Chapter 11

36 17 0
                                    

Award

It's midnight of December 24 at abala kami ni Mama sa paghahanda ng aming kakainin sa Noche Buena. Narito rin ang dalawa kong pinsan at ang kapatid ni Mama para makisalo sa aming selebrasyon. Nang ang mga pagkain ay nakahanda na, dali-dali akong nagpunta ng kwarto para kunin ang cellphone kong nakacharge.

Babatiin ko kasi si Asley at isasakto ko iyon sa 12 midnight bilang pasasalamat sa kanya dahil nagawa pa niya akong ipagbilin kay Shawn kahit alam kong gustong-gusto niya ang lalaking yun. I was about to send Asley some message but a notification pops-out on my messenger. A message request is waving.

Nung binuksan ko iyon ay isang Shawn Paul Chavez ang may mensahe.

Shawn:
Merry Christmas Arian! Have a blessed day ahead. God bless!

I accept the message as soon as I see it so that I can reply.

Arian:
Thank you so much Shawn! Btw, may messenger account ka na?

Matagal siya bago nakareply. Siguro ay kumakain siya o di kaya naman ay nakatulog na. Ichachat ko muna si Asley habang wala pa siya.

Arian:
Merry Christmas Asley🎉🎉🎆 Miss you here na sa Philippines. Thank you sa effort mo na pagsasabi kay Shawn ng hilig ko. Uwi ka na, Asley. Bonding tayo, soon.

Gising pa siguro iyon dahil ang alam ko ay tanghali ngayon sa America. Baka namimili sila ng pang-noche buena nila o di kaya ay nasa kanilang kamag-anak doon.

Asley:
Halaaaa! Thank you sis. Di pa Christmas dito mamaya pa. Pero anyways Merry Christmas rin sayo! Miss you as always, dear. Soon uuwi ako diyan.

Asley:
Ikaw ha, inagaw mo na sakin si bebe Shawn ko. Pero happy ako for you kasi balita ko sobrang close na kayo.

Arian:
Happy rin ako na naging kaibigan ko siya. Naibsan yung pagkawala mo dahil dumating sa buhay ko.

Asley:
Aww. How sweet naman Arian. Sige na bessy, hanap na ako ni Mama at may pupuntahan pa kami. Next time na lang. Again, Merry Christmas and Happy New Year bes! Cheers🍻

Nilagyan ko na lang ng heart react ang message niya. Gumawi na ako sa kusina para makakain na at mabati sina Mama.

Habang naglalakad ako ay tumunog ang cellphone ko. May 5 unread messages na pala ako galing kay Shawn at di ko iyon napansin dahil sa chat namin ni Asley.

Shawn:
Oo, kagagawa ko lang kanina.
Sabi rin kasi sakin yun ni Ate Portia
Btw, merry christmas rin kamo sa Mama mo.
Imma sleep na kasi tapos na kaming kumain ni Ate.
Wag ka na magreply. Bukas na lang. Bye.

I turned off my phone as soon as I read those messages. I went to the kitchen to join Mama, Tita Tess and my cousins in the table. Sinalubong nila ako ng masasayang bati at mga yakap. Nag-umpisa kaming kumain 10 minuto pagkatapos ng alas-dose. Masaya ang naging salu-salo at nabusog ako ng sobra.

Pagkatapos kong kumain ay binati ko namang sunod ang mga kaklase ko. Ang ingay ng buong g.c dahil sa naganap na batian. Bawat isa ay kanya-kanya ng send ng picture ng mga pagkaing pinagsaluhan nilang mag-anak. Nakisali na rin ako at nagsend ng kinain namin nina Mama.

Nagpahinga na ako matapos ang isang oras. Nagpunta na ako sa kwarto nang nakapagpaalam na ako kina Mama. Nagpaantok muna ako sa kwarto ko at binasa ko yung mga librong binigay ni Shawn kahit pa ilang ulit ko ng nabasa ang mga iyon.

*2 weeks later*

Mabilis lumipas ang mga araw. Masaya ang naging selebrasyon namin ng New Year noong nakaraang linggo. Andami naming pinuntahan nina Mama kasama sina Tita Tess dahil nagbakasyon sila samin ng dalawang linggo.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now