Ikasampung Kagat - Ikalimang Sipsip

103 20 19
                                    

Makalipas ang ilang kurap ay nakarating na kami sa gubat. Napatingin pa kami sa puno ng Yakal na saksi sa lahat ng kabugakan niyang ginawa nang bungalin ang aking mga pangil.

Tinanguan ko siyang muli para anyayahan na lumakad na kami papunta sa harap ng Poshugality at narito na kami kung saan nasa harap namin ang lalaking iniwan ko.

"Kapon… may kasama ako… si Ivana nga pala." Ibig kong matawa dahil kung saan ko siya iniwanan ay roon ko pa rin siya nadatnan pero mas inabala ko ang sarili sa pagpapakilala sa babaeng kasama ko.

"Oh! Hi, Ivana…" bati niya, ngiting-ngiti pero naglaho rin agad. Luh? Parang tanga.

Is that a fake OG?

"Sige, Bambu, mauna na 'kong pumasok sa Porshugality…" sabi niyang gan'yan tapos tumalikod agad tapos biglang tumalon papasok sa Porshugality.

"Anyare do'n?" sabi ni Ivana at mahinang napahagikgik.

Napakibit-balikat lang ako. "Wala, shy type lang talaga 'yon. 'Wag mo na siyang intindihin… pero Ivana . . ." Napatahimik siya at maging ako, "alam mo namang 'di ka maaaring dumaan sa lagusan namin dahil isa kang mortal. Makakapasok ka lang riyan kung isa ka na sa 'min…"

Napanganga siya't napabuga ng hangin, "What do you mean? Gagawin mo 'kong bampira, tulad mo?"

"Oo, dahil kailangan…" pakli kong kay dali paniwalaan.

Humakbang ako papalapit sa kanya kasabay ng paghigit sa kanyang baywang at sa pagdidikit ng aming mga katawan ay roon gumalaw ang aking isang kamay patungo sa kanyang mahabang buhok para hawiin nang sa gayon ay makita ko ang kanyang leeg.

'Eto na kakagatin ko na . . .

"Bambu… ugh…" ungol niya wala pa man din, "teka nga, teka nga!" sabi niya pa't itinulak ang mukha ko palayo.

"Ano bang mayro'n sa lagusan n'yo na 'to, ha?" aniya nang maglakad at iwanan ako, "Tingin nga…" sabi niya pang gan'yan at lumapit sa Porshugality saka ipinasok ang kamay.

"O! Lumulusot naman 'yong kamay ko, a!" manghang aniya, "O, lumulusot din 'yong paa ko!" sambit niya nang gawin din sa paa niya ang ginawa sa kamay, "Wait, ta-try ko lumundag papasok, ha?" aniya na ikinagulat ko kaya naman kaagad akong tumakbo papunta sa kanya.

"Ivana!" sigaw ko sa pangalan niya pero huli na.

Lumundag na siya at hinigop nang tuluyan ng Porshugality. Hindi ito pwede! Naloko na talaga! Hindi maaaring pumasok ang mortal sa Porshugality at kung dumaan siya roon ay hindi siya sa Kastilyo ng mga Kastila mapupunta kundi sa Basurahan ng mga Basura siya mapapadpad.

Tumalon ako papasok sa lagusan at namilog ang mga mata ko sa 'king nadatnan.

"O, 'di ba? Nakapasok ako! Ang galing 'no?" sambit ni Ivana na siyang unang nakita ng aking mga mata nang makaraan ako sa Porshugality.

"Pero paanong nangyari 'yon?" tanong ko't hindi mapigilan ang pagkalukot ng mukha't pagkunot ng noo. Nandito rin siya sa kaharian namin? Maaari ba 'yon?

Meganon?

Pero bago pa ako mawindang sa kaiisip ay nakarinig kami ni Ivana ng mga ungol na animo'y hmm…

"BAMBU! UGH! BAMBU BAMBU UGH! BAMBU UGH!" Napalingon kami ni Ivana at kaagad na hinanap kung saan nanggagaling ang mga ungol.

"Kapon?" saad ko habang pinagmamasdan si Kapon na sinusuntok-suntok ng mabilis sa tiyan ng mala-Fernando Poe Jr. na Ninja Basura.

"Bambu, saklolo! Papatayin nila 'ko!" taghoy pa ni Kapon, nagmamakaawa at napatingin ako kay Ivana nang bigla niyang kapitan ang braso ko.

"Oh my gosh, 'yong friend mo! Hala, pinagtutulungan siya!" sambit ni Ivana sa 'kin at pagtingin ko muli kay Kapon ay gina-gangbang na nga siya ng mga Ninja Basura.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon