Unang Kagat - Ikaapat na Sipsip

402 56 42
                                    

"Wow! Talagang nag-effort ka na hanapin ako, 'no?"

Natigil ako sa pag-reminisce sa mga throwback happenings nang magsalita ang babaeng nasa harapan ko.

“Anong pangalan mo?” tanong ko sa kanya. Ganito makipag-usap ang mga bampira sa taong 'di nila kilala. Pangalan agad ang aalamin. Well, 'di naman masyadong naiiba sa way ng mga human.

“Ivana…” sabi niyang gan'yan kaya namilog ang mata ko.

“Alawi?” tanong kong gan'yan.

“Marawi.”

OGOGOGOGOG! Natawa ako internally. Natawa ang brain ko mentally, wait, nauubo pa 'yong utak ko… sobrang natawa siya. 'Yan . . . okay na.

“Teka, ba't kilala mo si Ivana Alawi? May social media ba kayong mga bampira?” tanong niya sa 'kin, edi napatingin ako sa kanya.

“Damn! What do you think of us? Poor? My badness! Ate girl, may free WiFi po sa kaharian namin . . . saka hindi banned ang Pornhub do'n!” I rolled my eyes.

“Hala, sana all. Dito sa 'min banned.” Nalungkot siya Dare Diary . . . mukhang matagal na siyang hindi nakakanood sa PH.

Nang maalala ko ang pakay ko kung bakit ako narito ay sinamaan ko siya ng tingin.

“Akin na…”

“Ang alin, Bampirang Bungal?” sabi niya at nagpamaywang siya. Wow, seksi.

I shook my head and averted my eyes on to her Daedelus, “Akin na ang pangil ko, Ivana Marawi.”

“Hooh! Ayoko nga!" Dumistansiya sa 'kin kaya hindi ko naabot ang pangil ko na ikinuwintas niya, "Sayaw ka muna, Ivana nararamdaman, Ivanaaa, dali… OH MY GOSH? Hindi mo alam?”

Inismiran ko siya matapos suminghap sa pagkadismaya, “'Wag mo kaming maliiting mga bampira, kaya rin naming mag-Tiktok.”

“Weh?” Ang cute niya sa part na 'to.

“Ibalik mo na kasi…!” sabi ko na, parang nagtunog marupok 'yong boses ko. Why is that?

“'Wag na kasi, ang cute mo kaya! Akin na 'to. Hintayin mo na lang, tutubo rin 'yan. Hmm… halika, samahan mo 'ko!” Isinuksok niya ang 'yong pangil ko sa loob ng Daedelus niya.

MYGHAD! My eyes widened, bulged so good like a Pokémon ball.

“Saan?” tanong ko sa kanya, kumawala ako sa pagkakahawak ng kamay niya sa bisig ko.

“Ipapalista kita sa Guinness World of Records, um… kaso… sino ka nga?” ika niyang gan'yan. Edi ako naman nagpakilala ako.

“Bambu.”

Natawa siya sa pangalan ko, “Bambu! Ang Unang Bampirang Bungal ang Pangil! O, 'di ba? Bongga na! Gusto mo 'yon?”

“Ayaw.” Umiling ako at bumitiw ulit sa kamay niya.

"Teka, paano mo 'ko nahanap?" tanong niya at naglakas-loob pa talaga siyang itanong 'yon.

"Ampucking Alma ka! Mahigit tatlong buwan kitang hinanap tapos sa MOA lang pala kita mahahanap!" Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo at kumukulo sa sobrang init.

"How?" tanong niya at nginiwian pa ako.

"Ano pa? Edi inisa-isa ko lahat ng babaeng malalaki ang Daedelus na makakasalubong ko sa daan at titingnan isa-isa ang mukha." I squinched at her.

"You mean these?" Napatingin ako at hinahawak-hawakan niya na ngayon ang Daedelus niya, "Dede? Malaki 'to?"

"Oo, 'di mo ba feel?" iritang tugon ko, kalaki-kalaki kasi tapos hindi pa siya sure?

"Hindi. Hawakan mo para ma-feel ko."

I gulped, jaw-dropped and eyes widened.

"Char!" sabi niya't humagikgik sa pagbungisngis, 'di niya alam umaalog-alog ang Daedelus niya habang humahagalpak siya sa pagtawa. 'Di ko maiwasang hindi tumingin do'n, tumitibok ampucking Alma!

"Nakita kita may kasama kang lalaki na mukhang hindi naliligo at isang babae na sobrang puti pero mukhang kinalahig ng manok ng buhok," saad ko habang nakatingin pa rin doon.

"A, si Pipoy saka si Haponita," sagot niya. Hala, ang cute ng guhit sa Daedelus niya. No, no, Bambu. Erase. Erase.

"Tapos sinundan kita hanggang dito sa bahay n'yo . . ." I paused, I felt the heat on my cheeks.

"E, bakit binobosohan mo 'ko kanina sa taas ng puno, ha?" Napatingin ako sa kanya nang maramdamang tumulo ang laway ko.

"Hindi, a! Nagpapahangin lang ako!" tanggi ko pa habang pinupunasan ang bibig kong naglalawa sa laway. Kadiri.

"Wow! Tapat na tapat sa kubeta namin, a? Alam mo rin bang walang bubong ang kubeta namin at sa punong iyan, sigurado akong tanaw na tanaw mo ang lahat sa akin!" Shems, mukhang buking niya na ako.

Totoo ang sinasabi niya pero kailangan kong mag-deny!

"Umm… err…" utal ko.

"Uy, nag-ba-blush!" Sinundot niya ako sa tagiliran, "Ayiiiee! So nakita mo? Alam mo okay lang naman kung ikaw lang din ang makakakita, para sa 'yo naman talaga ito. Nilikha ito ng Diyos para sa iyo, Bambu. Ano? Nagustuhan mo ba?"

"Anong sinasabi mo? Ulol ka ba? Ba't ko naman magugustuhan 'yan?" singhal ko sa kanya at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Salamat naman at nakapagsalita na ako.

"MYGHAD, BAKLA KA?" sagot niyang 'di ko inakala.

"Ampucking Alma, HINDI!" Sinamaan ko siya ng glare.

"Weh? Hawakan mo nga dede ko kung hindi." She's teasing me, I groaned mentally.

"Alululu-- nagba-blush! Sige na, isang pindot lang… okay lang!" sabi niya pa at kinakalabit-kalabit ang kili-kili ko.

Okay. Sige na nga. Siya naman ang nagsabi, e. Ginusto niya, so hahawakan ko na…

"Oops!" Umiwas siya, "Ano ko tanga? Gan'to lang ako magsalita pero never been kissed, never been touched akis!"

I slid my feet one step closer, "Ba't umiiwas ka? Akin na, pipigain ko talaga 'yan hanggang kumatas."

"Medyo bastos talaga, e…" sabi niya tapos hindi siya nagsalita pero narinig ko ang sinabi ng utak niya, "sana maginoo rin."

"Maginoo ang mga lalaking bampira," sagot ko.

"Weh, lalaki ka?" pang-aasar niya, tinaasan ako ng kilay at iniino ng mga titig.

"Ampucking Alma, lalamasin ko 'yan!" Inambaan ko ang Daedelus niya Dare Diary.

"Oo na . . .! Lalaki ka na," sabi n'yang gan'yan, Dare Diary. "Homay! Omay! Pa'no mo nabasa ang nasa isip ko?"

Late reaction ampucking Alma. OGOGOGOG--OG!

"Hindi mo 'ko kilala, Ivana Marawi, kabahan ka na. Hindi mo pa nakikilala ang tunay na ako." Siniguro kong masisindak siya mga nananakot na salita ko.

"Wow. Takot ako, a! So bakit mo nga ako, hinanap?" Damn, hindi effective. Kung ibang tao 'to, dapat matatakot na 'to!

"Yong pangil ko nga!" ika kong gan'yan at hindi na lang nag-intindi pa. Basta't ang mahalaga ay mabawi ko ang pangil ko.

Pero bigla kaming may narinig.

MAY UMUBO NANG UBOD NANG LAKAS, MALAKAS PA SA KULOG AT KIDLAT.

"Nay?" ika ni Ivana Marawi.

Nakita ko ang awa, lungkot at pag-aalala sa kanyang mukha. She didn't wasted any glimpse of a moment so she worked on her feet away from me and hastily ran into their small house.

Teka, 'yong pangil ko! Nasa kanya pa rin!

(Oops, sagad na! Itaas mo na ang pahina! 'Wag mo nang patagalin, ampucking Alma ka!)

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon