Ikalawang Kagat - Ikaapat na Sipsip

279 40 28
                                    

"A, baka kailangan ng pandikit… wait…" sabi niya.

Nagkakalkal si Ivana sa Daedelus niya, hindi ko alam na mala-Doraemon pala ang dede niya.

"Ay, mali…" sabi niya nang posporo ang makuha niya ro'n.

"Ay, hindi ito…" ika niyang gan'yan tapos sinuksok ulit sa loob ng Daedelus niya 'yong nadukot niyang blade.

Dumukot ulit siya at nag-explore...

"Hindi 'to…" Ibinalik niya ang nakuha niyang tupperware.

Ampucking Alma, pa'no nagkasya 'yon sa Daedelus niya?

"Ay, shet! Condom! Mali!" sabi niyang ganyan nang may nahugot siyang nakaplastic na kung ano. Condom daw? Parang 'yon yata ang nakikita ko sa Pornhub, ah!

"Ay, pucha! Nasa'n na ba 'yon?" sabi niya pa, inis na kasi hindi niya mahanap sa dede niya ang bagay na hinahanap niya.

Lamog na lamog na ang Daedelus niya sa kadudukot niya.

"HETO NAKITA KO NA!" sigaw niya. Salamat naman kung gano'n, mahabaging langit! Hindi ko na kaya pang makitang saktan niya ang Daedelus niya.

"Ano 'yan?" tanong ko sa bagay na hawak niya.

"Shoe glue!" sabi niya tapos inumpisahan niya nang buksan 'yon. "Halika na, dikitan natin 'yan nito!"

"Okay."

Pagkatapos niyang lagyan ng shoe glue ang pangil ay hinatak niya 'ko.

"Lumapit ka rito!"

'Yan magkadikit na kami,

"Sabihin mo 'ihhh'."

Sinunod ko naman ang sinabi niya, sabi ko, "Ihhh."

"Sige pa, 'iihh' pa, 'di ko makita gilagid mo."

"IIHH! 'YAN NA IDIKIT MO NA MABIBIYAK NA LABI KO, SAGAD NA SAGAD NA 'YAN! IIIIHHHHHH . . .!"

Pinatakan niya ulit ang pangil ko ng shoe glue at idinikit iyon nang biglaan sa gilagid ko.

"UGH! UGH! UGH!" sabi kong gan'yan.

"Oh, bakit umuungol ka?" tanong ni Ivana.

"Gan'to kami masaktan!" sabi ko sa kanya, gan'to naman talaga masaktan ang mga bampira.

"Ay, ang sarap niyo naman palang masaktan," sabi niyang gan'yan habang nilalagyan ang isa pang pangil ko ng shoe glue.

Tapos bigla niya na namang idinikit sa gilagid ko nang pagkatulin at pagkariin.

"UGH! UGH! UGH! ANG INIT! ANG HAPDI UGH!" daing ko pa, nanginginig ang nguso.

"Gano'n talaga! Shoe glue 'yan, e! Tiisin mo! Ano gusto mo ipangdikit ko, Rugby?" sabing gan'yan ni Ivana.

"Patingin nga kung maayos!" sabi ko habang hapding-hapdi pa rin ang gilagid ko.

"Wait, pipicturean ko!" sabi niyang gan'yan sabay dukot ng cellphone…

Take note, dare diary! Sa Daedelus niya kinuha ang cellphone niya. Dati Pokémon tingin ko sa kanya, ngayon hindi na, Doraemon na!

"Okey, 'wag mong lalagyan ng flash, a! Masisira mata ko," paalala ko sa kanya.

"Oo, walang flash 'to, hapon pa lang naman, 'di pa gabi. Game! One, two, three!"

Chukek! sabi no'ng cellphone niya, Cherry Mobile 'ata ampucking Alma, may sound effects pa.

"'Yan… o, tingnan mo." Inabot niya sa 'kin cellphone niya.

Tapos…

"AAAAAH!" I squealed so bad. "Ampucking Alma, bakit baligtad?" eka ko.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon