Chapter 13

33 17 0
                                    

Wish

Ilang araw akong hindi nakatulog pagkatapos ng nangyari. Hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko dahil sa ginawa kong kasalanan sa kanya. I badly want to apologize pero hindi ko iyon magawa dahil maging ang messenger account niya ay deactivated na rin. Mukhang wala siyang balak kumausap ng kahit sino.

Limang araw akong walang ganang kumain at maging iyon ay napapansin ni Mama. Mabuti na lamang at hindi niya ako tinatanong dahil busy rin siya sa kanyang trabaho. Ilang araw na rin akong sa buong kwarto lang umiikot ang buhay ko. Bababa lang ako kapag nakaramdam ako ng uhaw at gutom.

Dalawang beses ko siyang pinuntahan sa kanila pero hindi ko siya maabutan. Lagi siyang wala at nag-aalala na rin ang Ate Portia niya. Minsan nga raw ay umuuwi pa itong habol-habol ang kanyang hininga at inaabot rin ng gabi.

Gusto ko na sana ulit siyang puntahan sa kanila para pormal na humingi ng tawad pero nahihiya ako. Kailangan ko ng lakas ng loob para harapin siya. Kailangan kong isiping mabuti ang mga sasabihin ko sa kanya para hindi ko na ulit siya masaktan.

Hindi ko malaman kung saan siya hahanapin ngayon. Nawawalan na ako ng pag-asang magkaayos pa kami ngunit hindi ako makakapayag. Hindi ako magpapatalo sa pagod kong nadarama. I will do everything that I can basta mapatawad niya ako. Lord, lead me to Shawn, please.

Linggo ng hapon at kagagaling ko lang sa simbahan. I solemnly pray na sana makita ko na ulit siya at magkausap na kami. Ipinagdarasal ko rin na sana humaba pa ang buhay niya. Hindi man kasinghaba ng hiniling ko dati na 123 years old, ayos na sa akin kahit mga ilang taon pa. Basta wag Mo na po muna siyang kunin kasi andami ko pang gustong sabihin sa kanya.

Lumabas ako ng simbahan at naglakad-lakad. Walang direksiyon ang paglakad kong iyom dahil hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Nakakita ako ng isang upuan at doon ay nagpahinga ako ng saglit. Napapikit ako at naalala ko yung sinabi niya sa akin dati. Nagbalik ako sa mga panahong iyom upang tuluyan ko na siyang matagpuan.

"Arian, tuwing nalulungkot ako o di kaya naman ay nakakaramdam ng problema, kumakain lang ako rito nang sa ganun makalimot ako. Tumatambay ako rito para mawala ng saglit lahat ng problema ko."

"Sino nakakasama mo sa mga ganitong oras? Hindi ka ba mas lalong nalulungkot kasi mag-isa ka?", usisa ko.

"Para kasi sakin, kapag mag-isa ako, mas nakakapag-isip-isip ako. Mas napagninilayan ko ang mga bagay. Kaya mas pinipili ko iyon kay sa kausapin ang kaibigan ko. Pero iba pa rin sa pakiramdam na nariyan ka, Arian. My problems suddenly vanish pag magkasama tayo.", si Shawn.

"Asus kikiligin na ba ako niyan, Shawn? Sabihin mo lang talaga haha", ako sabay tawa.

"I will be here for you no matter what happens. Hinding-hindi kita iiwan, Shawn. That's a promise."

Parang nabali ko ang pangakong iyon nang sandaling iwan ko siyang mag-isa sa kanyang kotse. Pero hindi nakakasagot ng problema ang pagsisisi, it's time to correct my fault now. I know where to find you Shawn. Just wait me there.

Nag-antabay ako ng tricycle para mas mapadali ako papunta sa 7/11 store na sinabi niyang tinatambayan niya. May ilang dumaan ngunit tinanggihan nilang isakay ako. Mabuti na lamang at mayroon pa ring nagsakay sa akin at sinabi ko sa kanyang babayaran ko kahit magkano basta ihatid niya ako roon.

Wala pang sampung minuto ay narating namin ang store. Naroon iyon sa kabilang bahagi ng daan at hindi na ako nagpatawid kay kuyang driver. Ayaw ko munang makita niya ako.

I'm excited yet feeling nervous. Hindi ko alam kung tatanggapin niya ba ulit ako o hindi, pero kailangan kong magpakatatag anuman ang maging resulta. Too much what ifs run into my mind now. Sa sobrang dami ay nahihirapan na akong makahinga.

You'll Never Be AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon