Huling Kagat - Unang Sipsip

115 20 29
                                    

"Sensya na, ang dami kasi naming nainom nina Haponita kaya ang dami kong naiihi," ani Ivana na halatang nakahihinga na ng maluwag.

"Bukas zipper mo," sabi ko naman nang mapatingin sa Pepperoni niya. Wow, bulaklakin pa ang panty niya.

"Ay…" sabi niya at isinara agad ang zipper. "Ano, tara na? Excited na 'kong ma-meet ang family mo!"

"Ha? Anong ma-meet? Hindi niya ba alam?" sambit ni Kapon na ikinagulat ko.

"Kapon!" mahina ngunit may impit kong saway sa kanya, pinandidilatan ng mga mata habang tinatakpang maigi ang bibig niya.

Kinausap ko siya sa pamamagitan ng isip…

"Kasama siya sa plano . . . sa planong paghihiganti ko…" saad ko.

"Ano? Hindi ko maintindihan?" Hindi maiaalis sa mukha niya ang kaguluhan sa sinabi ko kahit na hindi siya magsalita.

"Hindi lang ako maghihiganti sa Omelet kundi pati na rin sa kanya…" dugtong ko.

"Bakit?" tanong niya, patuloy kami sa pag-uusap sa isip.

"Wala nang bakit bakit! Basta manahimik ka na lang, Kapon…" sagot ko.

"K."

"Anong hindi ko alam? Excuse me?" ani Ivana na pinutol kami sa pag-uusap. "Ba't kanina pa kayo nakatitig sa isa't-isa?"

"A, wala wala… ano, wala lang 'yon… ang ibig niyang sabihin… hindi mo raw alam na bukas ang zipper mo, ano… late reaction lang siya…" palusot ko at binigyan ko siya ng fake OG.

"O, ano pa pala hinihintay natin? Arat na!" ani Ivana at tumango ako. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa Kastilyong palagay ko ay napakagulo na rin.

Napakabilis nang pagdilim, takipsilim na. Malapit nang lumilim ang araw na palubog at magsimulang sumilip ang mga buwan at bituin.

Habang naglalakad kami ay nagtanong si Kapon sa isip at sinagot ko rin siya gamit ang isip.

"Pa'no mo naisama rito 'yan?" tanong sa 'kin ni Bambu, patuloy sa paglalakad ang mga paa. Nauuna kami kay Ivana at nasa likod lang namin siya.

"Niyaya ko siyang magtatanan kami at ipakikilala ko siya 'ika ko sa creampie ko saka pakakasalan ko siya…" sagot ko at mayamaya ay nasa gilid ko na ang dalaga.

"Ay, pumayag agad? Bakit, ano ka ba niya?" tugon ni Kapon.

"Mahal niya 'ko… mahal na mahal…" sagot ko, walang halong alinlangan, walang pasubali at puro kasiguraduhan lang.

"Mahal mo ba siya?" tanong sa 'kin ni Kapon at parang may ibig sabihin ang mga titig niya.

Nagkibit-balikat lang ako.

Napatingin ako sa dalagang katabi ko at sa bareback ko sa aking kaliwa. Napangiti ako nang mapatingin kay Kapon pero napaismid ako nang tingnan si Ivana.

Uto-uto. Mangmang. Ang akala niya pamamanhikan at kasalan ang madadatnan niya pero hindi pala dahil patayan at kaguluhan ang sasalubong sa kanya.

Bakit ko 'to gagawin sa kanya? Simple lang, kung mamamatay man kami, dapat lang din na mamatay na rin siya. Kasalanan niya ang lahat ng ito, kaya deserve niya 'to. Siya naman talaga ang puno't dulo nito, e… dahil kung hindi niya binunot at ninakaw ang pangil ko ay paniguradong hindi ito mangyayari sa aming kaharian.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon