Chapter 3

47 21 0
                                    

Confrontation

Mabilis na lumipas ang tatlong oras. Nakilala na rin namin ang dalawang bagong teacher na magtuturo sa amin ngayong second sem. Parehas silang babae. Yung isa ay madaling pakisamahan habang iyong isa naman ay may pagkamataray.

Nasa 30 years old lang siguro si Ma'am na mabait. Siya ang bago naming guro sa asignaturang Reading and Writing Skills. Kanina habang nasa klase niya ay nagsabi lang siya ng mga rules and regulations niya sa klase at pinahapyawan ang konteksto ng kanyang ituturo. Pagkatapos, ay nakipagkuwentuhan siya sa amin at lalo namin siyang nakilala.



Pagkaalis niya, agad namang pumalit si Maam Luciana. Unang tingin ko pa lang sa kanya at nasindak na agad ako. Siya yung tipo ng teacher na nagpapalabas kapag maingay ka at nampupunit ng papel kapag nakitang nagchicheat ka sa exam. Siguro ay nasa 50s na si maam dahil sa kulubot sa kanyang mukha.

Andaming balita na halos lahat ng estudyanteng nahawakan niya ay bumabagsak at swerte pa kung makaline of 8 ka daw sa kanya. Bibihira daw pati ang naglalakas loob na makipagtalo sa kanya at sumagot sa mga tinatanong niya kaya ganun na lamang ang kabang aking naramdaman nung presensya na niya ang nasa unahan.

General Chemistry ang subject na ituturo niya at laking gulat namin ng bigla siyang nagdiscuss pagkatapos niyang magpakilala. Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkagulat sa mga oras na iyon at halos boses lang ni Maam ang maririning mo sa loob. Mabuti na lamang at hindi siya nagparecite kung kaya bahagyang lumuwag ang pakiramdam ko.



Pasado alas-dose na ng natapos ang klase ni Maam. Walang naglakas loob na maunang lumabas hanggat hindi pa nakakalabas si maam. Ang mga walanghiya kong kaklase ay tila ba naging maamong tupa sa bawat kilos niya.

Napabuntong hininga na lang ang lahat nang tuluyan ng makaalis si Maam. Parang nabunutan kami ng napakalaking tinik at agad na lumuwag ang paghinga.

"My God Asley, parang natameme ka kanina.", ako.

"Sino ba namang hindi matatameme sa presensya ni Maam. Maski ako sobrang nahirapan sa itinuro niya kanina.", si Asley habang nag-aayos ng gamit.

Sobrang talino na nga ni Asley pero pati siya nahihirapan sa subject na iyon ay paano pa kaya akong nanggagaya lang sa kanya. Paano na ako neto? Mukhang uulitin ko yata ang subject na ito sa bakasyon.

"Di ka pa kakain Arian?", tanong ni Asley nang hugutin ang kanyang baong pagkain sa bag.

"Hala, nagbaon ka pala. Nakalimutan ko na kaseng magprepare ng pagkain kanina sa sobrang pagmamadali"

"Sa Canteen na lang tayo kumain", pakiusap ko.

"Naku bes, tinatamad akong bumaba. Tsaka napakainit dun. Kaya mo na yan bes. Support kita", tugon ni Asley pagkatapos ay natawa.

"Osige na nga. Maiwan na kita rito."



Nagmadali ako pababa saa canteen dahil malamang ay magkakaubusan na ng puwesto dun. Habang naglalakad ay ramdam ko ang pagdampi ng init sa aking balat na nakapagpainis sa akin. Bakit ko pa kasi nalimutang magbaon ng pagkain.

Pagdating ko sa canteen ay lalo akong nabwisit dahil sa sobrang dami ng tao. Siksikan at halos lahat ay nagsisigawan para lang mapansin ng tindera. Agad akong nakisingit sa pinakaunang stall na akong nadaanan. Kahit di ko gaanong gusto ang pagkain dito sa stall na 'to, pipilitin ko na dahil sobra talagang siksikan sa iba pang mga stalls.



I ordered two cup of rice and one order of caldereta. Pumwesto ako sa isang bakanteng upuan at agad na inilapag ang binili kong pagkain. Naglakbay ang mata ko sa buong canteen at grabe ang inis kong nadama nang may nakita akong magjojowang naglalandian.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now