Huling Kagat - Ikalimang Sipsip

133 18 70
                                    

"Mga kasama, nakakaalala na 'ko."

Ang mga salitang iyon ang nagdulot ng kaliwanagan sa akin dahil akala ko ay ako lang ang nakaaalala na ngunit hindi lang pala ako kundi ang lahat.

Nagkaroon ng sunod-sunod at hindi mabilang na 'Ako rin' ang paligid ng piitan. Sila rin ay nakaaalala na at talaga namang labis ang kanilang kasiyahan-walang mapagsidlan.

"Mga kasama, naalala ko na! Hindi tayo Bagsak kundi tayo ay mga Top!" Ako naman ang nagsalita at natanggap ko ang kanilang pag-sang-ayon.

"Yes! Top ako, Bambu!" sabi pa ni Kapon na nagtatalon kaya nama natawa ako nang tingnan siya.

"Top din ako, Kapon!" sigaw ko at sinabayan siya sa paglundag.

"Top tayo!" masayang sambit namin habang magka-holding hands at tumatalon-talon na parang kangaroo.

"Top tayo mga kasama!" sambit naming dalawa nang magbitiw kami at tumakbo papunta sa rehas.

"TOP TAYO!" sigaw ng lahat ng mga Bagsak.

"Tama... hindi kayo mga Bagsak kundi kayo ay mga Kastilang Top." Natahimik kami sa masayang winika ng lalaking Salamangkero. "Hindi kayo ang pinakamababang uri ng mga bampira sapagkat kayo ang pinakamataas na uri ng karaniwang bampira."

Napangiti kami sa sinabi at mas hinigitan pa no'n ang aming saya nang magpatuloy siya.

"Kayong mga Top ang katuwang naming mga Salamangkero noon sa pakikipagdigma sa mga Basura... kaya naman madali natin silang nagapi..." dugtong niya.

"Tama. Hindi mga Mejo at Pasado ang marangya, mayaman at malakas kundi tayong mga Top! Tayo 'yon!" sabi pa ni Kapon na hindi ko na masang-ayunan pa.

"Kayong mga Kastila ay may iba-ibang kakayahan..." sambit ng Salamangkero, "kayong may magagaling sa pagsasaka at paghahayupan, mayroong sanay sa pagmimina at paninisid sa dagat. Mas pinahalagahan nga lang ng Omelet ang mga Kastilang nakakapagbigay sa kanya ng yaman. Tinawag niya silang Mejo at Pasado, kayo naman ay Bagsak."

"At hindi pantay ang pagtrato..." saad naman ni Kapon, "ang pagtingin sa 'min ng Omelet... hindi siya patas at mas lalo niyang pinapaburan ang mga Mejo at Pasado..."

Ngunit bumaling ang Salamangkero kay Ivana Marawi, "Pero paano mong nagawang pabalikin ang alaala nila gayong isa ka lamang na mortal?" tanong niya rito.

Bago pa man makasagot sa tanong na iyon si Ivana ay isang boses ng babae ang aming naulinigan.

"Kayo ba ang tumawag sa 'kin kanina?" saad nito at lahat kami ay napatingin sa likod at hinihintay siyang lumitaw mula sa dilim.

"'Nay?" sambit ni Ivana dahil siya ang unang nakakilala roon.

"Ay, mukhang ito nga..." sambit ni Kalma.

"Ang 'Nay Kalma mo, Ivana! Pa'nong nakapasok 'yan dito?" sambit ko, nagtataka at talaga namang hindi makapaniwala.

"Hay, sinasabi ko na nga ba, 'nay! Suot-suot mo ang swimsuit ko!" sambit ni Ivana at na-notice ko agad ang sexy'ng katawan ni Kalma. Nakasuot ito ng swimsuit na kulay pula at . . .

"Wow! She's so damn hot and sexy as fuck, ugh!"

"Bambu!" bawal sa 'kin ni Kapon at Ivana.

Napatakip ako sa bibig nang magulat pero inalis ko rin, "Ay, nasabi ko pala? Akala ko sa isip ko lang... OGOGOGOG-"

"Ako ang tumawag sa 'yo..." pamumutol at pagsingit ng salamangkero sa usapan.

"Ha? Bakit? Anong ambag n'yan?" tanong ko sa kanya nang hindi ko na naituloy ang pagtawa ko.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon