Huling Kagat - Ikatlong Sipsip

112 18 21
                                    

"Salamangkerong Bampira…" tugon ko, "so, totoo ka? I mean, totoo ang pagkakalarawan sa inyo na kaya mong makita ang nakaraan?"

"Truth." Sinundan niya iyon ng siguradong tango.

"Pero bakit manghuhula ka sa lupa at ikaw ang nagsasabi kung ano ang hinaharap nila… kabaligtaran sa 'yong kapangyarihan?" tugon kong muli nang dalawin ng kuryosidad ang isipan.

"Truth ulit… nagbabase lang ako sa kanilang nakaraan kaya nakapagbibigay ako ng hula sa kanilang maaaring maging buhay sa hinaharap," kalmadong sagot niya; malayo sa pakikitungo niya sa amin kanina.

Nakahinga ako nang maluwag at napatingin sa rehas na siyang hadlang sa 'min ng aking mga kasamahan. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa wakas ay makalalaya na rin sila.

Ipinihit kong muli ang katawan at hinarap ang lalaki, "Maaari mo bang gamitin ang kakayahan mo at balikan mo ang mga nangyari sa nakalipas na limang taon dahil ang mga alaala lang ng nakalipas na apat na taon ang naaalala namin. I mean, anong alam mo sa mga nangyari noon?"

Humugot siya nang maraming hangin na animo'y magbabahagi siya ng mahabang talakayan. Ang reaksyon niya ang inaasahan kong makikita kaya naman sumayang muli ang pakiramdam ko. Ito na 'yon…

"Makinig kayong mabuti mga Bagsak… panahon na para malaman n'yo ang katotohanan…" panimula niya at ang lahat ay natahimik sa kanyang salita.

"Nagsimula ang lahat nang magkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Kastila at Basura. Naging madugo ang unang digmaang iyon na nag-ugat dahil sa pagiging makasarili at abusado ng mga Basura, sa labis nilang pagkitil ng buhay ng mga tao, paggamit lamang sa kalikasan at hindi inaalagaan at pagpapalaganap ng kasamaan. Hindi nagkaintindihan ang dalawang panig dahil sa magkaiba nitong pananaw at hangarin kung kaya't nagkaroon nang pagkakampihan na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng Kastila at Basura gayong dati ay iisa lamang ang kaharian ng mga Bampira."

Kapwa lahat ay nakikinig lang sa nag-iisang boses.

"Hangarin ng mga Kastila ang kabutihan, kaunlaran at kapayapaan subalit kabaligtaran sa grupong tinawag na Basura, samahan ng mga Bampirang mapang-abuso, walang puso at laging hangad ay gulo." Huminga siyang muli bago magpatuloy, "Isang araw, sinugod nila ang kuta ng mga Kastila upang mapasakanila ang hinahangad na kasaganaan dahil ang mga Kastila ay mayroong sariling lupain at pananim, yaman at mga alagang hayop samantalang ang mga Basura ay wala at nakaasa lang sa mga mahuhuli nilang hayop o tao."

Pinagmamasdan ko lang ang mga kasamahan kong Bagsak na taimtim na nakikinig.

"Naipanalo ng mga Kastila ang digmaan dahil sa tulong mga makapangyarihang bampirang katulong nila ang mga Salamangkero at ang mga bihasa sa pakikipaglaban na mga Bagsak ngunit ang tagumpay na iyon ay hindi nila makakamit kung wala ang tulong ng magiting na pinuno ng hukbo--- si Omegle, ang inyong yumaong Omega."

Sa kanyang mga sinabi ay nakikini-kinita ko sa aking isipan ang mga nangyari. Ang digmaang naganap… ang matatamis na ngiti ng mga Kastila habang ipinagbubunyi ang kanilang tagumpay at ang Omega na siyang namuno sa labanan--- ang dahilan kung bakit kami nagkaroon ng kaharian at nanatiling sa amin ang dapat ay sa amin.

"Nakuha niya ang simpatya at tiwala ng mga Kastila kung kaya't matapos ang digmaan ay iniluklok siya ng kanyang mga kauri bilang kanilang Hari at siya ay tinawag nilang Omega. Sa kanyang pamumuno, makalipas lang ang ilang buwan ay naramdaman niya ang hirap at pagod kung kaya inanunsyo niya sa lahat ang kanyang saloobin. Noo'y binalak na niyang sumuko at bumitiw sa trono ngunit sinabi ng kanyang nasasakupan na panahon na para humanap siya ng kabiyak… katuwang sa pamumuno at pamamalakad ng palasyo."

Unti-unti na kaming nalilinawan.

"Iyon nga ang ginawa ng Omega, at doon niya nahagilap ang dalagang si Mimiyuuuhmete, ang Omelet. Nadaanan niya ito at nakitang nanunungkit ng rambutan. Mukha itong nahihirapan kaya tinulungan ni Omegle at doon na sila nagsimulang maging magkaibigan. Palagi silang nagkikita at magkasama kung kaya lumago ang kanilang pagkakaibigan at naging pagmamahalan. Sila'y naging magkasintahan hanggang sa umabot na sa puntong ang rambutan na ng Omega ang sinusungkit ni Mimiyuuuhmete, may karapatan na siyang hawakan ang Cockroach ni Omegle sapagkat ikinasal na sila."

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon