Unang Kagat - Ikalawang Sipsip

917 75 55
                                    

Uy, si Bambu 'to. Bugak, 'eto may tinta na ulit ang pakpak ng uwak.

Nasa'n na nga ba tayo?

A, 'yong sa parusa!

Pinarusahan kami ngayon matapos ang sangkaterbang panenermon at masasakit na mga wordings . . .

Ang masaklap . . .

Ang parusa ay . . .

Kinaladkad kami ng mga Bampirang Tanod ng Kapitan at dinala sa ilog. Wait, there's more! Hindi lang basta ilog kundi . . .

ILOG NG MGA PIRANHA!

O, ang saya, 'di ba? Sobrang saya talaga,

UGUGUGUGUG

*gan'yan tawa ng bampira 'pag malungkot*

"Bareback, 'eto na naman tayo . . ." sabi ni Kapon, nakatayo kaming dalawa sa harap ng malupit na ilog.

"Packing packer ka kasi, e! Masakit pa tumbong ko sa kagat no'ng piranha no'ng nakaraan, e!" Binatukan ko siya nang very very sakto.

"Kaya nga . . . ako nga sa bayag, e . . . durog-durog, lasog-lasog, ampucking Alma na 'yan!" Napakamot siya sa ulo.

"Deserve natin, right?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Super, man!" ika niyang gan'yan. Super deserve talaga namin.

Niyakap pa namin ang isa't isa, tinapik-tapik ang likod para i-comfort ang isa't isa pero nagulat kami nang biglang sumigaw ang Kapitan ng mga Bampirang Bagsak na nasa likuran namin.

"HUBAD!" ika n'yang gan'yan, ay sobrang talaga namang nanggigigil day! Gustong kumitil ng pangil!

"Masusunod, Kapitan!" tarantang tugon namin tapos iyon nga, sinunod namin siya. Hubad baro . . . hubad salawal . . . hubad brief . . . ampucking Alma 'yong brief ko Ben10 pa! Gan'yan, a 'yon, wala na kaming mga saplot.

"TALON!" Nagulat na naman kami sa sigaw ng Kapitan! Ay, talagang ang kanyang galit ay walang makapitan!

"Ma . . . !" sabay naming sabi.

"Masu . . .!" Nagkatinginan kami, hindi kami makatalon. Hindi namin masabing "Masusunod, Kapitan!"

"Masusu . . .!" sabay naming sabi tapos umatras kami ulit. Puro kami amba, 'di namin magawa.

"MA . . . MAMAYA NA LANG! KAPITAN!" Tumakbo kami kay Kapitan, pinagtigisahan ang braso at nagmakaawa na parang mga batang gustong makabili ng cotton candy. "Please! P'wede bang mamaya naman kasi---"

"WALANG MAMAYA! MAMAYA! AMPUCKING ALMA KAYO! NANG DAHIL SA INYO, MARAMING KASAMAHAN NATIN ANG TINANGHALI NG GISING. AT ALAM NINYONG DALAWA KUNG GAANO KAHALAGA ANG ORAS PARA SA ATING MGA BAMPIRA. ANG ORAS AY GINTO! HINDI SINASAYANG! DAPAT SINUSULIT. DAPAT GINAGAMIT SA TAMA, HINDI SA KUNG SAAN-SAAN! HINDI SA PAG-IINUMAN! PACKING PACKER KAYO! HINDI NA KAYO TUMINO! KAYA MABABA ANG TINGIN SA 'TIN NG MGA MEJO AT PASADO! DAHIL SA MGA KATULAD NINYO! SAKIT SA ULO!"

Napasapo siya sa ulo Dare Diary,

"MYGHAD ALMA, SUMASAKIT VERTIGO KO SA INYO . . ."

"Kris Aquino ka gorl?" ika naming gan'yan ni Kapon OGOGOGOG!

Edi a 'yon, lalong nagngitngit sa galit ang Kapitang amoy singit.

"MGA TANOD! IHAGIS SA TUBIG ANG DALAWANG 'YAN!" utos niya sa tatlong mga Barangay Tanod na amoy malabnaw na ta*mod.

"Kyah, bumilang naman kayo para ready kami . . ." sabi kong gan'yan sa tanod na bampira. Naka-specs pa ng kulay bagoong, naka-barong at naka-maong. Ano 'to? Mas sosyal pa ang tanod kaysa kapitan?

"PLEASE?" sabay naming sabi ni Kapon sa tanod na bumubuhat sa bawat isa sa 'min. Buhat nila kami na parang bride sa wedding, papadyak-padyak pa ang paa ko, nagbli-blink-blink ang mata at nakadaop ang palms.

"Okay." Pumayag ang tanod. Madali kausap.

"KHAP KHUN KHAAAP!" sabi naming gan'yan ni Kapon.

"Kampon ka . . .!" Aba't ang tanod na ako'y sa ilog ipapaanod ay sumabat pa, ". . . NG KADILIMAN!"

Wew nemen! Hiyang-hiya! Kampon daw kami ng kadiliman? Nahiya naman kami sa gilagid nilang maitim pa sa pwet ng kawali!

"OGOGOGOGOG---OG!" Tumawa muna sila bago kami ibato.

"Hana-Dalawa, Sam-Four, Cinco-Muttsu!"
(Han'Dalwa, Sam'for, Cinco'Muttsu!)

At ang mga pangod, nagbilang nga OGOGOGOGOG! Kami naman ni Kapon ang natawa.

Tapos, a 'yon... natapos ang maliligayang araw namin. Inihagis nila kami sa ilog na parang plastik lang ng basura.

Nakalubog kami sa ilog na hanggang Daedelus namin ang lalim kaya naman hindi nakikita ang Cockroaches namin, nakalubog sa ilalim, urong na urong.

"Hay! Nakakaasar naman, o! Bakit ba kasi kailangang alas-kwatro ng madaling araw magising ang mga Bagsak na Bampira!" ani Kapon na walang alam gawin kundi ang magreklamo t'wing kami'y kalaboso at nabubulilyaso.

"Mabuti pa 'yong mga Mejo! Alas nuebe ang paggising sa kanila! Samantalang tayo, hay . . ." pagpapatuloy niya sa kadadakdak, hindi ako kumikibo't nakikiramdam lang sa tubig, tiningnan ko siya at ngayon ay nakatingin siya sa ama niya na nasa pangpang ng ilog, malayo sa amin, "TAPOS ITONG ALPHA KO! ALAS SYETE LANG NAGISING NANGGAGALAITI NA---ARAY KO PO ALMA!"

"Sige, rant pa more!" sabi ko nang kagatin siya ng piranha.

"ANG ITLOG KO ALMA! MAAWAING LANGIT! ANG SAKIT! HINDI PA NAGHIHILOM ANG SUGAT NG KAHAPON, MAY NGIPIN NA NAMANG BUMAON!" Labis ang pagdaing niya.

"Bakit nga ba kasi may pagkakahati-hati pa?" tanong ko nang mapaisip sa sinasabi niya.

"EWAN KO! ARAY KO! 'DI MO BA 'KO TUTULUNGANG ALISIN 'TO SA ITLOG KO?" Naiiyak na siya kaya naman nilapitan ko na.

"Bakit hindi ba p'wedeng pantay-pantay na lang tayong mga bampira? Walang mababang uri, walang nasa gitna at walang nakatataas?" tanong ko habang tinutulungan ang bareback ko.

"EWAN KO! HOOH! SA WAKAS NATANGGAL DIN. HUMANDA KAYO SA 'KIN NGAYON MGA BAMPIRANG PIRANHA!"

Pinalagutok niya ang mga daliri niya at handa nang maghiganti sa mga packing packer na piranha.

"Ang mga Mejo at Pasado kaya nararanasan din nila 'to?" sabi ko nang madakma ang dalawang bampirang piranha. Piniga ko iyon hanggang sa mamatay.

"Hindi. Malamang. Ang lahat ng pahirap nasa 'ting mga Bagsak, sa kanila puro kaluwagan at kasaganaan," sabi niyang gan'yan tapos sabay gigil na dinampot ang papalapit na piranha sa kanya. Piniga at pinatay saka inihagis sa pangpang.

Tumingin siya sa 'kin, ako tumingin din sa kanya pero nakikiramdam pa rin ako sa tubig gamit ang aking pandama.

"'Wag ka ngang pangod, Bambu! Pa-drama-drama ka pa, e! Bukas lang hindi ka na Bagsak. Bukas, magiging isa ka na sa mga Pasado!" satsat niya at nagsimula nang maghaluglog sa mga kumakalabukab na piranha. Dinampot niya, piniga sa kamay hanggang mamatay at ibinalibag muli sa pangpang.

"Sa bagay . . . O! Sa likod, mo!" sabi ko pa habang nginunguso ang paparating na piranhang balak kagatin ang pwet niya.

"Ya! Huli ka! Durog ka sa 'kin ngayon!" ika niya tapos natuwa ako kasi ang dami niyang nahuhuli.

"Damihan mo pa ang huli, Kapon!" sabi ko. Ang swerte ko lang kasi kakaunti lang sumusugod sa 'king bampirang piranha.

Wala kasi akong sugat, si Kapon dumudugo ang bayag kaya siya ang sinusugod.

"Siraulo! Damihan mo rin, aba! Hindi lang ako ang magpapakain nito sa mga baboy ramo!" sigaw ni Kapon at parami nang parami ang mga kinukuha niya sa tubig.

(Oops, naubusan ng tinta! Lipat na sa sunod na pahina! 'Wag mo nang patagalin, ampucking Alma ka!)

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon