Chapter 14

37 17 0
                                    

List

Nagising ako bandalang alas-otso ng umaga dahil sa sigaw ni Mama. Kanina pa pala siya katok ng katok sa labas ng bahay namin. Kahit tinatamad pa, napilitan akong bumangon. As I opened the door, I saw Mmama smiling at me. Ngumuso siya sa parte ng sala at laking gulat ko ng makita ko roon si Shawn.

"Mama naman, di mo sinabi na nandiyan pala siya", sabi ko.

"Kanina pa kaya kita ginigising Arian.", si Mama at nagtaas ng kilay.

"Nakakahiya yung suot ko tsaka gulo pa buhok ko.", bulong ko sa kanya para hindi marinig sa baba.

Nakaputing sando lang ako at wala akong suot na bra kasi tinatanggal ko iyon pag tutulog na ako. Nakasuot rin ako ng manipis na shorts. Wala rin sa ayos ang buhok ko at may panis naa laway pa yata ako sa labi. Ayaw ko namang makita ako ni Shawn ng ganito no at baka kung ano masabi niya sa akin.

"Ma, sabihin mo sa kanya liligo lang ako."

"Ayaw ko nga. Ikaw na magsabi anak. Kaya mo yan. Mama mo ako kaya hindi mo ako dapat utusan.", pang-aasar ni Mama.

Dahil ayaw ko namang naghihintay siya, kumuha ako ng tuwalya sa kwarto at ibinalabal sa dibdib ko. Binaba ko siya at nung nadaanan ko si Mama ay halatang natatawa ito.

"Shawn, liligo lang ako ng mabilis.", sabi ko at nagmadali papuntang banyo.

Hindi ko na hinintay na makalingon pa siya para di niya ako makita. Hindi na rin siya nakasagot dahil mabilis na akong nakaalis.

Anong aga naman ng lalaking ito? Wala man lang siyang sinabi sa akin kahapon na may puountaham kami ng ganito kaaga. Ako na sana ang pupunta saa kanila mamaya pagkakain pero naunahan niya ako.

Kung di lang dahil sayo Shawn ay hindi ako maliligo. Anlamig-lamig ng tubig at bawat dampi nito sa katawan ko ay napapatili ako. Hindi na ako nagtagal sa banyo at dali-dali rinng lumabas. Nakatapis lang sa akin ang tuwalya at hinintay kong makatalikod ssi Shawn bago ako umakyat ng kwarto ko.

I want him to see me beautiful so, I decided to wear a dress para naman magmukha akong babae kahit sa normal na araw. Nagdidress lang kasi ako tuwing may Party at family gathering. Hinalungkat ko sa cabinet ang iniregalo sa aking make-up ni Tita last year. Hindi ko pa nagagamit iyon dahil wala akong hilig. Ngayon ko labg yun gagamitin kung sakali.

At last nakita ko rin. Hindi ko alam kung paano ito gagamitin fuck. Gusto ko na sanang tawagin si Mama pero panigurado akong tutuksuhin lang ako nun. Paano ba to?

Nanonood ako ng saglit sa Youtube ng make-up tutorials. Wala akong maintindihan grabe. Naaasar na amk sa make-up na to but I want to look more beautiful in his eyes. Kailangan kong pahabain ang pasensiya ko sa pag-aaral nito.

Nanood pa akong saglit at maya-maya pa ay sinubukan ko na sa sarili kong mukha. Kaya ko naman siguro ito dahil maalam rin naman akong magpaint. Para ka lang nagsheshading kumbaga.

I get the foundation and I started applying it to my face. Ganito pala ang pakiramdam nito. Para ka lang nagsesemento haha. Nung napantay ko na ang paglalagay, I get the blush-on para magkakulay ang pisngi ko. Ayos na ito medyo may kulay na. Lastly, I get the red lipstick and apply it to my lips. Pinapula ko anv labi ko para maman hindi magmukhang dry and pale.

Nung matapos akong magmake-up, dali-dali akong bumaba upang masaksihan ni Shawn ang ganda ng kanyang prinsesa. I was excited to see his reaction to my gorgeous face. Nnasa kusina si Mama kaya mas confident ako ngayon.

"Shawn!", tawag ko sa kanya nung nasa likuran niyaa na ako.

Pagkalingon niya ay kita ko ang pagkagulat saa mukha niya. Mukhang tagumpay yata ako sa plano ko kanina.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now