Chapter 4

42 20 0
                                    

Maskara

Nagising ako ng bandang alas-kwatro ng madaling araw dahil sa sobrang lamig. Bumangon ako upang kumuha ng jacket sa aking drawer. Maaga pa at kailangan ko pang makatulog ulit para hindi ako lantang gulay na naman mamaya sa school.

Nawala bigla ang antok ko dahil sa kakaibang lamig. Kinuha ko ang cellphone ko upang magbasa ng Wattpad nang sa ganun ay antukin ako. Nakakaisang chapter pa lang ako ay ramdam ko na ang pagpikit. Mukhang tagumpay ako sa naisip ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ulit ako ng tuluyan.

Isang pamilyar na haplos ang dumampi sa aking mukha. Malalambot na mga kamay na tila ba ay ginigising ako sa pagkakatulog. Pagkamulat ko ay nakita ko ang natatarantang mukha ni Mama.

"Anak!! ano ka ba naman! Tanghali na dalian mo at bumangon ka na diyan", sigaw niya at parang wala pa rin akong balak bumangon dahi hinihila pa rin ako ng katawan ko pahiga.

Hinigit ni Mama ang braso ko at sa pagkakataong iyon ay natauhan na ako. Halos madapa ako sa pagmamadali ng nakita ko ang oras. Naligo ako ng mabilisan at agad na nagbihis ng uniform. Halos pikit pa rin ang mata ko habang ginagawa ang mga iyon ngunit wala na akong ibang choice dahil kung hindi ay talagang malilate na ako.

Hindi ko na nagawa pang mag-almusal at nagbaon na lang ako ng tinapay. Inihanda na ni Mama ang maluto kong pagkain at nilagay niya na ito sa loob ng bag ko para di ko malimutan. Inabutan niya ako ng baon at hinagkan sa pisngi at nagpaalam na. Hindi ko na nagawa pang magsuklay at dali-dali akong nag-antay ng tricycle sa labas.

Malas lang at trapik ngayong araw. Halos iba na ang amoy ng aking suot dala na rin ng usok ng tambutso galing sa truck na nasa aming harapan. Kinuha ko ang dala kong cologne at agad na ipinaligo sa aking sarili upang hindi ganito ang maging amoy ko pagpasok.

Sa sobrang inis ko dala na rin ng pagmamadali, nagpababa na lang ako kay kuyang driver sa isang gilid 'di kalayuan sa school. Mukhang walang balak umusad ang mga sasakyan kaya napagdesisyunan ko na lang na maglakad para makatipid sa oras.

On my way going to school, I saw Shawn at the other side of the road again. Nandun ulit siya sa kung saan ko siya nakita kahapon. He is wearing a different hoodie jacket and black pants and he seemed laughing and eating together with those beggars.

Hindi ba niya alam ang oras ng unang subject at parang wala pa siyang balak pumasok. Gusto ko na sanang magmagandang loob at tatawagin ko sana siya kaso bumalik lang saken, the way he disrespected me yesterday. It is still fresh into my memory.

Bago pa ako tuluyang mahuli, nilubayan ko na siya ng tingin at nagmadali na papasok ng school. Tinakbo ko na ang buong hallway dahil ramdam ko ay nagsisimula na ang klase. Si Maam Luciana pa naman ang first subject ngayon at siguradong pag nakita niya akong late ay baka sa akin niya ibuhos ang lahat ng galit niya sa mundo.

Narating ko ang classroom at halos tahimik ang lahat. Nakita ko si Maam Luciana na nakayuko at nakapikit sa may unahan. Hayy buti na lang at praying time kaya nakapuslit ako paloob ng hindi namamalayan ni Maam. Nakiyuko na lang din ako at nagdasal para hindi mahalata ang hingal ko dahil sa pagod.

Pagkatapos, agad na kaming pinaupo ni Maam. Mabuti na lamang at hindi ako ipinahamak ng mga kaklase ko at hindi nila ako isinumbong kay Ma'am.

"Hoy bes, late ka ngayon a. Pasalamat ka nakatakas ka kay Maam at hindi ka nahuli.", sambit ni Asley sa mahinang boses sapat na para marinig ko.

"Traffic kase bes e. Halos hindi naandar yung mga sasakyan kaya nagpababa na lamang ako sa isang kanto at nilakad ko na lang.", tugon ko.

Tumahimik kaming dalawa nang simulan na ni Maam ang kanyang ituturo. Mukhang iniisa-isa niyang kilatisin ang aming mga mukha dahil sa palagiang pagtitig sa amin. Nagawi ang tingin niya sa bakanteng upuan sa likod na puwesto ni Shawn.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now