Ikasiyam na Kagat - Ikaapat na Sipsip

125 23 16
                                    

"Ang galing, o... bareback, tingnan mo..." sambit ni Kapon, patuloy sa paghaplos ang kanyang palad sa alikabok na unti-unti niya nang napahid nang tuluyan, "Siguro simbolo 'to ng mga salamangkero, 'no? Ahas..." aniya pa sa marka ng ahas na nakikita sa espasyong walang larawan.

Walang ibang hugis ang aking mga matang mas lalong namilog sa gulat nang makita ang markang iyon na kapareha sa markang nakita ko na rin noon.

"Aw, ahas! Speaking of ahas, nasa'n na ba 'yon?" dinig kong sabi pa ni Kapon habang ako'y tahimik. "Hay, first time ko makakatikim ng dugo ng ahas... myghad Alma, kinakabahan ako!" Hawak niya na ngayon ang ahas na nahuli ko para sa kanya hanggang sa inabala niya na ang sarili sa pagsipsip ng dugo niyon.

Lumingon ako sa ibang direksyon pero dinig na dinig ko pa rin ang tunog ng kanyang labi habang marubdob na sinisipsip ang dugo ng ahas na kamamatay lang din kani-kanina.

"Tulala na naman!" Hinampas niya sa 'kin 'yong ahas dahilan para mapatingin ako sa kanya, "Bakit parang nakakita ka ng multo? Este ng ahas pala..." sabi niya't nang matawa'y nakita ko ang kanyang pangil na may bahid ng dugo.

Umiwas ako muli nang tingin at natahimik pero ang ginawa niya'y hinampas niya ulit ako no'ng ahas.

"Huy...!" sabi niya pa't dinudutdot, ipinagduduldulan sa mukha ko ang ahas.

Hinawi ko lang iyon palayo sa aking mukha at ibinalibag sa mukha niya. Muli kong itinuon ang tingin ko sa kawalan kasabay nang pagliliwaliw ng aking isipan.

"Ay, parang timang si kupal, ba't gan'yan mukha mo?" Lumapit sa 'kin si Kapon at iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

Nang magkatitigan kami ay pilit kong binawi ang mukha ko't tumanaw sa iba.

"Huy!" Hinawakan niya ang balikat ko't walang humpay na niyanig ng kamay niyang naliligalig.

"Wala may naalala lang ako..." sambit ko't muling nabaon sa katahimikan, "bilisan mo nang kumain d'yan, ililigtas pa natin ang creampie ko..."

Tinaasan niya lang ako ng kilay at maliit na tango ang isinunod saka itinuloy ang pagkaing naantala dahil sa pag-aalala niya't pag-usisa sa 'kin.

Bawat pagnguya niya sa mga prutas na kinuha ko para sa kanya at sa bawat pagsipsip niya sa dugo no'ng ahas ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nalaman ngayong araw at maging kagabi. Gulong-gulo na ang isipan ko sa mga nangyayari pero nawala ang lahat ng iyon nang matapos na sa paglamon ang timawa kong bareback.

Sa kanyang pagdighay ay iyon na ang naging hudyat na kailangan na naming maghanda at ang unang hakbang naming gagawin ay . . .

"Kapon, sigurado ka ba sa ideya mong 'to?" tanong ko kay Kapon matapos naming gumapang pataas sa hukay. Nakakatang na sa ulo namin ang takip ng butas, noo lang namin ang nakaangat sa lupa gayundin ang aming mga mata kaya nakikita na namin bahagya ang labas pati na rin ang mga basurang bantay sa Porshugality.

"Oo, tiwala lang...!" agarang sagot ni Kapon na sa pakiwari ko ay nangangawit na rin sa pagkapit at pagsabit rito sa lupa. Kaunting-kaunti na lang ay maaari na siyang makabitiw at mapabayaan ang mga kukong nakatusok sa gilid ng lupa.

"Sige, tara... pagkabilang natin ng tatlo, sabay tayong tatalon, a!" dagling sabi ko at tinangu-tanguan siya sabay silip ulit sa nakaawang na takip. Hay, para kaming mga dagang sisilip-silip sa ilalim ng manhole.

Nagtinginan kami ni Kapon at kahit walang salita ay magkasabay kaming nagbilang sa isip, "Hana-Dalawa, Sam-Four, Cinco-Muttsu!"

At pagkabilang ng tatlo ay tumaob at bumaliktad ang nakatakip sa butas na napupuno ng dahon ng saluyot at malunggay dahil sa pagtalon namin ni Kapon.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon