Chapter 10

29 17 0
                                    

Party

I wake up early due to excitement. Excited na akong makita si Shawn dahil hindi ko siya nakita kahapon. Gusto ko na ring makapagparty sa school para malibang ako.

Wala pang lutong almusal dahil kagigising lang rin ni Mama. Ang alam niya kasi ay alas-9 pa ako aalis.

"Good Morning, Nak! Napaaga ka yata ngayon.", si Mama habang humihikab pa.

"Naalimpungatan po kasi ako kanina tapos hindi na ako ulit nakatulog. Nawala na rin po yung antok ko.", sambit ko at nagpatuloy sa kusina.

"Nak, maghihilamos lang ako tapos magluluto na ako.", si Mama.

"Ako na po bahala magluto, Ma. Minsan lang naman 'to."

Napangiti si Mama at nagdiresto sa banyo upang maghilamos. Ako naman ay inihanda ko ang rice cooler at nagsalang ng bigas. Habang nagsasaing ako ng kanin, ay kinuha ko sa cabinet ang nakatabing corned beef. Naghiwa ako ng isang sibuyas at dalawang butil ng bawang pagkatapos ay iginisa ko ang mga iyon. Corned beef lang naman ang lulutuin kaya, kayang-kaya ko na ito.

Nang makaluto na ako, si Mama naman ay naglagay na ng mga plato sa hapag. Agad sinandok ni Mama ang bagong luto na na kanin. Nilagyan niya ako ng sapat na dami sa aking plato. Naglagay naman ako ng ulam sa pinggan ko pagkalagay ni Mama ng kanin.

Hindi ko kaagad nasimulan ang pagkain dahil mainit pa ang kanin. Pinalamig ko muna ito ng ilang minuto ng sa ganun ay dere-deretso ang subo ko.

"Ma, baka po hapunin ako ng uwi mamaya. Baka magkaayaan kaming magkakaklase after namin sa school.", sabi ko kay Mama.

Napabitaw naman si Mama sa kanyang kutsara bago nagsalita.

"Mga kaklase? O baka naman si Shawn?, ikaw ha Arian.", panunukso ni Mama.

Hindi agad ako nakasagot dahil tama naman si Mama. Si Shawn naman talaga ang kasama ko mamaya kahit di ko pa siya nasasabihan.

"Ma naman."

"Asus. Sige na. Payag naman ako. Basta pagkauwi mo ipakilala mo sa akin yang sk Shawm ha ng makilatis ko.", si Mama sabay dampot ulit ng kutsara at nagpatuloy sa pagkain.

"Bakit naman may pagkilatis pa, Ma? Padadaanin ko lang siya rito dahil baka hanapim yun ng mga magulang niya."

"Okay sabi mo e. Basta anak ha, aasahan ko yan mamayang hapon.", malakas na pagkakasabi ni Mama.

Nagpatuloy kami sa pagkain at paminsan-minsa'y nag-uusap. Paalaging pinapaulit-ulit ni Mama sa akin ang pagpunta ni Shawn dito sa bahay mamaya. Panay naman anv pagsang-ayon ko para di siya magtampo sa akin.

Nang makatapos, naligo na ako at naghanda para sa pagpunta sa school. Halos isang oras rin ang itinagal ko sa banyo. Pagkaligo, nagdiretso ako sa kwarto ko para magbihis.

Lumabas ako suot ang isang purple dress na may kaunting design at hindi gaanong kaiksi. Makalagpas lang ito sa tuhod mo dahil ayaw ko naman na makita ang hita ko. Bitbit ko ang isang maliit na shoulder bag na naglalaman ng suklay, cologne, at pulbo.

Nakalimutan ko ng ibili ng regalo si Shawn dahil hindi ako makapili ng gugustuhin niya. Mukhang hindi niya na pati kailangan ng regalo dahil alam kong makakabili naman siya ng mga iyon kahit kailang niya gustuhin. Iyong simpleng Christmas Card na lang na ginawa ko kagabi ang iaabot ko sa kanya mamaya.

"Nak, ang ganda mo ngayon a. Naging mas blooming ka lalo sa suot mong yan.", bungad sa akin ni Mama nung makita niya ako.

"Thanks, Ma. Lagi naman akong maganda diba?", pahabol ko.

"Oo naman, Nak. Mana ka kaya sakin."

Inakbayan ako ni Mama sabay ayos ng buhok ko. Pinalis niya ang kaunting duming dumikit sa aking dress.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now