Ikasiyam na Kagat - Ikalawang Sipsip

126 21 17
                                    

Marahan akong nagpadausdos pababa sa puno nang hindi gumagawa ng kahit na anong ingay o kaluskos at pagkababa, sa aking marahang paglalakad ay mayroon akong natapakan at kaagad akong napatalon sa pagkabigla.

Ahas!

Ahas na gumagapang ngunit bago pa ako no'n matuklaw ay nasakal at nahuli ko agad iyon sa leeg. Piniga ko ang ulo no'n nang mahawakan hanggang sa madurog iyon saka ko tinahak ang daan patungo sa pinagtataguan naming hukay ni Kapon.

Oras na makalapit ako roon ay kaagad akong nagsalita at sumigaw pero hindi ang bibig ko kundi ang isip lang.

Narinig naman ako kaagad ni Kapon at wala pang ilang segundo ay umangat na kaagad ang takip ng butas. Totoo nga ang sinabi niyang puro saluyot at malunggay ang ibabaw nitong takip ng hukay namin kaya naman talagang hindi ito lalapitan ng mga basura at kung may pinakamaingat na bagay man na dapat gawin ngayon ay iyon ay ang mag-usap kami gamit ang isip nang sa gayon ay hindi nila kami marinig.

Nasa mahigit kumulang sandaang metro ang layo namin sa mga Bantay sa Porshugality kaya naman imposible na rin nila kaming maramdaman lalo pa't ikinukubli namin ang mga presensiya namin.

Nakita ko na lang ang sarili kong nasa loob nang hukay kasama si Kapon dahil sa mabilisan kong paglundag papasok pababa.

"Ang tagal mo… kinabahan tuloy ako. Akala ko kung napa'no ka na," sabi sa 'kin ni Kapon matapos hatakin nang marahan ang tali para sumarado ang takip sa itaas.

Hindi ako nagsalita at sa halip ay iniabot ko lang sa kanya ang mga prutas na nakuha ko. Kinuha naman agad niya iyon ay inilapag sa dayaming hinigaan namin kagabi.

"Ay, puro fruits lang… walang drinks?" saad niya at kaagad ko namang iniabot ang hawak ko.

"O, drinks!" saad ko pero nabigla siya kaya…

"AAH---" Tumili siya.

"Shh!" agap ko't kaagad niya namang tinakpan ang bibig.

"AAAHHH!" sigaw niya ulit pero hindi pinalabas ang boses. Hay, baliw talaga.

"AHAS!" anas niya pa pero hindi ko siya pinansin.

"Sipsipin mo dugo niyan, wala na 'kong ibang mahanap na hayop, sorry ka…" Lumihis ako nang tingin matapos bara-barang ihagis sa kanya ang ahas na nahuli ko.

"Thank you, bareback…" sabi niya naman nang masalo niya iyon.

"Luh, tumango lang…" sabi pa niya nang hindi ako tumingin at tumango lang nang matipid.

"Huy, 'di mo ba 'ko sasaluhan dito?" tanong niya pa sa 'kin sa patuloy kong pananahimik at pagtulala sa kawalan.

Ang kaninang nakaupong si Kapon ay tumayo na ngayon dahil sa pananahimik ko at pagkabalisa. "Huy, bakit ba gan'yan hitsura mo? Ano bang nangyari?"

"Huy, ba't ba hindi ka mapakali?" tanong niya pa sa 'kin nang magsimula akong maglakad nang pabalik-balik sa iisang direksyon dahil hindi ako mapalagay.

"Natatae ka ba?" tanong niya pa at nang pabalik na ako ay kaagad ko siyang nilapitan saka hinawakan nang biglaan sa magkabilang balikat.

"May nalaman ako, Kapon…" sabi ko't napariin pa ang paghawak sa balikat niya't diretsong tinitingnan sa mga mata.

