Chapter 9

33 17 0
                                    

Wattpad



Sa paglipas ng mga araw, lalong umiigting ang taling nakabigkis sa pagkakaibigan namin ni Shawn. Napagkakamalan na nga kaming magkasintahan dahil sa closeness namin. Tinutukso-tukso na rin kami ng iba naming mga kaklase at mga guro. Iyon namang mgaa babaeng umaaligid sa kanya nakipagkaibigaan na rin sakin. Iba ka talaga Arian! Ang ganda mo! Hahaha.



Laking tuwa ko nung nakapasa ako sa lahat ng exams ko last month and this month. Hindi lang basta nakapasa, isa rin ako sa may nakuhang pinakamataas na grado. Mula sa dating average student lang ay nakikita na ako ng mga teachers na estudyanteng nag-eexcel sa klase. Sobrang saya rin ni Mama dahil sa wakas, mukhang makakaakyat yata siya sa stage sa parating na convocation next month.



As usual, halos laging perfect ang score ni Shawn sa lahat ng Exams. May kodigo yata siyang nakatago sa kanya utak kaya niya nagagawa ang lahat ng iyon. I am very sure na he will not just top thee class, but top the whole batch too. I am really, really a proud friend.



Hindi na ako yung dating tahimik lang sa loob ng classroom at nagmumukmok sa isang tabi habang pinagmamasdan ang mga ibon sa kalangitan. Natutunan ko na ring makihalubilo sa kanila nh dahil kay Shawn. Akala ko ay wala siyang balak nung umpisa pero inintay niya lang palang maging kaibigan ako.



Sobrang kulit ni Shawn talaga. Lagi niya akong napapatawa. Hindi ko magawang mainis sa kanya ng matagal kahit panay ang pang-aasar niya sa akin. Binabatukan ko naa lang siya para makaganti ako at madalas ay sinusuntok sa kanyang braso.



It's a bright sunny day of December 19. Ilang araw na lang at Christmas Break na. Abala na kaming magkakaklaseng magdekorasyon sa classroom para sa Year End Party namin sa isang araw. Wala na rin halos pinapagawa ang mga guro namin at busy na rin sila sa sarili nilang Party.



Hindi man sa pagmamayabang, pero ideya namin ni Shawn ang magigimg dekorasyon sa classroom. Siya ang nagdrawing ng pattern dahil likas na talented talaga siya sa kahit saang bagay pero galing sa utak ko yung buong concept. Paminsan-minsa's nagagamit ko pa rin ang utak ko kahit papaano.



Nakaupo kami sa isang grupo na naggugupit ng mga cardboards at colored papers. Nasa sampu kami ngayon at tanging si Shawn lang ang lalaki. Ang iba kasi ay mga wala ng ginawa kundi ang magcellphone at maghuntahan. Gagawa lang sila pag inuutusan na at simplemg bagay lang iyon. Parati silang nagmamadali. They have no sense of responsibility unlike Shawn. Dapat tinutuluran nila siya e. Di na nga sila kagwapuhan, napakairesponsable pa nila.



"Arian, paabot naman nung cutter.", usal ni Gwen.



Kinuha ko ang pulang cutter sa tabi ni Shawn at iniabot iyon kay Gwen. Seryoso si Shawn sa ginugupit niyang mga hugis bituin na imahe. Halos pulido ang pagkakagupit nito at talagang sukat na sukat.



"ARAY!", panaghoy iyon ni Gwen.



Natawag niya ang atensyon naming lahat. Nakita ko ang duguan niyang daliri at mukha nahiwa siya ng cutter.



"Anong nangyari, Gwen?", pag-aalala ni Shawn.



Lumapit siya kay Gwen at hinawakan ang kamay nito. Napakunot naman ang noo ko sa nakita. Kita ko kasi sa mukha ni Gwen na parang kinikilig pa siya sa paghaplos ni Shawn sa kanyang kamay.



"Nahiwa lang ako ng cutter Shawn. Ouch.", napangiwi ang babae habang sinasabi niya iyon.



Halos matunaw si Shawn sa titig ng babaeng ito ah. Kalaa mo naman napakagrabe ng tinamo niya. Simpleng hiwa lang naman yun. Konting alcohol lang ang katapat niyan. Hindj naman alcohol si Shawn, no.



"Naku, malayo yan sa bituka, gurl. Ipagpag mo na lang.", sabat ko sa usapan nila.



Gwen rolled her eyes to me. Naoffend siguro siya sa sinabi ko pero sinabi ko lang naman yung totoo. Hindi naman pati makalawang yung cutter kaya hindi rrin ganun kadelikado.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now