Ikasampung Kagat - Ikalawang Sipsip

115 21 19
                                    

(A/N: Sorry for the late update, hindi nasunod 'yung deadline na sinet ko para sa story na 'to kasi dapat no'ng 14 tapos na 'to kaso may Twitter party pala sa 15 dahil 32nd monthsary ng Pulahan so naging busy ako no'ng 14, and no'ng 15 naman sa Pulahan lang ang buong araw ko, then no'ng 16 nag-karaoke dito sa bahay at may kasiyahan, imbis na mag-UD ay nag-live ako sa FB at nag-concert HAHAHA!
Nung 17 naman ay nag-practice ako dahil sasali kami ng bandmates ko sa Online Battle of the Bands, no'ng 18, kahapon, nag-recording na kami and then hanggang kagabi ay nag-eedit ako kaya walang update. So, 'yon po, ha? Hindi ako tinamad kundi busy lang talaga. Anyway, maraming nagulat sa last UD about huling kagat, so sige pambawi lang, extend tayo ng 1 chapter so hindi pa ito ang huling kagat! Enjoy reading!)

XxXxXxX

Nagdaan ang tanghaling tapat ngunit nandito pa rin kami ni Kapon nakatayo sa kabilang kalsada, nakatanaw sa lalaking hanggang ngayon ay nanghuhula pa rin. Bakit ba ngayong araw pa siya nagkaroon ng sangkatutak na kliyente saka ayaw niya rin naman kaming kausapin. Ang sabi niya ay pagkatapos ng trabaho niya lang kami kakausapin.

"Totoo pala 'yong sabi ng mga napagtanungan natin kahapon, ano? Napakaraming nagpapahula sa kanya kapag araw ng Linggo," ani Kapon at saka lang nagbalik sa alaala ko ang tungkol do'n.

"Ay, oo nga pala…" sabi ko na lang nang mapatingin sa kanya at pagkabaling ng tingin namin sa lalaking manghuhula ay napangiti kaming dalawa.

"Tatlo na lang!" sabi ni Kapon, masayang itinuturo ang tatatlong tao na nasa pila.

Tinanguan ko siya't naintindihan niya naman ang ibig sabihin no'n. Nilapitan namin agad ang lalaking iyon sa pwesto niya at matiyaga kaming naghintay hanggang matapos ang dalawang madiwarang nagpapahula na hindi makuntento sa mga gustong malaman nila sa kanilang buhay.

At sa wakas ay natapos na rin ang sandaling tila katumbas ng ilang daang siglo ang itinagal. Umalis na ang huling nagpahula at ang manghuhulang naiwan ay tumayo na, ipinihit ang katawan paharap sa amin saka kami tiningnan ni Kapon nang paulit-ulit.

"Ano 'yon? Talagang gan'yan ba ka-importante ang inyong sadya at hinintay n'yo ako ng ganito katagal?" tanong niya sa 'min at hindi ako nagdalawang-isip na sumagot agad.

"Gaya ng sabi namin kanina mula nang magsimula kang manghula ay mahalaga talaga ang aming sadya…" saad ko. Muli akong napatingin kay Kapon at nakuha ko naman ang suporta niyang pagtango na para bang sinasabi na tama lang ang sinasabi ko at dapat akong magpatuloy.

"Tungkol saan?" tanong ng lalaki. Hindi mawawala ang pagkaseryoso ng kanyang mukha dahilan para mahirapan kaming kausapin siya.

"Tungkol sa markang nasa batok mo?" sagot ko bago pa tuluyang kumapal ang hanging nakapaligid sa amin at bago pa kami matabunan ng mabigat na atmospera.

"Anong problema sa tattoo ko?" tanong ng lalaki. Sa tono ng pananalita niyang paharangga ay parang hinaharangan no'n ang kalayaang makapagpalitan kami ng mga pahayag.

Tumingin ako kay Kapon at nakita kong binuklat niya na ang librong dala namin. Hawak niya ang huling pahina ng mga larawan ng salamangkero kung nasaan naroon ang markang nakita namin noong hinalungkat namin ang mahalagang aklat na iyon.

"Kaparehas siya ng marka sa larawang ito," saad ko saka kinuha ang pahina ng papel kay Kapon at iniharap sa lalaki.