"Ano?" tanong niya't nakatitig lang sa 'kin.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya kaya naman natulala pa ako sa kanya ng ilang segundo. Tinititigan ko siya sa kanyang mga mata nang bigla ko siyang bitiwan sa pagkakahawak at bahagyang itulak palayo. Kaagad akong tumalikod sa kanya at napasapo sa ulo.

Hindi maalis sa isipan ko ang mga narinig ko kaninang pinag-uusapan ng mga Basura doon sa Porshugality.

"Anong balita sa Kastilyo?" rinig kong sabi ng isa.

"Sabi ng Omelet, kapag hindi nagpakita 'yong nawawalang Bampira… papatayin niya ang creampie nito," sagot ng isa.

Nawawalang bampira?

"Sino ba 'yong bampirang iyon?" urirat naman ng isa bago pa ako tuluyang makapag-isip.

"Hindi ko alam pero sabi nila, ang bampirang iyon ay pinalayas at itinakwil sa Kastilyo dahil nabungi ang mga pangil nito…" sagot ng tinanong no'ng isang Basura.

"Anong kailangan sa kanya ng Omelet?" sabi pa ng isa at patuloy sila sa pakikinig sa isa't isa habang nakabilog pa.

"Hindi ko alam pero kailangan siya ng Omelet…" sagot ng isa. "At kung hindi siya babalik ay hindi niya na madadatnang buhay pa ang kanyang creampie…"

Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil ako 'yong Bampirang itinakwil dahil sa nabunging pangil. Marahil ay hindi nila ako masyadong matukoy sapagkat wala sila noong araw na mangyari 'yon dahil mga Basura sila.

Kaagad kong ipinihit ang katawan ko paharap kay Kapon at sumambit, "Narinig ko ang usapan ng mga Basura sa Porshugality. Ipinapahanap ako ng Omelet… kaya pala gano'n karami ang Bantay sa Porshugality… kapag hindi ako dumating papatayin niya ang creampie ko."

Hindi mawari ang ekspresyong lumitaw sa mukha niya't hindi maikukubli ang pagkabigla, "Ampucking Alma . . . anong gagawin natin?"

"Kailangan kong iligtas ang creampie ko," tahasang sabi ko't walang pag-aatubili.

"Kailangan natin…" paglilinaw niya, "kasama mo 'ko rito sa laban na 'to, bareback mo 'ko."

Suminghap ako bago magsalit, "Kahit anong mangyari kailangan silang mailigtas… hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sila sa 'kin, mahal na mahal ko ang creampie ko… sila ang buhay ko."

"Maupo ka, kailangan nating magplano…" aniya at hinatak ako pababa.

"O, bayabas…" sabi niya pa sa 'kin at inihagis ang kinakain niyang bayabas na kinain ko na rin kalaunan.

"Anong plano 'yan?" sabi ko habang pinapanood siyang kumakain, pahimig-himig at binubuklat ang nakuha niyang album ng Omelet.

"Wala lang, tinitingnan ko lang ulit 'tong album ng Omelet…" sagot niya kaya naman sa inis ko ay ibinato ko sa kanya ang bayabas na ibinigay niya sa 'kin.

"Akin na nga 'yan!" sabi ko pa't hinablot ang librong pinagkakaabalahan niya kuno.

"Teka lang! Tinitingnan ko pa!" aniya't hinila pabalik sa kanya.

"Akin na sabi!" Hinatak ko ulit iyon papunta sa 'kin pero lumalaban siya at ayaw talagang ibigay sa 'kin.

"Ayoko…" patuloy siya sa paghatak.

"AKIN NA!" inis kong sabi't ayaw kong hayaang mapunta sa kanya.

"O, edi a 'yan, lamunin mo!" pakli niya't ipinagduldulan sa mukha ko ang aklat na makapal.

"Aray ko naman! Susuntukin na kita riyan, e!" sabi ko't inambaan siya sa mukha ng sapak.

"Teka, ano 'yong nalaglag, bareback?" sambit ni Kapon at pareho kaming nagulat sa aming nakita sa lapag.

Isang piraso ng papel.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon