Ikaanim na Kagat - Ikaapat na Sipsip

127 25 38
                                    

Mabilis na naglakad si Ivana Marawi pabalik sa aming lamesa. Nagkatinginan kami ni Kalma at nagulat na lang kami nang biglang hinampas ni Ivana Marawi ang lamesa.

Nagulat kami at halos malaglag sa upuan.

"Ba't ka ba nanggugulat?" sabing gan'yan ni Kalma sa Alibata niyang hindi siya pinansin.

Tiningnan ako ni Ivana nang masama at pinaningkitan ng mga mata. Pero mayro'n akong napansin. Bakit mukhang namamaga ang mga mata niya?

"Hoy! Umiyak ka ba?" tanong ni Kalma kay Ivana… napansin niya rin pala.

Hindi niya na naman pinansin ang Alma niya at nang tingnan niya ako ay inirapan niya ako kaagad.

Nang alisin niya ang kamay niyang inihampas sa ibabaw ng lamesa at maglakad muli palabas ay roon ko nakita ang kwintas niya.

Nanlaki ang aking mga mata…

Ibinabalik niya na ba ang mga pangil ko?

Kaagad ko iyong dinampot at binuksan ko ang maliit na boteng laman ang aking pangil na ginawa niyang kwintas.

Itinaktak ko iyon hanggang sa mahulog ang mga pangil ko sa aking palad.

"Mahabaging langit!" sigaw kong gan'yan at napatingala sa itaas. Niyakap ko ang aking isang kamay kung saan naroon ang aking mga pangil.

Napatayo ako sa aking upuan at kaagad na kumaripas ng takbo patungo sa silid nila. Hinanap ko ang salamin para ikabit ang aking mga pangil.

Pero nalaglag.

"Kailangan nga pala ng pandikit para kumapit!" sabi kong gan'yan at naghagilap ako ng mga pandikit sa drawer. Pinakialaman ko na ang mga gamit nila at 'yon nakakita ako ng Mighty Bond.

Dinikitan ko ang dulo ng aking pangil at hindi ang talim nito. Habang ginagawa ko 'yon ay pumasok sa isip ko ang alaala . . .

Ito ang araw kung saan magaganap ang hapunan . . .

Araw kung saan makakasalo ko sa hapag-kainan ang Omega, Omelet at ang . . . Omelon.

"Bampira po!" rinig kong gan'yan may kumakatok sa pinto namin.

Nandito ako sa aking silid pero rinig na rinig ko ang boses niya at sa sobrang kilala ko na ang bampirang iyon ay alam ko na agad kung sino siya.

"Bampira po! Bampira po! May bampira po ba riyan?" sigaw niya pang gan'yan.

Boses pa lang ay alam ko nang si Kapon. Hm, bakit ko ba kilalang-kilala ang boses niya? So weird.

"Nand'yan na . . . saglit lang 'wag mong kabugin nang kabugin ang pinto!" rinig ko namang sigaw ng aking Alibaba na mukhang gigil na naman.

Nanggagalaiti dahil siguro'y naabala na naman siya sa kanyang panonood ng cooking tutorials ni Judy Ann sa YouTube. It's either Chang Amy kasi or Judy Ann . . .

San Jose?

Judy Ann . . .

Curtis?

Basta Judy Ann, asawa ni Ryan!

Bang?

A, basta! Anak nila si Lucho ba 'yon?

Choco Lucho? Ay, iba pala 'yon! 'Yong ano, yung sa patalastas na gatas 'yon kasi!

: Hooh, shet! Ang hirap magpatawa otor! Bakit ba kasi ginawa mo 'kong comedian?

; Sawa na ang readers sa puro pakilig na fictional character Bambu! Gusto na nila 'yong lalaking may sense of humor!

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon