Chapter 7

37 19 0
                                    

Unexpected

My mood lightens up everyday tuwing nasa tabi ko si Shawn. Iba ang dulot niya sa pagkatao ko. Sa ilang araw naming pagiging magkaibigan napunan niya na agad ang puwang na iniwan ni Asley. It's so fun and exciting to be with him. He always wants me to express myself and by that way, I'm starting to get better each day.

Feeling ko nga lagi na kaming pinagbubulungan ng bawat tao sa room. Inggit na inggit siguro ang mga gaga sa beauty ko.

Nakakasabay na rin ako sa klase dahil palagi akong pinapaalalahanan ni Shawn na mag-aral. He is really caring and helpful. Ayaw niyang napag-iiwanan ako. He always encourage me to study and he is always there to help me so. Mukhang pinakyaw niya na yata lahat ng katangian na tipo ko sa isang lalaki. Pero anyways, wala naman talaga akong balak makipagrelasyon ngayon and I think friendship is all I can offer to him.

Every after class nga, lagi na kaming magkasabay palabas ng school. Lagi niya akong nililibre ng paborito kong mga streetfoods kahit pa gusto ko ay ako ang magbabayad ng mga iyon. Wala akong magawa na ipilit ang pride ko dahil tuwing tutuhog ako ng pagkain, sinasabi ng magtitinda na bayad na ito lahay. Siguro ay ayos na rin iyon dahil nakakaipon ako ng mas malaki.

Tuwing uuwi naman ako sa bahay, nagugulat na lang sakin si Mama dahil sa pagbabago ng aura ko. Napapansin niya siguro ang kakaibang ngiti sa mukha ko at tila walang iniintinding pagod sa maghapon. Mabuti na lamang at hindi siya palatanong dahil kung sakali, baka hindi ko siya masagot ng diretso at baka rin magawa ko pang magsinungaling sa kanya upang pagtakpan ang totoong dahilan ng pagbabago ko.

Pabigat na ng pabigat ang nga gawain dahil matatapos na ang buwan. Mas napapagaan naman ang mga ginagawa ko dahil nariyan si Shawn para turuan ako. Hindi niya talaga ako nilulubuyan hangga't hindi ko natatapos ang mga iyon.

Bukas ay magaganap na ang monthly exams namin. I'm silently reviewing at the library dahil vacant namin ngayong oras. Si Shawn naman ay iniwan ko sa classroom dahil nagpapaturo sa kanya yung iba kong mga kaklase. Ayaw ko namang solohin siya kasi hindi ko naman siya pag-aari. Tsaka I assured him naman na kaya ko ng magreview mag-isa.

Pero duda talaga ako sa mga babaeing iyon e. Hindi naman yata pagtuturo ang pakay ng mga iyon e, siguro ay gusto lang nilang titigan at amoy-amuyin si Shawn. Ayaw ko rin namang manatili sa classroom dahil ayaw ko namang makita kong gaano kalagkit ang tingin nila kay Shawn dahil naaaduwa ako, kaya mas minabuti kong sa library na lang para makapagfocus ako.

Kasalukuyan ko ng natapos ang isang subject. Nasaulo ko na rin ang mga terminologies sa subject na ito kaya dito na ako sa sunod. I don't think kung kaya ko ba itong isang ito dahil sobrang hirap talaga. General Chemistry always gives me a headache.I badly needed a help now.

Naliliyo na ako kakaaral ng mga formulas pero parang hindi naman pumapasok sa isip ko. Pasalamat na lang talaga ako dahil pumapasa pa ako sa mga quizzes ni Ma'am kahit papaano. Pero ibang usapan na itong monthly examinations. Kapag bumagsak ako rito ay tiyak na yari ang grades ko.

"Paano ba 'to? Fuck ang bobo mo talaga Arian.", bulong ko sa sarili ko dahil hindi ko masagutan ang isang problem sa libro.

Napapakamot na ako sa ulo at nagmumukha na akong baliw kakaalog dito pero wala pa rin nalalaglag ni kahit katiting na katalinuhan.

"464 g/mol Silicon Phospate", tinig mula sa aking likuran.

Nagulat ako dahil mukhang tama yung sagot niya. Paglingon ko ay nakita ko si Shawn na nakangiti sa akin. It's so unbelievable na nacompute niya yun while standing there and in a short period of time. E ako nga kanina pa ako naghahanap ng paraan kung paano iyon masosolve pero for him, parang basic mathematics lang. It kinda insulted me. Bakit ba ang talino mo, Shawn?

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now