Shawn's Letter

41 18 2
                                    

(*for much better reading, try to listen in the song of Powfu ft. Beabadoobee entitled "Deathbed" while reading the letter*)


Sinimulan ng iburol ang mga labi ni Shawn sa bahay nila. Halos kakaunti lang rin ang mga pumunta at tanging malalapit lang niyang mga kamag-anak at kaibigan.

Naroon din sina Roxanne at iba naming kaklase. Binisita rin siya ng kanyang mga dating guro at tagapayo. Rinig sa paligid ang mga kuwentuhan tungkol sa kung anong klaseng tao si Shawn noong nabubuhay pa siya. It warmed my heart hearing the compliments they gave to Shawn. Tunay ngang kapag namatay na ang isa tao ay tsaka lang maaappreciate ang ginawa niya. Pero para sa akin, noon pa man, si Shawn na ang pinakamatinong taong nakilala ko.

Hindi ko kayang tingnan ang mukha niya sa loob ng kanyang kabaong. Para sa akin, buhay na buhay pa rin siya at patuloy na mananatili sa aking puso.

Halos hindi ko na rin magawang umiyak pa dahil tuluyan ng napagid ang aking mga mata. Pinipilit ko na lang ngitian ang bawat taong dumadalaw sa burol niya.

"Naaalala ko kung gaano kabait yang batang iyan. Napakabata niya pa at marami pa sana siyang matutulungang tao pero kinuha na agad siya ng nasa itaas.", boses ng isang matanda at mukhang kamag-anak nila ito.

"Kaya nga, Nanay. Siya lagi yung nilalapitan ko kapag may problema ako. Maamimiss ko yang si Kuya Shawn.", galing naman iyon sa isang binata.

Hindi ko na kaya ang mga naririnig ko. Pinigil ko ang iyak ko hanggang sa makalabas ng burol niya. Umiyak ako sa isang upuan at inalala ang mga bagay na pinagsamahan namin. I badly misses Shawn and I don't know how long I can take it. Napakadaya mo naman kasi, Shawn, bakit mo ako iniwan agad?!

Makadalawang araw ay inilibing na siya. Nabalot ng iyakan ang paligid at maging ang nadaanan naming mga batang natulungan niya ay sumama. Nagbigay ng mga huling mensahe ang malalapit sa kanya kasama na si Ate Portia. Tumanggi akong magbigay ng mensahe dahil tingin ko, hindi ko kakayaning magsalita sa unahan.

Pinagmasdan ko pa kung paano unti-unting ibaba si Shawn sa kanyang huling hantungan. Basang-basa na ng luha ang aking panyo at pulang-pula na ang aking mga mata. I hug my mom as soon as he gets buried deep the ground.

You are now in your resting place
Where pain was gone and just peacefulness
Thank you for making my days
I love you, Shawn, forever and always

Ilang araw na rin ang nakakaraan matapos ang libing niya. Hanggang sa ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa tuwing iniisip kong wala na nga siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na sa susunod na pasukan, wala na ang taong nagpapabangon sa akin sa araw-araw.

It hurts. It really hurts a lot.

Binisita ko ang bahay nila at doon ay nakausap ko si Ate Portia. Babalik na rin kasi siya sa Manila at doon na manihirahan dahil wala na siyang binabantayan. Nalungkot ako ng narinig kong ipagbibili na rin nila ang mansyong ito.

Ang mansyong minsa'y bumuo ng aming pagsasama. Ang mansyong binalot ng saya at walang humpay na mga tawa. Mga panahong tanging sa alaala ko na lang magugunita. At sa huling pag-apak ko rito, iisipin kong masaya niya akong pinagmamasdan at sinasabayan sa paglibot ko sa huling pagkakataon.

"Arian, muntik ko ng makalimutan, may pinabibigay nga pala si Shawn.", si Ate Portia sabay kuha ng sobreng nasa lamesa.

"Isinulat niya yang liham na yan nung panahong kababalik lang namin galing Maynila. Nga pala, tinanggihan niya yung operasyon para mas mapadali siya makauwi at muli kang makita. He sacrifice the operation that will probably make him live longer just to see you again, Arian. Napakaselfless talaga ng pinsan kong yan.", nakangiting sabi ni Ate Portia ngunit bakas sa mata niya ang lungkot at pangungulila.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now