Ikatlong Kagat - Ikatlong Sipsip

272 41 29
                                    

"Ikaw, anong nakakatawang alaala mo noong bata ka?" tanong niya sa 'kin at . . .

Ang tanong na iyon . . .

Ang naging dahilan kung bakit ako . . .

NATIGILAN.

Alaala noong bata ako?

Bakit wala akong maalala?

Hindi ko maalala ang mga nangyari noong bata ako.

Bakit nga ba?

Alam kong dumaan ako sa pagkabata kaso bakit wala akong maalala?

"HUY! BAKIT NATULALA KA NA?" tanong sa 'kin ni Ivana.

"A… e… wala… wala akong maalala…" sagot ko at halatang nagtaka siya.

"A, gano'n pala kapag bampira…" aniya't napatango na lang.

Gano'n nga ba talaga?

Natigil ako sa pag-iisip nang bigla kaming ginulantang nang nakabibinging,

"AAAAAH!"

Tili.

Malakas na tili na mula sa kwarto ng Alma ni Ivana. Nagkatinginan kami ni Ivana at walang kagatol-gatol kaming tumayo sa aming pagkakaupo. Nang makatayo ay kaagad na kumaripas nang takbo papunta sa ingay na naririnig.

"Anak! Magaling na 'ko!" sigaw ng Alma ni Ivana oras na makita kami.

Nagkatinginan ang masayang-masayang mga mata namin ni Ivana.

Napatingin kami sa Alma niya nang magsalita ito.

“Tingnan mo, nakassayaw na ako!" masayang sambit ni Kalma na ayaw kumalma.

Nagsimula na siyang sumayaw at kumanta ng isang pamilyar sa pandinig,

"Look at me 'nak ang ganda-ganda ko, the way I smile makes you high parang Ivana 'to… Ivana nararamdaman… Ivana nararamdaman . . . iniba ko lang 'yong lyrics 'nak at maco-copyright tayo HAHAHAHA!"

Ampucking Alma talaga!

"Hala, oo nga, 'nay!" Tumakbo si Ivana sa Alma niya at naghawak ang mga kamay nila saka nagtatalon-talon. Nakaririndi ang mga boses nila at tumitili pa pero hindi maaalis sa parte ko 'yong kaligayahang nadarama dahil nakatulong ako sa nilalang na nangangailangan.

"Tingnan mo, nakakapag-twerk na rin ako ulit!" sabi nang Alma niya. Bumitiw si Ivana at dumistansya para bigyan ng espasyo ang nanay niya nang makagalaw ng maayos.

Edi 'yon nagsimula na siyang magtutuwad at panginigin ang pwet niya.

"Istap twikalay maley layk maley, istap twikalay maling! Like maling! Ey ey ey! May anaconda do'n! May anaconda do'n! May anaconda do'n do'n do'n!" 'eka niyang gan'yan tapos abot ang talbog ng pwet pati ang mga lawlaw na balat sa hita niya ay nag-aalugan na rin.

"Whoa! I didn't expect that she's too gross like that…" Napatingin sa 'kin si Ivana sa sinabi 'kong 'yon.

"Dati kasi 'yata' siyang dancer, nag-expired lang. Pagtiyagaan mo na lang…" sabing gan'yan ni Ivana tapos lumingon ulit sa Alma niya saka chineer up, "GO! Sige, 'nay! Ikembot mo pa! Walong taon mo 'yang hindi nagawa!"

Sa bagay walong taon din nga pala siyang inuubo't nanghihina. Deserve niya namang mag-celebrate for her another life.

"Sige . . . ! Ikembot! Sige . . .! Ikembot! Ikembot mo all the right!" sabi niyang gan'yan at ang dalawang kamay na nakataas kanina ay nakahawak na sa magkabilang baywang niya saka nag-iindak. Ay, abot ang indayog ng Alibabang kulubot!

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon