Chapter 5

41 20 0
                                    

Saviour

Mabilis na lumpias ang mga araw. Isang linggo na ang nakararaan magmula nang magbukas ang klase. Maayos naman ang mga nangyari dahil naiintindihan ko naman yung ibang lessons pero nahihirapan talaga ako sa Chemistry.

Halos wala pa ring kibo si Shawn sa klase pero paminsan-minsan, siya lang ang nakakasagot sa recitation kaya paborito siyang tawagin ng mga teachers namin. Naiinis lang talaga ako tuwing ikinukumpara kaming lahat kay Shawn. Like, "mabuti pa itong si Shawn, nakakasagot sa klase ko.", "gayahin niyo si Shawn dahil ansipag niyang mag-aral", "tularan niyo siya dahil bla bla bla....". Never kl siyang tutularan no. Ayos na sana ang ugali niya e kaso talagang walang balak magbaba ng pride ang taong ito.

It is a fresh Sunday morning and I woke up late dahil wala namang pasok. I quickly opened my Messenger and nakita ko yung tambak na chats ni Asley.

Ako:


Sorry kagigising ko lang. What's the matter?



Pagkasend ko, mabuti at nakaonline pa rin si Asley at mabilis na nakareply.



Asley:


May importante akong sasabihin sayo. Usap tayo dun sa lagi nating pinupuntahan.



Ako:


Okay. Ligo lang ako. See you later.



Ano naman kayang importante ang sasabihin nitong si Asley? Nacurious ako kaya dali-dali akong naligo. Hindi na ako kumain sa bahay at nagpaalam na ako kay Mama. Sigurado namang kakain kami ni Asley dun sa pupuntahan namin dahil restaurant naman ito.

Lumabas ako suot ang isang pants and white shirt. I also have a hoodie jacket kasi medyo malamig at mukhang uulan. I prepare an umbrella also para ready ako kung sakaling tutuloy ang ulan.



Nakarating ako sa restaurant na pagtatagpuan namin at nadatnan ko na siyang nakaupo dun. Mukhang kagagaling niya lang siguro sa simbahan at may bitbit pa siyang sampaguita sa kamay. Nilapitan ko siya at binigyan niya ako ng isang mabilis na yakap.



"Oh buti naman dumating ka na. Kanina pa ako dito", si Asley habang itinaas ang kanyang kamay upang tawagin ang waiter duon.



"Ini-order na kita nung lagi nating kinakkain dito.", dagdag niya.



"Dabest ka talaga Asley. Kaya gusto kitang kasama e.", biro ko sabay tapik sa kamay niya.



Nagkwentuhan kami agad habang naghihintay ng aming kakainin. Puro flashbacks ang nangyari dahil ang napag-usapan namin ang ang mga memorable na nangyari sa amin bilang magkaibigan. Hindi ko alam kung bakit ganun ang topic namin pero ayos na yun kesa naman wala.

Mga ilang minuto pa ay dumating na ang pagkain. Parehas lang halos kami ng order at nagkaiba lang sa kasamang drinks. Pagkalapag ng pagkain, natakam agad ako at gusto ko na itong tikman kaya inaya ko na si Asley na kumain.



Ramdam sa bawat subo ni Asley ang tila bigat sa kanyang puso. Malamlam ang kanyang mga mata at parang may iniisip. Halos di kami nag-usap habang kumakain. Tanging yung music lang mula sa speakers ang maririnig sa mga oras na yun.



Agad kong binasag ang katahimikan at nagtanong kay Asley.

"So ano nga pala yung importante mong sasabihin?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at nagsimulang magsalita.



"Ano kase, bes. Gustuhin ko mang makasama ka pa pero si Mommy kase...", si Asley sa isang malungkot na tono.

"What do you mean bes? Please enlighten me"

Hinawakan ko siya sa kanyang mga kamay at tinitigan sa mata. Hindi niya ako matitigan at nakatingin lang siya sa mesa kung saan kami kumakain.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now