"Ano namang kinalaman ko riyan?" tanong niya at wala man lang akong nakitang pagkagulat sa kanyang reaksyon. Hindi ba dapat magugulat siya kung may alam siya sa bagay na 'to?

"Wala na kaming oras… nauubusan na kami ng tiyansa na mailigtas pa ang aming kaharian… sagutin mo ang tanong ko sa 'yo…" sabi ko sa kanya nang titigan niya lang ako at ang papel na may nakaguhit na marka ng ahas.

Tumingin ako kay Kapon at kaagad niya akong binigyan ng isang tango na para bang sinasabing diretsahin ko na ang talakayan kaya muli akong tumingin sa lalaki.

"Isa ka bang Salamangkerong Bampira?" tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay at mayamaya'y kumunot ang noo.

"Ano?" saad niya at napahawak sa bibig, "Teka… teka lang, ha…" aniya habang pinipigilan ang pagtawa, "pasensya na natatawa lang ako sa sinabi mo…"

Hinayaan lamang namin siya ni Kapon tumawa hanggang sa matapos siya't makuntento.

"Ako? Salamangkero? Bampira?" sunod-sunod na aniya. Hindi maaalis ang pagkagulo sa tugon niya. Bakit gan'to?

"Sagutin mo ang tanong ko, hindi ako nakikipagbiruan…" saad ko sa tono ng boses na hindi maitatago ang pagkairita't pagkadismaya sa inaasal niya.

"Siraulo ka ba?" malutong niyang pakli, "Manghuhula ako, hindi salamangkero at isa pa, tao ako, hindi bampira… saka, totoo ba ang mga bampira?"

"Sigurado ka bang nagsasabi ka ng totoo?" tugon ko nang ismiran niya ako pagkatapos mangatwiran.

Ang hindi dapat maputol na usapan ay naputol nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone at sagutin niya iyon para kausapin ang tumatawag.

"A, teka… may tumatawag sa 'kin, saglit lang…" sabi niya pa sa aming dalawa ni Kapon bago sagutin ang tawag. Naglakad siya palayo sa amin para makausap nang maigi ang tumawag.

"Bambu… tara na kaya? Mukhang nagkamali tayo… hindi siya ang hinahanap natin. Bambu… halika na…" sambit sa 'kin ni Kapon sa mahinang boses pero hindi kalaunan ay nakumbinsi na rin ako no'n.

Pinabayaan na namin ang lalaking manghuhulang may markang ahas sa batok kahit na mahirap para sa akin at ayokong hayaan na lang pero wala na talaga kaming magawa kundi ang umalis na lang.

"Ampucking Alma! Pa'no na ngayon 'yan?" inis kong saad habang naglalakad at sinipa ang batong nakita sa lupa.

"Ampucking Alma din! 'Di ko alam…" sambit ni Kapon na nagtaas ng boses pero ibinaba niya rin agad.

"Packing packer!" sigaw ko't kumagat sa hangin.

"Packing packer too!" sabi ni Kapon at kinagat din ang hangin.

Napatingin ako sa kanya nang gayahin niya ang ginawa ko pero kaagad siyang nagwika.

"Siguro dapat bumalik na tayo sa Kastilyo…" panimula niya, "tayong dalawa na lang ang gumawa ng paraan para mailigtas ang mga kapwa Kastila nating Bagsak."

Pagkatapos siyang tingnan ng diretso sa mata ay napatitig ako sa kawalan saka sumambit, "Kahit anong mangyari, ililigtas natin sila… lalaban na tayo ngayon…"

Kaagad namang nagtanong si Kapon at 'di matukoy kung saan niya hinugot iyon, "Pa'no tayo makakalaban kung hindi natin nagagawang magalit?"

Napaisip ako at natigilan. Tahimik akong nakatulala sa kawalan hanggang sa mahanap ko ang aking dila at maaalala kung paano gamitin iyon sa pagsasalita, "Tama ka… bakit gan'to… hindi ba dapat nakalugmok pa rin tayo sa kalungkutan at pagdadalamhati dahil namatayan tayo pero bakit parang naglalaho iyon… saka dapat galit tayo sa Omelet dahil sa ginawa niyang pagpaslang pero bakit… oo, kailangan nating iligtas ang mga kapwa Bagsak natin pero bakit wala akong nararamdaman na nag-aalab ang galit?" mahabang turan ko sa kanya't hinintay ang sagot niya sa mga katanungan ko.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon