Ikawalong Kagat - Unang Sipsip

130 26 28
                                    

Nagpadala ako sa paghila sa 'kin ni Kapon hanggang sa tumalon siya at nahulog kami sa isang malalim na hukay.

Ano 'to? Patibong ba o hindi?

Tila narinig naman ni Kapon ang tanong ko sa isipan.

"Patibong 'yan… ginawa ko," sagot niya at mayro'n siyang lubid na hinatak.

Pagkahatak niya no'n ay biglang natakpan ang butas. Ngayon ay madilim na rito sa ibaba dahil nahaharangan na no'ng takip sa itaas ang kakarampot na liwanag na pumapasok dito sa hukay kanina.

Tiningnan ko si Kapon kahit hindi ko na siya nakikita kasi sobrang dilim, "Bakit? Para saan?" tanong ko.

"Para may mapagtaguan, malamang!" pakli niya.

"Bakit kailangan magtago?" Napakunot ang noo ko at naguguluhan lang.

"Dahil kailangan, okay?" sagot niya kaya naman…

"Aray ko! Ba't ka ba nananampal?" reklamo niya nang sapukin ko siya sa mukha. Ibig niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa dahil baka may makarinig kaya pinanatili niyang mahina ang boses niya.

He turned on the flashlight he had in his cellphone so it happened that there's a little light around us now.

"Don't worry, safe tayo rito… hindi nila tayo mahahanap. Maraming dahon ng saluyot at malunggay sa itaas," sabi niyang gan'yan. Nakatutok pa sa baba niya ang ilaw ng flashlight kaya naman mukha siyang multo.

Ang ginawa ko ay kinuha ko rin ang cellphone ko at sinindihan din ang flashlight, "O, ano naman kung may saluyot at malunggay sa itaas?" sabi ko't nakatutok din sa baba ko ang liwanag ng flashlight.

Sumagot si Kapon, "Na-discover ko kasi na takot ang mga Basura sa paborito nating halamang gamot…"

"How?" tanong ko.

"Naggagamot ako no'n ng sugat ko nang biglang may umatake sa 'king Basura… and 'yong dalawang basura na 'yon… sila 'yon…" sabi niya at ang tinutukoy ay 'yong nakasagupaan kong dalawang Basura kanina.

"Mabuti na lang at nilabanan sila ng Bantay ng Porshugality kaya lang nanalo 'yong dalawang Basura… pinaslang nila ang Bantay ng Porshugality," pagpapatuloy niya.

"..."

"Tapos nagtatakbo ako tapos nahulog ako rito sa hukay… sinundan nila ako rito, wala akong armas no'n at tanging saluyot saka malunggay lang ang hawak ko… so, lumundag ako sa taas para makaahon ako sa butas tapos no'ng pinaghahampas ko ng mga saluyot at malunggay 'yong mga basura, e, nagtatakbo naman sila bigla… then, nalaman ko na takot sila sa saluyot at malunggay."

Kampante na ang boses niya sa pagkukwento at mukhang kalmado na siya.

"Hindi na nila ako ginambala dito sa hukay ko…" and don't worry kasi 'yong takip do'n sa taas puro malunggay nga saka saluyot. Nagawa ko 'yon dahil dito…" sabi pa niya at may itinaas na bagay na nakasabit sa leeg niya.

"Ano 'yan?" tanong ko nang itutok niya 'yon sa flashlight ng phone niya.

"Kwintas 'to ng aking Alpha…" sagot niya.

"Kwintas ng Kapitan?" sambit ko at tumango lamang siya.

"Oo, hindi niya raw alam kung sino nagbigay nito sa kanya pero ibinigay niya 'to sa 'kin bago ako umalis… at sinabi niyang nakatutulong ito para ikubli ang presensiya…" pagsasalaysay muli ni Kapon.

"A, kaya pala hindi kita masyadong maramdaman kanina," saad ko at napatango. "Pero anong sinabi mo? 'Bago sila dakpin', anong ibig sabihin no'n?" tanong ko sa kanya nang ma-realize kung ano ang sinabi niya at muli ko siyang inurirat bago pa siya makaimik, "Bakit ka nagtatago? Bakit ka nandito? Hindi ba dapat sa Barangay Bagsak kita madadatnan? Naguguluhan ako, Kapon…"

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon