sa pinto.

Lumabas sila at iniwang nakabukas ang pinto ng kwarto. Nang maramdaman kong wala ng tao sa paligid, dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Kita ko ang pagkain sa lamesa na mukhang masarap pero wala akong gana. Hindi ako kakain hangga't hindi ko siya nakikita.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now