Ikaapat na Kagat - Ikalimang Sipsip

168 27 38
                                    

"Okay, show me what you got!" sabing gan'yan ni Bai. Napataas ako ng tingin.

"Bambu, come on!" sabi pa ni Ivana at itinuro ang sunong kong banyera.

Ibinaba ko naman iyon at inilapag sa malapad na lamesa na bakal kung saan nakalagay ang iba pang karneng paninda ni Bai.

Napansin ko naman sa kabila ang laman loob ng mga hayop?

O tao?

Hindi naman siguro tao, hindi naman siguro ititinda ni Bai 'yon at saka bakit naman siya papatay ng tao? Napansin ko rin na mas marami pala ang tinda niyang internal organs kaysa meats.

"Uhm, we have here some breathless red rooster without feathers." I said as I put down the laundry basin made of steel.

"Wow! Nagsalita na siya! Akala ko umuungol lang?" sabing gan'yan ng kaibigan ni Ivana.

"Alam mo 'wag ka na lang magsalita, Bai, natatalsikan ng panis mong laway ang mukha ko!" sabi naman ni Ivana na ikinatameme na naman ng babaeng haliparot.

"Ay, sorry naduraan kita." Pinunasan pa ni Bai ang mukha ni Ivana gamit ang kanyang kamay.

"Yuck! Ang lansa ng kamay mo!" pag-iinarte ni Ivana Marawi. "Dugyot! Argh!" sabi niyang gan'yan kay Bai at kinurot ito sa singit.

"Sige na, Bambu! Itinda mo na 'yan," sabi niyang gan'yan habang kinukurot niya ang kaibigang nagkokorombang parang bulateng nilagyan ng asin.

"Ha?" tugon kong may halong pag-angal.

"Itinda mo 'yang mga manok," utos niyang gan'yan habang nagkakaladyaan pa rin sila ng kaibigan niyang malansa.

"Bakit ako? Ikaw, a!" sabi kong gan'yan. "Anong alam ko sa pagtitinda?"

"HINDI MO ITITINDA?" sabi niyang gan'yan at ang tanong na iyon ay alam kong panghalili sa ‘Hindi ko ibibigay sa 'yo ang pangil mo'.

"Hayst naman…" saad ko, napailing at napapayag na lang sa bandang huli.

It felt like I wasn't having my freedom anymore and there's a chain of metal wrapped around my neck, choking me to death if I wouldn't do anything she said.

"Kumanta ka ng manok na pula para maraming bumili…" suhestiyon pa niya.

Sinunod ko naman. May choice pa ba ako? Wala kundi ito na lang. Anyway, alam ko rin naman kasi 'yong parody song na 'yon, umabot 'yon sa kaharian namin sa sobrang trending. Ang ganda lang sa Kastilyo ay lahat kami ay may cellphone; mapa-bagsak, mejo at pasado. Iyan lang yata ang bagay na mayroong pagkakapantay-pantay ang lahat-- pribilehiyo sa malayang paggamit ng Internet at gadgets.

Umawit na ako.

"Napadaan… sa sabungan… may nagsisigawan… nang aking tingnan… manok na pula… mukhang matapang…"

Hindi pa man din natatapos at nakararating sa koro ang pagkanta ko ay bigla nang dumagsa ang iilang tao.

"O, 'di ba? Sabi ko sa 'yo, e! Ayaw mong maniniwala sa 'kin!" ani Ivana, nagyayabang na naman na para bang dapat siya ang puriin.

"UBO! UBO! UBO!" Napalingon ako kaagad at inalis ko kay Ivana ang tingin.

"Sana bilhin mo po ito," saad kong gan'yan sa Alibangbang na lumapit sa akin. Iniabot ko sa kanya ang manok at kaagad niya naman iyong binayaran ayon sa presyong sinabi sa 'kin ni Ivana.

"Ateng maganda, sana bilhin mo ang manok ko." Napangiti siya sa sinabi ko at kaagad na dumukot ng pera sa kanyang kartamoneda.

Sumunod namang tinawag ko ang mamang mukhang mamaw, "Hoy, kuya! Ang laki ng manok ko, o! Hawakan mo pa, sana bilhin mo." Iniabot ko rin sa kanya ang manok at kara-karakang dumukot ng pera sa kanyang kartamoneda.

Tinanggihan niya pang kunin ang sukli niya. Ang bait lang, Dare Diary. Sana all.

Sunod kong sinales-talk ang babaeng lumapit, "Ate, sana mabili mo 'tong manok ko! Walang balahibo, makinis, malaman, mataba! Masarap kainin!"

And then kara-karakang nagbayad at kinuha ang manok na binili.

Tinawag ko na naman ang susunod na bibili, "Huy, tingnan mo 'tong manok ko, o! Ang laki-laki! Sana mabili mo po itong manok ko."

Nang iabot ko ang manok sa kanya ay iniabot niya na rin ang pera na sakto ang halaga.

"Sana mabili mo po ang manok kong malaki," sabi ko pa sumunod na Alibaba. Puro barya naman ang ibinayad niya pero sakto naman nang bilangin ko.

Tapos may nakita na naman akong naghahanap ng bibilhin kaya tinawag ko rin siya,

"Ate!" sabi ko pero nang lumingon siya sa 'kin, "Ay, kuya pala!" 'eka kong gan'yan pero naguluhan pa rin ako.

"Ate . . .? Kuya . . .?" sabi kong gan'yan habang naglalakad siya papalapit sa 'kin.

Ampucking Alma, ano 'to?

"Kuyate?" sabi ko pang gan'yan, "Ay, ewan ko na Alma!" sigaw kong gan'yan.

"Hoy, taong hindi matukoy… tingnan mo 'tong manok ko… hawakan mo… malaman, mataba at masarap kainin. Sana mabili mo po ito." Ibinigay ko sa kanya ang manok na tinda ko.

"Aw, pogi! Magkano itong manok mo, pogi?" sabi niyang gan'yan at inilapag ang manok na hinahawakan kanina.

Naguguluhan pa rin ako. Mukhang babae? Nakadamit pambabae? Katawang panlalake? Boses lalake?

"Wampipti po," sagot ko na lang at hindi na inabala pa ang sarili na mag-isip.

Umikot siya at nilapitan ako, "E, ito magkano?"

Ooh… he's invading my private zone.

"Aww, bitiwan mo po 'yan… h-hindi k-ko po 'yan b-binebenta…" sabi kong gan'yan habang hinihimas niya ang cockroach ko na walang naramdamang reaksyon.

"Ay, sayang naman… ang cute mo pa naman kahit bungal," sabi niyang gan'yan at kinurot pa ang itlog ko.

Napatingkad ako, napapikit at napatingala.

Myghad Alma! Ang mapagsamantalang nilalang ay ilayo sa akin ngayon na!

"Hoy, bakla! 'Wag mo ngang minamanyak 'yan!" Nagulat ang kakaibang nilalang sa boses ni Ivanang dinaig pa ang galit na tigre sa galit, "'Di ko pa nahahawakan 'yan, inunahan mo na 'ko!"

Tumayo siya at iniwan ang kaibigang si Bai na kanina niya pa katsismisan.

Nagbayad naman kaagad at kumaripas nang takbo ang kakaibang nilalang bitbit ang manok na binili niya.

Natakot yata sa nanunulis na utong ng Daedelus ni Ivana.

Dare Diary,
Kitakits sa susunod na kagat.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon